Thursday, January 24, 2013

Rendem Leng!

Hello mga ka-khanto! Kamustasa? Isang tulog na lungs kayo at sisigaw na kayo ng KALAYAAN!!! Malamang ay restday nio na sa darating na saburdei! Weeehheeee!!! 

Hindi pa naman ako sabaw pero almost there. lols. Pero hindi naman porke't sabaw ay yun na lagi ang reason ko to create this kinda post... you know.... random stuff. Medyo too many to mention pero hindi naman super kinda big deal to create diffrent post for different scenarios.

Okay let's get it on!

1. Naiwento ko na nung isang araw na tipid week ako diba. Yung 600, natipid ko naman sya until kanina. May natirang 300. Kasi may pakain sa opis ng 2x sonakatipid ako ng 2 meals. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Di ko na maaantay ang sweldo...... Nag-withraw na ako mula sa savings ko. hahahaha. 

Fail na success na ewan. Kanina, nirewardan ko ang sarili ko ng sangdosenang Junkin Jonuts. Oo, sa akin lang yung 12 pcs. hahahah. 

2. Ewan ko ba, anhirap ng diet tapos nasa normal life echedule ka (semi-normal sched kasi 6am-3pm ako). Pag pang morning ship ka kasi, parang mas malakas mag-crave. andami kasing bukas na mabibilhan ng makakain. Temptasyon!!!

3. May pagbabago sa scoring system sa opis. Tapos may bagong iiimplement na shenanigans. Ewan ko.... I feel na hindi ko kayang sumabay sa pagbabago. Somehow malakas ang resisting factor ko. Parang.... konting-konti na lang.... gusto ko na atang bumitaw at mag let go.

4. Ay puuuuuu...... Bumagsak nanaman ako sa QA!!! Tengene! Malas talaga ng nag-aaudit sa akin! Laging yung panget na calls at sablay ang narerecord! Sarap ipabendisyon sa pari yung QA auditor at ang tools na gamit nila. pakshets!

5. Sa mga nagfofollow sa aking Chwirrer account. Super Duper Mega Pasensya na po at nafloflood ang timeline ninyo tuwing umaga hanggang tanghali! Eto kasi yung idle moments minsan sa opis at yung wala naman akong kausap so imbes na matulog.... ayan.... tweet-tweet-tweet. Sorry talaga.

6. Kailangan mag kawang gawa naman tayo. Inaanyayahan po ang mga folks na magdonate ng books, toys or school supplies for project smile. http://www.isangminutongsmile.com/2013/01/project-smile-alay-pag-asa.html

7. Nga pala, sali na kayo sa isang challenge sa pagsulat. Sali na sa Bagsik ng Panitik ng Damuhan.com. http://www.damuhan.com/2013/01/bagsik-ng-panitik-bnp-2013-munting.html

8. Yung Aryana... medyo  madaling hulaan na ang magiging ending.... Mamamatay dyan si Desiree Del Valle para maging tao na muli si Aryana. 

9. Nakakaaliw minsan si Nicki Minaj sa American Idol. Kaso mukang mali talaga ang attitude ni Jynx ng pokemon este Nicki towards dun sa isang contestant na nireject nia daw kasi kakulay ng make-up nia yung ginamit nung girl.

10. Nakakita ako sa mall nanaman ng damit na trip ko! Kaso taragis talaga... Walang 2XL! Nyeta... di ko na bibilin. 


O cia, sapat na ang sampung bagay for the random wents.... Take Care folks!!!! Baka bukas mag-Manila Oceanpark me.... sana matuloys! 

6 comments:

  1. Haha, congrats sir Khanto at nalagpasan mo ang pagsubok mo na magtipid this entire week.

    Saksi ako sa mga nakakatuwa mong pik-up lines sa chwirer tuwing umaga haha. kakaaliw!

    Aryana, yeah I also think na si Neptuna (Desiree) ang magsa-sacrifice para mawala ung sumpa ng pagiging sirena kay Aryana.

    Susubukan ko din sumali sa Bagsik ng Panitik ni Sir Bino. Unti unti ko nang nabubuo ang mga ideas sa utak ko. Konti na lang at sisimulan ko nang isulat.

    ReplyDelete
  2. 1.haha dapat gawin mo na yang daily basis simula naun para sa year end sagana ka


    2.naku ako di ko na alam kung nabibili lang ang abs ee pinagipunan ko na

    3.kaya mo yan keep it positive

    4haha natyetyempohan ka lang parekoy

    5.haha di ako active sa chuicher eeh

    6.dame ko libor dito kaso pinatabi lang samin ng tita ko baka kunin bigla ee

    7.nakagawa na ko ng entry pinupulido ko na lan

    8. haha di ako nanunuod nyan

    9.tama muka syang jynx hmm ang maganda sa kanya kasi mabait sya sa mga contestant at maldita kay mariah ahah aliw sila panuorin.

    10. tingin tingin ka na lng sa iba

    ReplyDelete
  3. ang lakas makaakit ng robin na ibon. lol! akala ko ATC (Art Trading Card).

    ReplyDelete
  4. mas madaling mag-withdraw di ba? :)
    parang interesting naman dyan sa work mo,
    hiring ba? lol :)

    ReplyDelete
  5. super random ang post na ito... ang saya... sana makayanan ko rin ang pagtitipid ha...

    ReplyDelete
  6. binasa ko to, di ako nagskip read kaya di random ang comment ko gaya ng nice post hahaha. salamt sa pagpopromote ng contest. at ung twitter flood, okay lang kasi natutuwa ako sa mga tweets, never kitang i-aunfollow dun kasi di ka naman pasaway. nakabili na ko ng toys at isusunod ko ung books para sa IMS. bigay ko kay madz bago mag-end of this month. search mo ung ADP na company, hiring dyan for back office. ignore mo lang ung requirements kasi tatawagan ka din naman nila for sure basta may call center experience ka. at kitam ang haba ng komento ko sa post mo ngayon. patunay na di ako hanggang nice post lang hahahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???