Friday, January 25, 2013

Makabagong Pluma

12-13-14

Sa mga oras na ito, nagsimula na ang gobyerno na kumilos at umaksyon laban sa kanilang mga kalaban. Di ko alam kung pano sila nagkaroon ng kakayahan na tuntunin ang mga taong kinukwestyon ang kanilang atoridad. Pero sadyang malupit na ang nagawa nilang pagbabago sa kanilang talino sa teknolohiya.

Ang mga hackers na noong nakaraang taon lamang ay sunod-sunod na pinatumba at sinakop ang mga pampublikong website ng gobyerno ay isa-isang nahuli. Nilitis sila at sila ay hinatulan ng pagkakakulong. Makalipas ang isang buwan, lahat ng mga sangkot at nasinentensyahan ay namatay daw dahil sa rambolulan ng mga barakong nakapiit sa kulungan.

Mabilis ang mga kaganapan. Parang mga mga natuklaw ng ahas ang mga kontra sa administrasyon. Lahat sila ay nagkakaroon ng pagkakasala sapaglabag sa Cyber Crime Law at napapatawan ng pagkakabilanggo.

Hindi ko alam kung anong kagamitan ang meron sila pero kahit ang mga nagkukubling mga manunulat at mga gumagamit ng huwad na pangalan ay nadarakip na nila.

Natatakot ako na baka bukas, o kaya sa mga susunod na araw ay ako naman ang mapagbintangan ng kung ano. Ayokong lumabas ang aking mukha sa peryodiko bilang isang taong nagkasala sa bagay na hindi ko naman talaga ginawa. Hindi ko nais na mawala sa mundong ito dahil lamang sa aking opinyon tungkol sa gobyerno.

Ito na marahil ang huling post ko sa blog na ito. Kailangan kong magtago at proteksyunan ang buhay ko. Sa mga tulad kong nagsusulat at nag-iisip, sana ay makaligtas tayo sa kamay ng manunupil ng ating kalayaang magpahayag. Nawa'y matapos din ang kaganapang ito. 

-Kuroneko

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Pinatay na ni Kino ang kanyang computer at ito ay itinabi sa kanyang silid. Medyo madamdaming post para sa kanya sapagkat ayaw niya pang itigil ang pagsulat. Pero kinakailangan niyang gawin iyon at mahalagang makapagtago siya hanggang dumating ang araw na magiging malaya na muli silang bumatikos at magsabi ng kanilang opinyon at saloobin.

Kinuha ni Kino ang mga nakatabing medisina para sa iba't-ibang uri ng sakit at kanyang isinilid sa bag. Dinampot niya din ang isang kamera mula sa tukador kasama ang solar-powered charger at inabot na din niya ang maliit na lampara at itinago sa loob ng dalahin.

Handang-handa na siyang lisanin panandalian ang kanyang tinitirhan habang mainit pa sa pagtugis ang gobyerno sa mga taong umaalma at pumupuna sa kanila lalong lalo na sa mga taong nagsusulat sa internet. 

Naalala niyang saglit noong nagdaang taon kung kelan isinabatas ang Cyber Crime Law. Akala nila ay isang pipitsuging batas lamang iyon at maaari padin silang magpatuloy sa kanilang madalas na gawin sa pagsita sa pagkukulang ng gobyerno at ng administrasyon.

Papalabas na si Kino ng bahay ng marinig niya ang kalembang ng sorbetero. Kahit malamig ang hangin dahil papalapit na ang pasko ay heto si manong at agbebenta ng sorbetes ngayong hapon.

Sa di inaasahang pangyayari, biglang may bagay na naramdaman si Kino sa kanyang tiyan. May kung anong bagay ang tila tumama sa kanyang sikmura. Pero mukhang hindi lang isa ang tumama sa kanya. Lima, pito, siyam, Labin-tatlo na bagay ang tumama sa kanya.

