I'm so upset with my Sun Broadband.... It's so tagal! It's so kupad like a snail na nilasing sa gin. It's annoying dahil kung kelan gusto kong magblog at maglaro sa pesbuk ay sobrang 10 or 20 years bago magload ang page! Like yung moment na gusto mong magmura ng punyetakels to the highest level.
Heniway..... tigil muna ang BV sa aking net connection.... Greet much ko muna kayo ng belated HEYPINEWYIR! Hopefully kumplets pa naman ang inyong daliri, kamay at paa, dalawang tenga, dalawang mata, ilong na maganda. :D
For today, share ko lang ang seryeng aking minamarathon sa mga oras na ito. Yep, tama ang inyong nababasa. Nagblblog ako while watching. Apat kasi set ng mata ko e... you know... may pang net at meron din pang nood ng peliks ganyan... hahahahaha.
Ang serye ngayong araw ay ang Korean Version ng manga na Hana Kimi... and they changed it to 'To the Beautiful You'.
Almost same plot sa usual Hana Kimi storyline. May isang girlay na may paghanga much sa isang athlete's foot athlete na isang High Jumper. Elibs much sa nagawang talon na parang tipaklong ni guy kaya fanatic much si girlay.
But, nagkaroon ng problem si boy jumper kasi na-injure sya at mukang hirap na syang tumalons. So etong si girl ay nag-fly-fly-fly-like-a-butterfly mula US to the country ni boy para mag mega support. Pero para masupport much ang kanyang puppy-love, nagpanggap sya bilang isang boylet na may birdy sa pagitan ng legs para makapasok sa all-boys school.
Si Girl na nagpaka-Boy
And so kelangan niyang magpretend na boy just to make her crushy-crush jump like tipaklong all over again.... Magawa nia kaya niyang mapabalik sa pagtalon ang boylet? Pano kung merong other boylet na biglang nainlababo sa kanyang habang siya ay nagpapanggap na boy?
Boy Jumper aka the Tipaklong
Score kahit di pa tapos ang story..... nasa 8 lamangs. Kung matapos ko man.... siguro around 8.6 to 8.7 ang highest na makukuha nitong version na ito.
Bakit may kababaan? Well.... Dahil dyan much better ang gawa ng Japan version at ng Taiwan. Ewan ko... somethings wierd sa pagkakatwist at edit ng Hana Kimi Korean version.
Walang gaanong tawa factor like sa Japan. Yung fun stuff na nagaganap sa dormitories at ang war and contest between the three dorms ay di gaanong nahighlight. Tapos yung third guy o yung boy na nagkagusto sa girl na nagpapanggap ay hindi gaanong bubbly and wacky.
Si boy na nagkagusto kay Girl-Boy
Tapos di rin gaanong kakilig like sa Taiwan. Yung mga simpleng mga bagay na ginagawa ni boy jumper para kay girl-pretender ay hindi masyadong nahihighlight at parang walang gaanong pa-spark. Kulang ng charge mula sa poste ng meralco.
Tapos wierd pa ng mga supporting actors. Yung Gay doctor sa Taiwan at Japan version ay walang ganong moment. Wala ding latoy yung ibang friends at students sa dorm... hindi tumatatak. Panggulo din yung ginawang girlay na patay na patay much boy-tipaklong. Idagdag pa ang medyo slow paced ng wento.
Okay naman sya but not great as the two versions na napanood ko before. Let's say, it's so-so. Okay-okay lungs.
O cia, hanggang dito na lungs muna! Tekker!
update: 1/2/2013- 11:53pm
Napatapos ko na yung series.... at mukang sapat lamang ang 8 para sa kwento na to. hindi na umabot sa 8.6-8.7 dahil sa mga kadahilanang...... Naging dragging much ang kwento. Prinolong at pinatagal. Medyo trashy extra charters and scenes. Missing characters sa bandang ending (nawala yung medyo gayish classmate na parang may gusto dun sa boy na nagkagusto kay girly na nagpapanggap na boy). Walang latoy na revelation sa school na merong babaeng nakapasok. Boring ending.... parang...k.. un na un? ngeks.. ganun. ahahahaha. Hindi ako na-touch sa dulo di tulad ng JP at TW version. Walang teary-eyed moment.
