Hembak! Hamisyu ol! Grabs, 1 day din akong di nakapag honline. Heniways, heto na ako at para sa pagbabalik blogging (as if uber tagal kong nawala), bibigyan ko kaya ng movie review!
Ibibigay ko sa inyo ang very fresh na movies..... Handa na ba kayo sa spoilers? Let's get it on!
1. The Amazing Spiderman
O ha! Gulat ka no? Oo! Imagine, merong new spidey film pero hindi si Toby ang bids! Pinalitan na sya! Huhuhuhu.
Well, so ano ang meron sa peliks na ito? Well, ganito yun. May isang kiddo na iniwan ng pudrakels at mudrakels sa pangangalaga ng kanyang uncle at aunt. Then nagbinata si kiddo tapos nakagat ng lamok este spider. Tapos nagkaroon sya ng kakaibang ability but then kailangan niya ng gadget-gadget thingy to shoot webs. Tapos syempre kailangan may kalabs. This time, ang kalaban ay butiking pasay. And so nagkaroon ng bakbakan and the end.
Score....... 8. Pwede na dins. Di ko gets why kailangan eklatin at baguhin ang wento pero sapat na din ang mga fight scenes and stuff like that.
2. Ice Age 4
Shaks! Grabe! Heto na ang pang-apats na installment ng kwento ng elepante, sloth, sabertooth at squirrel!
Ang wento ay tumakbo after years... as in. Yung batang junakis ng elepanteng balbonic ay nagdadalaga na. So pumiPBB teens ang peg. Gustong kumerenkeng. Tapos dahil sa kagaguhan ng ACORN adik na squirrel, nagkaroon ng movements ang earth at nagkahiwahiwalay ang isang buong land. Tapos nagkahiwalay ang mga bids at napunta sa dagat at may kalabs na pirata pero hindi ang strawhat crew.
Score..... 8.5! Pwede na din. Okay naman ang pagkakagawa ng peliks. Okay din ang comedy at story. Nakakatawa pa din na! kaasars lang ang kalabans. Pati yung granny. kainis... wahahah.
O cia, hanggang dito na lang muna! Lols. (sorry, noong time na ipinalabas ang pelikulang nasa taas, taghirap me so di ako nakanood sa big screen). Take Care!
di ko napanuod kahit isa sa mga yan haha
ReplyDeletesuper late na nga ako nakanood. Kung hindi pa sa copy sa opis. :D
DeleteBading na bading ang mga post mo... Bading ka ba? haha
ReplyDeleteHindi sinusukat sa pagsasalita at sa pagsusulat ang pagiging lalaki. :p
Deletekorek! baka ikaw bading!
Deletesa totoo lang, hindi nakakabawas ng pagka-lalaki ang paggamit ng mga "beki words". simula't sapul na naging follower ako ng blog ni sir Khanto, hindi ko inisip na bading sya in real life. basta wala lang, super enjoy lang ako sa pagbabasa ng mga post nyang laging may halong 100% kulitan at katatawanan. nakaka bawas stress at loneliness sa buhay ang mga post nya dito ^_^
Deleteeto nabasa ko na kung ano ang kinomment ng anonymous viewer mo. wala namang problema sa paggamit ng mga beki words o gay lingo. kung gumamit man ang sumulat ng mga ganun salita eh pinapakita lamang nito na malawak ang kanyang talasalitaan at hindi nakakulong sa mga karaniwang salita na araw-araw nang nababanggit. kung ang tema man ay may pagkabakla, ito ay maaaring ekspresyon lamang at hindi tuwirang sumasalalim sa pagkatao ng sumulat.
DeleteMas mataas ang score ng Ice age 4 kesa kay spidy! wala parin akong napanood dito kahit isa. Natuwa ako sa comment ni Anonymous. lol
ReplyDeleteHa ha ... sa style ng pagsusulat ni Khanto ay aakalain mo ngang bading siya ... but then tama naman siya , hindi nasusukat sa pagsusulat ang pagiging bakla o lalaki ng isang tao ... ako nga na napaka-straight namang magsulat subalit sa tunay na buhay ay isa palang certified beki he he he : )
ReplyDeleteice age 4 hindi ko pa sya napapanood pero yung spidy napanood ko na at mas gusto ko sya kaysa sa naunang spiderman. siguro dahil sa mga artistang gumanap at yung plot na rin siguro. EMMA STONE!! <3
ReplyDeletehaha buti ka ng one day lang eeh hahah ako 3 ata haha anywaya ung spider man di ako mxaso elibs mas gusto ko pa din ung previous
ReplyDeleteAyun parehong di ko pa napapanood so spoiler nga!
ReplyDeletenung weekend ko pinanood yung spiderman...ayun ok naman! yung sa ice age super tawa din me...wehehe
ReplyDeleteOT: mas na curious ako kay anon, bakit may anon pa? at gumaganown talaga ang tanong?
Ice Age: CD, eto yung diba matutunaw na yung yelo tapos kailangan na nila lumipat ng lugar, then yung piratang unggoy etc etc.. maganda ang pelikula kaya medyo mataas para sa akin ang iskor ko, mga 9.0 (0.5 lang ang itinaas sa iskor mo) :D
ReplyDelete