Biglang naramdaman niya na para siyang nabuhusan ng tubig at tila siya ay basa. Pero bigla siyang nanghihina at nawawalan ng ulirat. Sinubukan niyang tignan kung anong nangyayari at nakita na lang niya na siya ay duguan at tumutulo na ang dugo mula sa mga parte kung saan may tama siya ng bala.

Bumulagta sa sahig si Kino. Dumilim na ang kanyang paningin at unti-unting sinubukang ipikit ang mata subalit nalagutan na siya ng hininga bago niya ito nagawa. Ang kanyang dalahin ay sinisipsip na ang pulang tubig na nagmumula sa katawan ng manunulat.

Isang alupihan ang bigla na lamang lumitaw kung saang butas ng pader ang ngayo'y gumapang papalapit sa nakahandusay na katawan ng lalaki. Mula sa kamay ulo ay dumako ito papunta sa katawan hanggang sumuksok sa kuyukot ng lalaking walang buhay.

........

"Pare! Tara na! Sunugin mo na yang bahay at kailangan pa nating tapusin etong susunod na target natin!" Sabi ng isang lalaking magsosorbetes.

"Sandali! Kailangan realistic! Kahit pagtatakpan ang nangyare, kailangan kapani-paniwala!" Sagot naman ng isa pang lalaki na may dalang basket ng Panindang Banana Que.

"Puta! Bilisan mo! Madami pa tayong tatapusing manunulat! Isusunod natin etong si Miss Tiryosa na nakatira lang dyan sa kabilang subdibisyon!" bigkas ng unang lalaki.

-Wakas-

Ang fiction story na nasa itaas ay ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.

Makabagong Pluma


25 comments:

  1. Ang galing...napaisip ako kung nasa tema ba ang entry ko....parang hindi ata.

    ReplyDelete
  2. wow! hanep sa costume yung mga assassin ha! hehe
    buti ka pa may entry na...hays!

    ReplyDelete
  3. hala ka pasok lahat ng words,
    nice seryoso ang katha mo naun ahh
    pwede!
    parang ayoko tuloy i post ung akin eeh

    anyway kung ganyan ang cyber crime law ehh ewan ko lang
    people power!!!

    ReplyDelete
  4. Nice! Napapanahon ang tema ng lahok mo...

    Good luck sa Entry.

    ReplyDelete
  5. Ang galing naman... Swak na swak ang lapat ng mga salita...

    ReplyDelete
  6. Huwaw, ang ganda din ng entry nyo sir khanto. Nakakatakot naman kung sa totoong buhay yan nangyari. Ang daming mga assassin na nagpapanggap sa paligid haha.

    goodluck!

    ReplyDelete
  7. ang taba ng utak.... ang galing... sa mga darating na panahon, posible na mangyari ito. pero wag naman sana... :p

    Good luck sa iyong gawa!..

    ReplyDelete
  8. Possible kayang mangyari eto? Wag naman sana. Ang galing ng entry mo. informtive na pwedeng mangyari kapag napatupad ang Cyber Crime Law. Modernong moderno ang thema :)

    Good luck sa entry natin :D

    ReplyDelete
  9. ang astig ng pagkakabuo ng story.. pasok lahat ng words (pati yung alupihan napasok sa kung saan hahaha)

    sana may maisip na rin akong tema soon... ^_^

    ReplyDelete
  10. emeyrged nakakatakot naman tong ganitong setting baka di natin alam isang mamang sorbetero lang pala papatay sa atin dahil may blog tayo.. naks...

    ReplyDelete
  11. posible pero ayokong dumatng ang araw na ito.

    bka matagpuan n lng ako sa fast food chain na nakabulagta. wahhahha

    Goodluck sa matabang utak na entry :)

    ReplyDelete
  12. Okay sa olrayt. Send mo to sa youngblood :)

    ReplyDelete
  13. okay ang pagkakalikha.... Congrats sa entry mo kasi pasok sa top 10 ^^

    nakakatakot kung sa totoong buhay maganap to....

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???