Warraps! Kamusta ang undas? nakapagtirik ba kayo? Baka naman iba ang tumirik! lols. Heniways, wala masyadong super duper kaganapan. so ngayon, ewan ko, out of the blue eto ang naisip kong topic.... How to make a teleserye.
Dito sa pinas, uso ang ganitong palabas. pano nasanay tayo sa kadramahan sa buhay. Yung eksenang kahit masiyahin ang mga pilipino, masyado tayong hook sa ka-emohan at sa mga makabagbagdamdaming palabas.
For today, i will give info kung anong mga elemento at mga anik-anik ang bagay para sa teleserye.
1. Bida- Hello?! Natural kailangan may bida sa serye. alam naman puro sceneries lang ang ipapakita. Alam naman teleprompter ng mga dayalogo. Syempre kelangan may bida!
Sa bida, kelangan tanga-tangahan at api-apihan ang peg. lalo na sa bidang babae! Aba, dapat todo ang kahirapan para achieve na achieve ang drama. Pero syemps, dapat makalaglag brip ang ganda para maakit ang bidang guy. Plus factor na din kung magkakaroon ng vaginal lock para superb ang epeks. Dapat sa umpisa ay simple lang tapos mag-eevolve at mag-uumapaw ang seksihan.
Si Guy, kelangan pumuputok ang maskels! Di na kelangan na uber galing sa drama. Basta sa killer smile o kaya sa pagpapakita ng upper body niya ay mabuwang na ang mga matrona, kababaihan at kabekihan. Pede din yung nilalagyan ng dyaryo sa short at trunks para kunwari dako para mas may points Lagi silang mayamans at kinababaliwan ng girlay.
2. Kontrabida- Magkakaroon ba ng anghang ang wento kung walang mang-aapi sa bida? Magkakaroon ba ng lasa ang acting ng mga leads kung walang makahighblood performance from the evil ones?
Sa girl, dapat bloody red ang lipstick. Yung at par ang ganda din sa bida pero malakas makakulo ng dugo! Dapat din yung kayang ingudngod sa putikan ang kalaban.Yung palaban sa bakbakan, sabunutan at sampalan. Yung kayang-kayang itaas ang kilay up to 80 degrees acute angle.
Sa boy na kontrabids, dapat pumuputok din ang maskels pero mas prefer ang goonygooniegoon ang dating! Yung eksenang kayang magpatumba ng bida na hahadlang sa mga plano niya. Dapat kaya din manigarilyo (hindi po yung vape). Sila din yung kayang ireplicate ang itsura ng demonyo sa kasamaan.
3. The Other boy/girl- Sila yung third wheel ng pbb teens landian kapokpokan nila bida boy at bida girl. Sila yung laging nakaalalay sa bida pero taken for granted! Sila yung napapaupo sa row four at tinatapon ang pag-ibig na hindi bumenta sa bida.
Eto yung mga actor na taga-salo. Aba, pede sila sa basketball, malakas maka-rebound! Sila yung nagiging sandalang ng uber weak na mga bida. Pero kawawa kasi never nilang napasakamay ang Pu..... puso ng mahal nila.
Minsan, sila na din ang nagiging kontrabids dahil sa kahibangan nila kila boblaks bida boy at bida girl.
4. The sidekicks- Sila yung support roles ng bida. Either BFF ni girlay o kaya alalay or kaberks ni boy. Sila yung fillers at pangontra umay sa super tamis at wagas na paglalandian ng bida. Sila yung sinasabi breath of fresh air. Pero minsan nakakainis din sila kasi puro comedic relief ang dala.
5. Plot- Eto ang storyline ang backbone ng teleserye. Dapat hindi gasgas. Dapat bago! Dapat Innovative. So kelangan may mahirap na bida tapos malalab-at-pers-sayt sa anader bida. Tapos langit sya, at lupa ako ang arti. Tapos tapos kailangan may kontrabidang hahadlang sa pagcacanton este pagmamahalan ng dalawang nagmamahalan.
Tapos kailangan sa plot, may secret formula. Dapat may ipapakita lewdness at kahalayan either sa boy or sa girl. Kailangan makita ang lumalaki or pilit na iniipit na bumper ni girl. Tapos kailangan masilayan ng audience ang six-pak ab ni boylet na todo-gym para ma-maintain ang yummilicious body.
