Sunday, February 28, 2010

Single, Single, Double, Double!



Ngayong araw na ito, kami ay nagtungo sa marikina upang dumalo sa ika-walumpo't walang kaarawan ng isa naming kamag-anak. Ang asawa ng kapatid ng lola ko sa aking ina ay nagdiriwang ng kanyang bongang-bongang otso-otsong kapanganakan at since 88 years is really something, ipinaghandaan sya ng kanyang mga anak at mga apo kaya sincekami ay relatives, go naman sa food gallore at kainan to the highest level.

Akala ko noong una ay okay-okay lang ang araw na ito dahil ang balak ko ay mag show o mag-appear sa place at kumain lang, wag na muna isipin ang diet at mag eat-eat lang pero aw! napagetget-aw dahil sa okasyong ito ay syempre napansin nanaman ang kalakihan ko. Anu ba naman yan!!!! Lagi nalang! Ahaahaha. akala ko yun lang ang wawapakman sa akin subalit di pa pala, aba! ang mga kababata ko o ung mga pinsan/kamag-anak/kalaro/kaibigan ay may mga kasamang partner at may mga bulilitz pa! Puchanggalata! Ano ito? Ako nalang ba ang naiwang single? Shemay! Chef? Ang mga dating nakakasama ko lang na maglaro at magkwentuhan ay now double na at may chikiting patrol pa! Di ako makapaniwala!

Parang ambilis naman ng panahon! Wait lang! 23 palang ako ah, bata pa naman ako pero sila, bata padin pero may steady partner/wify na! Anung sumpa ito? Di ko alam kung ano ang iisipin ko! Kailangan na ba akong makigaya sa uso at matutong kumati ang mang-kati upang magkaroon ng asawa at anak?

Habang nakikita ko sila, napag-isipan ko ang mga pro's and cons ng pagiging single:

Pros:
1. Oras sa sarili- ang oras ko ay para sa akin lang!
2. Pera- pera ko ay akin lang din!
3. walang love conflict at lovers quarrel
4. walang iiyak na bata sa aking pagtulog
5. pwedeng mag-minle kahit kelan kahit saan!

Cons:
1. Nag-iisa sa gabi
2. walang batang magbibigay ng ligaya
3. walang asawang sasalubong matapos ang nakakapagod na araw
4. walang mag-aaruga sa iyo
5. prone sa lumbay

Di ko alam, nais ko lang isulat kung ano ang tumatakbo sa isip ko upang kahit paaano ay mapanatag naman ako.


Friday, February 26, 2010

Naruto 484: Their Team 7



Sa araw na ito, tanging ang naruto lang ang naglabas ng kanilang bagong episode dahil nagpapahinga ang creator ng One Piece. Ngayon na inilabas ang karugtong ng magkikita nila Kakashi, Sakura at Sasuke.

Sa bagong kabanata ng naruto, ipinakita dito na sinunod ni Sakura ang utos ng kanyang senpai na gamutin ang dating kakampi ni Sasuke na si Karin. Dito makikita na ayaw sanang magpatulong ni Karin subalit wala na syang magawa dahil nais talagang tulungan ni Sakura ang hitad.

Sa kabilang banda, si kakashi naman ay kaharap ang dating estudyante na nalihis ang landas, si Sasuke. Ang mahaderong kumag na si Sasuke ay naghihimutok dahil ang sharinggan na pagmamay-ari ng angkan nila ay gamit ng kanyang guro. Sarap batukan ni Sasuke, napaka-feeling at sugapa lang! Kung alam nia lang ang pinagdaanan ni Kakashi kung bakit nagkaroon sia ng mata ng Uchiha!

Back to the story, Tinangka ni Sakura na lumapit kay Sasuke para tapusin na ang buhay ng dating crush at ka-team subalit sya ay bigo. Nalaman ni sasuke ang plano at papatayin nia na si Sakura at Zoooooom! Save by the bell ni Naruto at hayun na nga at nagkasama na ang Team 7! itutuloy!

Thursday, February 25, 2010

Monster! Monster!

Sinong nagsabi na kapag may sumigaw ng monster ay kailangan na nating kumaripas ng takbo? Paano kapag ang mga larawan sa ibaba ang makasalubong mo? Di ba ang cute nila at di nakakatakot!









Khanto Pick: Hajime no Ippo



Sa mga nakaraang araw, kapag idle o walang tawag akong natatanggap, ako ay makikitang abala at seryoso sa harap ng aking monitor. Abala ako kakabasa ng series na Hajime no Ippo. Ito ay kwento na una kong nakita sa anime noong ipinalabas ito sa GMA-7.