Ranking:
1st-Japan version
2nd-Taiwan version
3rd- Korean version
???- Chinese (kung mahanap)
update: 1/2/2013- 11:53pm
Napatapos ko na yung series.... at mukang sapat lamang ang 8 para sa kwento na to. hindi na umabot sa 8.6-8.7 dahil sa mga kadahilanang...... Naging dragging much ang kwento. Prinolong at pinatagal. Medyo trashy extra charters and scenes. Missing characters sa bandang ending (nawala yung medyo gayish classmate na parang may gusto dun sa boy na nagkagusto kay girly na nagpapanggap na boy). Walang latoy na revelation sa school na merong babaeng nakapasok. Boring ending.... parang...k.. un na un? ngeks.. ganun. ahahahaha. Hindi ako na-touch sa dulo di tulad ng JP at TW version. Walang teary-eyed moment.
Ranking:
1st-Japan version
2nd-Taiwan version
3rd- Korean version
???- Chinese (kung mahanap)
Happy Happy New Year! Parang nakapanood na ako ng ganyang story concept ^^
ReplyDeletePero maganda hehehe ^^
uu, kasi may japan at tawian version nito na pinalabas sa pinas :D hapnewyir
DeleteHappy New Year pre!
ReplyDeleteDahil mababa ang score hindi ko na 'to itotorent. haha
yung japan version torrent mo :D
DeleteHuwaw meron palang Korean Version yang Hana Kimi. Di ko pa napapanood yang To the Beautiful You, kaya I can't make any judgment yet. Pero yung Japanese at Taiwanese version napanood ko na pareho. Yung sa Japan, slim yung girl na bida at mas cute yung sa Taiwan naman, chubby si girl at hindi masyado cute haha!
ReplyDeleteSun Broadband, juskow ganyan din ang nararanasan ko ngayon sa connection namin. Mabagal ang Sun tuwing hapon hanggang gabi lalo tuwing weekends at pag masama ang panahon. Ngayon siguro kaya mabagal ang connection naten dahil holiday pa at nagsi-surf one to sawa ang mga subscribers, kaya congested ang lines haha! pero sa madaling araw mabilis ang connection amf!
Happy 2013 po sir Khanto!
ewan ko, kahit madaling araw, mabaagal.
Deletesana umayos na yang connection mo
ReplyDeleteahaha samin din kung kelan ka nagmamadali saka babagal
anyways uso yang mga mapagpanggap na girl na ganyn sa anime pati pala sa movie
tamang tama kakapanuod lng nmin ng shs'es the man kagabi
sana nga umayos na, tnx
Deletesabihin ko na sayo, isa akong die hard fan nya. hahaha..XD (pwera biro) o my beautiful Sulli.. <3 napanood ko na toh at kaya ko lang din naman pinanood dahil si Sulli ang bida. pero ayos lang yung palabas. pero kahit ano pa man sabihin nila mas maganda pa rin ang long hair sa kanya. and o may gulay why she's so freaking cute? >___< and the ost of the drama... ilavet!!
ReplyDeleteano ba yung pinalabas na hana kimi sa tv? japan or taiwan? yun ang napanuod ko na hana kimi. sana din umayos na ang connection ng sun broadband at mkapag redtube este makapag facebuk games na :D
ReplyDeleteSnail na nga, nilasing pa sa gin? I can't imagine how bagal it is...
ReplyDeleteAng cute ng mga boyletz ha...lol
haha mag bagong buhay na sana ang connection mo at mapabilis ito haha, napanuod ko dati yung Thai version "ata", may ganyang version pala at hindi ko na papanorin kung sakasakali lang at baka ma disapoint ako tulad mo haha
ReplyDeleteWala bang Pinoy version nito. Baka soon. lol Magpalit kana ng connection:)
ReplyDelete