Monday, November 5, 2012

Ang Kwento ng Pink na Table

 Ang Kwento ng Pink na Table

Me isang lalaki na bata pa lang ay kinakitaan na ng mga senyales ng isang henyo. Ang unang salita nya ay noong 3 buwan pa lang xa, ng sinabi nyang “Maaaa, dede”. Natuto siyang maglakad ng siya ay 5 buwang gulang. At nakaka intindi na at sumasagot sa mga simpleng tanong bago sumapit ang kanyang unang kaarawan.

Tuwang tuwa ang kanyang mga magulang sa kanya.

Noong siya ay nasa nursery, nakakapagbasa na siya ng maayos ang nangunguna sa klase. 4 na taon siya noong naggrade 1. Nanguna pa rin sya sa klase. Dahil sa tuwa ng kanyang ama, tinanong nya ang batang lalaki kung ano ang gusto nyang regalo dahil nanguna sya sa klase.

“Anak dahil nanguna ka sa klase, bibigyan kita ng regalo.”

“Talaga itay?”

“Oo anak. Ano ang gusto mong regalo.”

“Uhmmm…” nag isip ang bata.

“Can you give me Pink na Table?”

Napaisip ang kanyang ama at tinanong ulit ang anak

“Yun ba talaga ang gusto mo anak?”

“Yes Itay. Gusto ko po ng Pink na Table.”

Dahil na rin sa pagkalito at hindi naintindihan ng kanyang ama ang kahilingan ng iyon. Ang binili na regalo sa bata ay isang Bola. Lumipas ang mga taon at napabilis ang pag angat ng bata sa elementarya. Dumating ang araw na siya sa gagraduate na sa elementarya bilang Valedictorian. Muli, dahil sa tuwa ng kanyang ama sa bata, tinanong ulit sya ng kanyang ama kung ano ang gusto nitong maging regalo sa kanya.

“Dahil nag graduate ka bilang Valedictorian anak, bibigyan kita ulit ng regalo. Kahit anong gusto mo, sabihin mo lang.” ang sabi ng ama.

“I want Pink na Table itay.”

“Talaga bang iyun ang gusto mo anak? Wala ka na bang ibang gusto?”

“Yun lang ang gusto ko Itay. Pink na Table.”

“Ok.” sabi ng ama.

Ngunit gaya ng dati, nakalimutan ulit ng kanyang ama na ibilhan ang kanyang anak ng Pink na Table. Ang kanyang nagging regalo sa anak sa kanyang pag graduate sa Elementarya ay isang bago at mamahaling bisekleta. Pumasok sa isang ekslusibong Hayskul ang bata at muli ay nangibabaw ulit sa kanyang mga kaklase na mas matanda sa kanya. Nag graduate ang bata sa Hayskul sa edad na 12. At muli ay siya ang Valedictorian. Tuwang tuwa ulit ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang ama dahil nakakatipid sila sa gastusin sa bilis ng pag angat ng anak. Gusto ulit ibilhan ng ama ang kanyang anak ng anumang bagay na gustuhin nito.

“Ang talino mo talaga anak. Valedictorian ka na naman.”

“Syempre naman itay. Masipag kasi ako mag aral.”

“Nga pala anak, dahil sa ikaw na naman nanguna sa klase kahit mas bata ka sa mga kasama mo, sabihin mo kung ano gusto mo ipabili sa akin at bibilhin ko.” Ang sabi ng ama

“Itay, gusto ko ito mula pagkabata, gusto ko po ng Pink na Table.”

“Ay oo nga pala, matagal mo nap ala pinapabili yan. O sige hayaan mo at iyan ang magiging regalo mo pagkatapos ng graduation.”

Napadaan sa department store ang pamilya pagkatapos ng graduation. Me sale ng mga hi-tech na gadget at napabilib ang ama sa mga ito. Binilhan nya ang anak ng PS3 at isang mamahaling cellphone na touch screen. At nakalimutan ulit ng ama ang kanyang pangako na Pink Table.

Pumasok na sa Kolehiyo ang Henyong bata ang kumuha ito ng kursong Chemical Engineering, BS Math at Medicine. Pinagsabay sabay nya kunin ang mga iyon. Dahil na rin sa henyo ang bata ay pinayagan ito ng Admin ng Unibersidad. At muli matapos ang ilang taon, ay grumaduate ang lalaki sat along kurso. Lahat ay Suma Cum Laude sya. Siya ulit ang nanguna sa lahat. Napabilib ang lahat sa kanya. Muli ay nangako ang kanayang ama na bibilhin kahit ano man ang ipabili sa kanya upang mag silibing regalo sa pag graduate sa kolehiyo.

“Anak, ikaw na ata ang pinaka matalinong tao nakilala ko.”

“Talaga po?”

