Hello! Kamusta na ang mga araw ninyo? Isang shift na lang at rest day ko na. Makakapagpahinga na ng konti at makakagala kung saka-sakali. At for today, dahil andaming tumatakbo sa isipan ko..... random mode ulit.
1. Masaya yung naging team building namin last fri-sat sa Laiya, Batangas. Though 3x na ako nakapunta sa lugar na iyon, naging maganda naman ang memories.
2. Pero nakakasad din kasi dun sa place na iyon ginanap yung pers team building with my previous team at mga previous team mates. At medyo nakaka-nostalgic alalahanin ang nakaraan since mas naging ka-close ko halos lahat ng members sa team noon.
3. Nagulat ako sa nabalitaan ko. Yung isang ka-batch ko sa opis (kasabayang pumasok circa 2008) ay nagresign na at currently nasa Dubai. Yung eksenang nakakagulat at nakakasad. Isa nanamang friend at kakilala ang nawala/umalis na.
4. I'm currently reading another manga. Wala kasing magawa minsan.
5. Feeling ko pumapayat ako. Sabi din ng iba. Pero sa tingin ko, ito ay dulot ng stress dahil mahirap matulog sa new place tapos nalilipasan gutom minsan dahil feeling busog at bloated. tapos madalas pa LBM.
6. Hindi po ako manonood ng Twilight. Lols.
7. Dahil kay anonymous commenter sa previous post ko... babaguhin ko na ang way ng pagsulat at pagsasalitype ko dito. Kailangan may bad words at puro kabastusan at kahalayan na ang terms. Tapos dapat may mga pre, chong, brad, dre para lalaking-lalaki ang pananalita. #amalayer!
8. Hanggang ngayon, di pa ako nalalabili ng either phone or cam. #takotgumastos
9. May upcoming outing sa antipolo this coming saburdei. Heheheh. Heksayteds me ng konti.
10.. Hanggang dito na lang muna. Take Care!
msaya tlga ang outing ng Kilo! yeah!!
ReplyDeletepre, chong, brad, dre! ipag patuloy ang lbm, secret ko din yan para sa biglaang pagliit ng tyan :)
ReplyDeletesama mo naman kami sa outing!
bili ka na ng cam, ng may kapalit na si nawala :)
Ewan ko. Pero 'di rin ako fan ng Twilight. Nababaduyan kasi ako though mahilig naman ako sa fantasy-romance movies pero di ko talaga trip sina Edward at Bella. But I'm planning to read the book. Baka dun ma-appreciate ko pa. Mehehe~
ReplyDeletebumulong ka na ba sa hangin? ^^
ReplyDeletehindi ko pa rin napapanuod ang breaking dawn, kaliwat kanang yaya ang nangyayari wala namang natutuloy #amalayer sila haha
ReplyDeletetumbling tentayms sa #7!
ReplyDelete6. Hindi po ako manonood ng Twilight. Lols. ---pareho tayo. pero kung may manlilibre, baka magbago ang isip ko.
ReplyDelete7. Dahil kay anonymous commenter sa previous post ko... babaguhin ko na ang way ng pagsulat at pagsasalitype ko dito. Kailangan may bad words at puro kabastusan at kahalayan na ang terms. Tapos dapat may mga pre, chong, brad, dre para lalaking-lalaki ang pananalita. #amalayer! ---pare, dre, chong! sino yang anonymous commenter na yun?
8. Hanggang ngayon, di pa ako nalalabili ng either phone or cam. #takotgumastos ---may sakit din akong ganito. ultra kuripostism.
waaaah! noooo! parang nanibago tuloy ako sa formal writing ni sir Khanto today >_<
ReplyDeletededma na lang ung anonymous commenter na un ehehehe!
haha ako aliw na aliw ako sa mga choice of words mo lalo pag story mas nagiging nakakatawa ung plot
ReplyDeletesama ako sa outing! hehe chos :)
ReplyDeletepeyborit ko ang number 10 kasi may takecare . hahahah :)
ReplyDeletesino naman yang anonymous commenter na yan? hongepal! hahahaha. hindi mo kelangan magbago ng way magpost. deadmabelles kay anonymous chorba.
ReplyDelete