Then, kelangan, pasok na pasok sa banga ang latest at trending recipe for a serye.... kelangan may PAKBET este KABET! Dapat may other woman. Dapat may secret affair! May panty at brief na nag-aaffair-disaffair!
6. Music and Background- Eto, isa din sa vital element ng serye. Lokasyon at tugtugin. Kailangan na kailangan!
Dapat pag sinabing lokasyon, dapat andyan ang Hacienda! Dapat mansyon kung mansyon ang bahay ng mayamang si bidaboy. Tapos, barong-barong at dilapidated ang house. Pwedeng iskwalalumpur ang pinag-check-inan sa four square!
Pero kung may budget, why not shoot the serye sa labas ng bansa. Like UZBEKISTAN or sa AZERBAIJAN. Natural, dapat yung mapapa-wow ang mga viewers sa new place na pinagdalhan nio or pinagshootingan for 5 days at lalabas lang sa first 3-5 episodes tapos balik pinas na.
Tapos for music, dapat yung kikirot na parang kinagat ng langgam ang betlog. Yung mapapaluha ka sa sakit tapos mangangati at mamumula. chos. Yung may soul daw.... Diba tito gary beh? Yung maka-OA na kanta na kailangan paulit-ulit na iplaplay kapag naghahabulang-gahasa ang mga bida sa damuhan, sa burol, o kaya sa dalampasigan or imburnal.
Pero minsan kailangan makabago para pasok sa jar. Like ipasok ang song ng Dagtang Lason... 'mga tambay lang kaming..............' o kaya ang song ni Gloc-9....'Dram na may tubig ang sinisisid'.
7. Promotion- Dapat bago ipalabas, makailang beses ipapakita at ipapatalastas ito sa telebisyon. Yung moment na bago matsugi ang programang papalitan. May super eksena at ipapakita ang BEST na daw na eksena para ma-engganyo ang viewers.
Tapos, kelangan may mall show at guesting sa other programs para naman pag-usapan at hindi dalawin ng mga bangaw sa bangketa. Kailangan umapir din at kunwari may issue tungkol sa stars na gaganap. Yung may-HEADLINE sa daBAS or STARtoks.
Minsan kailangan din may something na sasabihin na ito ang pinaka best drama for the year at super husay ng pagkakagawa.
9. Title- Eto.... eto talaga ang importanteng-importante! Eto na yung highest level na element sa serye! Dapat unkabogabol! Dapat yung hanggang sa dulo ng walang hanggan na kakaibang namesung na binunot mula sa kantang magiging themesong din.
Best eksample ang pamagat na 'Call Me Maybe' or Gangnam Style'. Mga ganyang pamagat ang kinakagat ng masa! Yung kakaiba! Tapos kailangan mababanggit ang name ng serye sa hulihan ng palabas, para masabi or mag-indicate na papatapos na at magwawakas na ang walang katurya-turyang pinapanood mo.
Since may idea na kayo, gawa na ng teleserye at ibenta ang rights sa naglalakihang mga kumpanya na nangangailangan nito. malay mo, ikaw na ang next thing na masasabing pinagmulan ng super crazed serye!
O cia, hanggang dito na lang muna, Take Care!
ikaw ba gumawa ng teleserye? wows....galings mo! lols
ReplyDeletekumpletong-kumpleto. pang-primetime. hehe. ;)
ReplyDeleteayokong manood ng teleserye ng gma 7. karamihan ang panget. bihira ang maganda hahha. bias Lol
ReplyDeletehanep! ano nag imbento kapa ng word na goonygooniegoon hahaha. gusto ko yung kontrabida ako. para go sa putik yung bida.
ReplyDeletewell kaso lately wa na maxadong maganda at original na kwento di tulad dati
ReplyDeleteHaha winner! :) Sana lang sa mga susunod na teleserye, hindi na ganito ang line up para bago naman. :>
ReplyDeletepasok na pasok ang mga tips mo Khants! Sana magka Gangnam Style nga starring Coco Martin and Julia Montes lels!
ReplyDeleteAng dami kong nakitang teleseryeng ganito! Haha. Saka uso na ngayon yung maraming kabit! XD
ReplyDeleteWagas kung makagawa ng teleserye ang pinoy... ahahaha wagas din ang post na ito.. nice to be here.. o siya.. next time ulit
ReplyDelete