“Oo naman. Kaya ngayon, magsabi ka lang ng kahit anong bagay na gusto mo at bibilhin ko para sayo. Kahit gaano kamahal.”

“Talaga itay?” tuwang tuwa ang lalaki.

“Itay, I only have one wish. Gusto ko po ibilhan nyo ako ng Pink Table.”

“Ok. Para sa matalino kung anak, bibili ako ng Pink na Table.”

Ngunit lumipas ang mga araw at walang Pink na Table na dumating. Sa halip ang binili ng ama para sa anak ay isang sports car. Hindi red.

Pagkatapos ng kolehiyo ay nagtrabaho na ang lalaki. Gamit nito ang sports car na hindi red na regalo sa kanya ng kanayang ama. Minsan isang araw ay me naganap na isang aksidente. Bumangga ang sports car ng lalaki sa isang truck. Ung red. Tinakbo ng mga saksi ang lalaki sa hospital at doon ay nag aagaw buhay na siya. Dumating ang kanyang ama ang umiiyak.

“I….tay, Im..... gonna....die.” habang hawak hawak ang kamay ng kanyang ama.

“Hindi anak, hindi ka pa mamatay.” paninuguro ng ama sa anak.

“It….ay, pp…pwede ba…. ko hum…ling sa in….yo ng isang …..bbb…bagay ba…go ako mmmm….mama….tay?”

“Hindi ka pa mamatay anak…. Pero sige ano ung hiling mo? Baka sakaling bumuti ang lagay mo pag naibigay sayo iyon.”

“Itay, gusto ko po…. Magkaroon.. ng ….. P….pink na….T…tt…table.”

Dito na nagalit ang kanyang ama. At hindi na nito mapigilan ang sarili. Mamatay na nga lang ang bata ay iyon pa rin ang gusto nito. Tinanong ng ama ang anak kung bakit Pink Table ang gusto ng lalaki.

“Anak, Bakit ba mula na lang Pagkabata mo ay wala na akong narinig na hiniling mo kundi iyang Pink Table na yan?!!!!!!! Bakit ba gusto mo ng Pink Table?!!! Bakit?!!!!” sabi ng ama habang umiiyak.

Umiiyak na ngaun ang lalaki at pagkatapos ay nagsalita.

“I…tay… gussss…to ko nnnng… Piii…nkk… nna… Tttt…able…..kkkkk….aa…sssi…….”

At bigla na lang binawian ng buhay ang lalaki.
*-*-*-*-*-*-*-*
Nabasa ko tong wento na to sa pesbuk kanina at nacurious ako kung bakit gustong-gusto niya ang pink na table. Baka kasi tough guys likes pink or isang sirena yung bida sa wento. 
Sabi ng nagpost, may part 2 daw yung wento kaya nag-aabang pa ako ng kasagutan. At kahit ginoogle ko ang wentong pink table, hondoming versions, nakakalito. So abang-abang muna. nyahahaha.
 From 8pm shift, sa byarnis, 2am na akow. Wala lungs. O cia, hanggang dito na lang muna, TC!

11 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Test lang yun unang comment ko...hahaha..Nabasa ko na ito sa blog ni MUSINGAN!

    ReplyDelete
  3. Ah oo, masayang ikuwento ito lalo na kapag magaling ang storyteller at maraming makikinig. Kelangan ma-attract ang attention ng mga tao, tapos sadyang bibitinin pag namatay na yung bida bago iexplain yung pink table. Kumbaga, pang-asar lang talaga siya. Haha.

    Nakwento ito samin ng kaibigan namin, ang galing niyang magkwento kaya sigawan kaming lahat nung namatay siya. Hehe.

    ReplyDelete
  4. so ano nga ang kwento ng pink table? shettt!!!! nabitin ako! lol

    ReplyDelete
  5. so ano na? bakit? nambibitin ha..

    ReplyDelete
  6. ala sobra ako nacuroius ahh bitin nmn pala hahays kaw na lng magpatuloy haha

    ReplyDelete
  7. more more more!!! XD

    kakabitin naman ang kulay rosas na mesa :)

    at natawa ako dun sa sports car na hindi kulay red... then ung truck red lols

    ReplyDelete
  8. isa ito sa mga kwentong matagal ng kumakalat sa internet.. hehehe.. kung ano man ang reason sa likod ng pink table wala pa rin nakakasagot..

    pwede kaya ito iclassify as Urban Legend? hehehe

    ReplyDelete
  9. My god sa hinahaba-haba ng story hindi man lang nareveal kung bakit nya gusto ng out of all things, pink na table!

    ReplyDelete
  10. Nakwento na sa akin to, nabwisit lang ako..binasa ko baka iba ang kwento..yun pa din pala, nabwisit lang ako ulit haha :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???