Thursday, November 15, 2012

Kailangan na Mag-Move On!


Wow! Grabe lang ang pangyayare kahaps! Yung biglaang lumobo ang bumisita sa nilalangaw kong bloghouse. Himagin, from normal na 500 visits per day, kahapon ng umaga hanggang mayang 8am ay nasa 24k na ang pageviews sa blog house ko!

Tapos kahaps, sa topblogs, naging numbah1 pa sa personal category ang bloghouse (though back to rank 10 na sya ulit). At kinabog ng topic kahapon ang number 1 all time most viewed post ko na Detective Conan na running for 2 years. anong panama ng 22k views sa 8k views(accumulated).

Nakakaober-ober pero medyo nakakasad din. Bakit? Though madaming hits, makikita mo naman na yung ilan sa mga nag-comments ay grabe mag-mura. Tas may nagclaim pa na ex ni girl tapos nabembang nia daw iyon and stuff like that! But the thing is.... they remain anonymous.

Saka it's scary... wait, scratch that..... it's super duper scary ang nangyare kasi mas matindi ang cyber bullying sa normal or regular bullying. Alam naman natin na mas masakit pa sa hazing/sakit ng katawan ang mga nabibitawang salita ng mga tao against sa atin.

Pero alam naman natin na this thing is a one hit wonder. Parang nobody-nobody-but you.... maingay sa simula pero mapaglilipasan din ng panahon.

So for today.... Let's move on. Madami pang balita sa tabi-tabi. Madami pang eksenang kailangang pagtuunan ng pansin. Hindi iikot ang mundo sa iisang issue lamang.

29 comments:

  1. Congrats sayo. Kalingan din ni Amalayer na mag move on. lol

    ReplyDelete
  2. Nako pre lalo na siguro kung naipost yan sa yahoo. XD

    * Gin was here

    ReplyDelete
  3. sana maging ganitong level din ang blog ko. hahaha. pero ok lang din kung hindi. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha, tama,. kung sumikat or hindi ang blog, okay lang

      Delete
  4. nacyber bully siya.

    ReplyDelete
  5. at lubog na lubog na sihuro si AMALAYER sa kahihiyan dahil sa ginawa niya.. pero naniniwala ako na merong "AMALAYER" sa mga sarili natin, sa araw-araw na taong nakakasalubong natin sa LRT, hindi nga lang sila eskandalosa :D congrats again! :)) hit na hit!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama, lahat tayo basta maprovoke possibleng magkaroon ng ganyang eksena.

      Delete
  6. over whelming yung visitor counts mo kahapon sir Khanto :) nagulat nga ako sa mga comments, lagpas 100+ umabot lols. yung sa blog ko, 1.5k lng ang pinaka mataas kong views sa per day at yun ay nangyari dun sa "things you should know about cyber crime law" na post ko :D

    nga pala sir Khanto, grab your award on my blog. thanks!

    ReplyDelete
  7. Ikaw na ang tunay na sikat! Haha!

    ReplyDelete
  8. nagcomment nako pero dahil my nabasa akong comment nagshare ng experience nya with lrt guards.. I'll share mine.. meron kcng mga guard na hindi rin sumusunod sa mga patakaran.. sa LRT 2 V.MAPA lady guard..sling bag ang dala ko.. pataas yun itsura ng bag.. yun wallet ko nasa bungad para madaling makadukot ng pamasahe..binuksan ko ang bag pinatong sa lamesa. ginawa ni lady guard.. kinuha yun wallet tinanggal sa bag.. nilapag sa lamesa bago nya ginamit yun stick pra halukayin ang nasa loob ng bag.. den.. after nya tanggalin yun stick.. hindi nya binalik yun wallet ko..umasta sya ng parang .. next please.. ako pa kumuha ng wallet ko.. eh diba bawal nila hawakan ang gamit ng mga chinecheck nilang bag..lalo nat wallet? kaya nga sila may stick na hawak? what if my mabilis na kamay na dinampot yun wallet ko? buti nalang wala ako sa mood dahil pagod at antok nako at gusto ko na umuwi..nag sync in nalang sakin nun nakasakay nako sa train. buti hindi ako nagwala tulad ni amalayer..wla lang na share ko lang..

    ReplyDelete
  9. sulat ka sa blog ng mga unforgetable scenes.. isama mo na si amalayer, sotto, take it take it ni ruffa sa award nights tapos marami pang iba hehehehe.... congratz u na shikatzzz

    -Dark Angel

    ReplyDelete
  10. move on nga nga tyo..kinabog ni amalayer ang mga kumento sa kuyang nangaway ng cashier ha, infernes! haha

    ReplyDelete
  11. naks... ikaw na hehehe

    Dapat na ngang mag move on....

    ReplyDelete
  12. hehe parang gusto ko tuloy mag-guest sa blog mo lol :) parang isang top rated morning show lang :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. lols. isang araw lang nag-rate ang blog, tapos wala na.

      Delete
  13. sa puntong ito.. ang masasabi ko lang.. mga bloggers na may kumikitang kabuhayan ang totoong nagtagumpay.. hehehe

    ReplyDelete
  14. haha napansin ko nga ung madaming anonymous comments hehehe kaw na sikat clapc clap clap

    ReplyDelete
    Replies
    1. wakokok, puro anonymous kasi ayaw mabully ng mga bully

      Delete

So.......Ansabeh???