Sunday, January 20, 2013

Tipid Week!


Happy Sunday po sa inyo! Oks naman ba ang inyong weekend? Nakapanood na ba kayo ng peliks? Kayo ba ay nakapag-sinulog? Or nakapagpahinga dahil restday? Good! Gusto ko happy kayo (manong Johnny ang peg?)

Anyway highway.... ako ngayon ay nahaharap sa medyo maliit na suliranin. Alam ko maliit lang to compared sa ibang folks na talagang may malaking problemang dinadaanan sa life.

Last week at this week, naging waldas ako. Oo, inaamin ko, kasalanan ko ito. Naging marupok akong tao at nagpadala sa temptasyon na nakita. Bumili ako ng mga bagay-bagay na di naman kailangan agad-agad. Nagpabuyo ako sa pansariling luho at di ko inisip ang bukas.

At ngayon.... chikhundred na lungs ang laman ng aking wallet. (Kasalanan to ng hindi pumasok na Holiday pay noong nakaraang sahod!). Tapos sa byarnes pa ang sweldo (or baka sa saburdei pa! patay!)

Ngayon, kelangan kong magtodo tipid para mairaos (mairaos talaga ang term?) ang linggo. So kailangan ng plano.

1. 1 Meal a day sa opis. Meaning, dapat chikwenta lang ang gastos sa pagkain during the 9 hours of work. Most probably breakfast lang ang pedeng ikain. Maghanda sa water-water diet!

2. Plan B, since may bigas sa bahay at konting hakdog at itlog, magbaon simula martes (bukas pa ako uwi ng bahay para tipid). Ihanda ang sikmura na maumay sa same-same na pagkain.

3. Alternative sa pagkain ay ang pagkape or pag-hotchoco courtesy of pantry sa opis. Kapalan na to ng mukha! hahahaha.

4. Mang buwitre o mang-vulture ng pagkain ng mga kakilala sa floor. Saktuhin na kakain or maglulunch at magbrebreak kung saan may friend na kakain din. makikihingi ng pakonti-konti hanggang malagyan ng laman ang tyan.

5. Maglakad pauwi! Well, nakakapag lakad nadin naman ako noon from work pauwi ng bahay kaya medyo yaka na ito. Kaso nga lang, kailangan wala akong dalang baggage counter kasi nananakit na yung talampakan ko lagi. kailangan less pressure sa paa.

6. Plan B.2, Sumakay pero mag-1-2-3 sa jeep (pero bad yun kaya slash out tong number na to!)

6. Sumakay ng jeep at mag-abot ng sobre asking for limos! O kaya maglatag ng dyaryo sa tapat ng Medical City upang humingi ng tulong pangkain. :p

7. Mangutang! Para maiba naman, ako naman ang manghihiram ng money. tas bayaran ko na lang pagdating ng sahod.

8. I-text ang magulang na mag-grocery para may makain for the week... Sana may load pa ang cellphone na alarm clock lang ang silbi lagi.

9. Mangholdap/Snatch (No! This is a BIG NO-NO!) Masama ang kumuha ng pagmamay-ari ng iba! Brain, WTF!!!!

9. Ibenta ang katawan! As if merong bibili...Ibenta ang taba! Bawas na sa timbang, baka magkapera pa!

10. Mag-pray na sana makapulot ng karagdagang pera (sampung piso, piso or bente... kung galante, pede na ang 1k).

11. Wag na mag-inarte at mag-withraw na lang sa ATM... katamaran at kakuriputan!

Hay.... itutulog ko na lang to. O cia.... Currently i have 631 petot. Challenge to hanggang byarnes or sabadow#Mind over matter! #Tiwala lang!!! #Kakayanin ko to! #Aja (humahashtag! twitter?)

related quote for the day..... maipilit lang ang quote!
"Ang perang buo, pag nabaryahan sunod-sunod na ang gastos.
Tulad ng TIWALA, kapag NABAWASAN sunod-sunod na ang HINALA."

O cia!heto na talaga! Take Care folks!

13 comments:

  1. Wooohh! Kaya yan Khants! Mas effective ung pag aabot ng sobre sa jeep kung may hawak kang kutsilyo, for sure magbibigay ang mga sakay :)


    Update mo kami kung success ha! I'm sure sa efforts mo may sosobra pa :)

    ReplyDelete
  2. LOL. gawin mo yung No. 6, 6,8, 9,9. dyuk! Pwede naman palang gawin yung No. 11. Habang binabasa ko to naiimagine ko na yung alkansyang baboy ang nagsasalita. haha :P

    Good luck sayo alam kong makakasurvive ka :P

    ReplyDelete
  3. Gusto ko ang ideya na mambuwitre ng pagkain. Lol. Kaya yan! Basta focus. Ang hirap pa namang magtipid lalo at minsan mga kaibigan mo minsa'y nagbubuyo sa iyo. Feeling ko malaki rin ang kinikita ng mga namamalimos sa flyover...

    ReplyDelete
  4. na-feel ko na rin ang mga tagpong ganyan :)
    gawin mo na lang yung no. 11, buti ka nga may mawi-withdraw pa ako 'waley' na haha *ubos biyaya rin*

    ReplyDelete
  5. kyaa yan! ako din tipid mode dahil ang tagal ng sweldo eh lol

    ReplyDelete
  6. ay yakang-yakang to.. ako nga nakakaraus na 200 nalang ang laman ng wallet hanggang friday.. hehehe

    ReplyDelete
  7. kaya yan madameng way para makatipid
    haha ako din want na mag apply pero walang kaperahan

    ReplyDelete
  8. sir khanto, da best pa din talaga jan yung magbaon ka na lang. hindi naman nakakahiya iyon. kung creative ka, gawin mong mala "bento" style yung lunch box mo. oh diba, susyal tignan at mukha pang mamahalin haha.

    #TipidWeek

    ReplyDelete
  9. Makakaraos ka rin pre! Pero kung hindi na talaga, gawin mo yung nislash mo sa number 9. Mabilis ang kita dun!

    ReplyDelete
  10. Kayang kaya yan tipid tipid nlang muna..

    Claudia - http://www.peoplesquotes.com

    ReplyDelete
  11. wahahaha..bet na bet ang bentahan ng laman!!!

    papayat ka na talaga nyan, sana lang wag kang ma ulcer..wehehe

    ReplyDelete
  12. Naaliw ako sa pinilit na quote, in fairness totoo yun, hahaha. E may ma-withdraw pa naman pala e, go na! Joke. The best dyan e yung magbaon sa office. Ganun gawain namin e. Pero pwede din magbenta ng laman, haha.

    ReplyDelete
  13. Ayun oh merong quote sa dulo hahaha... Alam na alam ko ang ganitong feeling kasi pag nawawala din ako sa sarili naste-stretch ko din ang budget ko ng bongga kaya a week before payday, gumagapang na din ako haha...

    Pinakamagandang solusyon na dyan ang magbaon ng food (I always do this) or humingi na muna ng pera sa parents (in my case though hindi to applicable)

    Kaya mo yan, darating din ang payday!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???