Ang kwento sa manga na ito ay tungkol sa isang batang lalaki na nagngangalang Ippo Makunochi kung saan siya ay binubully ng isang grupo sa kanyang pinapasukan. Di sya makapalag at sunod-sunuran hanggang isang araw ay ipinagtanggol siya ng isang estranghero. Sa kanyang kawalan ng malay ay nagising sya sa loob ng boxing gym. Dito nia nakilala ang kanyang mentor na si Takamura. Dito nag-umpisa ang pangarap ng bata na matuto ng boxing. Lingid sa kaalaman nia, sya ay may potential dahil narin sa pagpupursige at determinasyon.

Bakit ko napili ang anime na ito? Dahil ito ay action at comedy! Action dfahil sa mga bakbakan at pakikipaglaban ng isang boksingero at comedy dahil may halong katatawanan sa mga pagitan ng istorya.

Base sa onemanga, ang episode na ay nasa 800+ samantalang ako ay nasa episode 400+ pa lamang. Mahaba-haba pa ang babasahin pero okay lang naman kasi nakaka-aliw at nakakawala ng stress.

Tuesday, February 23, 2010

The Old Love Story



Habang ako ay ninanamnam ang boring ko na Restday dahil ito ay Lunes at wala namang magawa sa bahay, aking binuksan ang dvd na aking binili. Ang series na aking napili ay ang paulit-ulit at walang kamatayang love story ng isang mahirap na babae at isang mayaman at arrogant na lalaki. Ang aking tinutukoy ay ang kwento na Hana Yori Dango.

Korekted by, para akong tanga na binili ang manga series na na-remake na ng ilang beses sa iba-ibang lugar! Ang tambalang Shan-chai at Dao Ming Zi, Makino at Domyoujji at Jan Di at Jun Pyo ay nagmula sa isang manga series na Hana Yori Dango.

Ewan ko, di ko alam at kung ano ang nasa aking isipan at tinyatyaga ko pa ang kwentong ginasgas na ng panahon. Ang istoryang nagsimula pa noong nasa high school ako ay pilit na tumatatak sa aking isipan. Marahil nga ay wirdong tao lang ako na naaaliw sa takbo ng whirlwind romance nila kung saan ang hinayupak na kumag na bidang lalaki ay pinahirapan ang babae na nag-oppose sa di makatarungang pambubully ng F4 na isang grupo ng apat na elitistang mayayaman!

Ang kwento, sa una ay ayaw ni babae ke lalake dahil ng bully. May crush syang iba subalit may gusto ng iba ang boy next door. Kahit na anung pilit, inlababo padin ang bidang babae. Dahil nga kinalaban ni babae ang bidang guy at leader ng f4, nafall ang loob ng pa-maton na bida sa babae. Magkakaroon ng twist kung saan ay na-inlove na din si babae kay bidang lalaki subalit against ang family dahil poorita lang ang babae. In the end, pinaglaban ng dalawa ang heart nila at they live happily ever after.

heto ang mga larawan ng iba-ibang version ng series.

Taiwan version: Meteor Garden


Hana Yori Dango: Japanese Version


Korean Version: Boys Over Flower

Office People



Nag-bloblog-hopping ako ng makita ko ang lumang post sa internet. Eto ay tungkol sa mga iba-ibang klase ng mga ka-opisina. Copy and paste method lang pero ang mga uri ng empleyado ay mahahalintulad din sa mga tao sa schools and universities.

CLOWNS - ang official kenkoy ng office. May mgaone-liner na gumigising sa lahat kapag nagkakaantukan na. Sabi ng ilang boss, eto raw yung mga KSP sa office na dahil hindinaman matalino, o kadalasang matalino na tamad lang, eh dinadaan na lang sa patawa ang pagpapapansin. Pero aaminin ko, walang opisinang walang ganito, at kung meron man, magigigng malaking sakripisyo ang pagpasok sa work araw-araw

GEEKS - mga taong walang pakialam sa mundo. Papel, boss, at computer lang ang iniintindi. Kahit na mainit na ang ulo ng boss at bad trip, ang mga geeks ang walang takot na lumalapit sa boss at nagtatanong kung mag-iiba ang result ng entry kungisa-substitute ang value ng debit sa credit

HOLLOW MAN - may 2 uri ng H.M. virus, ang Type A atType B. Ang type A ay ang empleyado na madalas na invisible sa office, bakante ang upuan, madalas absent. Ang type B naman ang pumapasok sa office bagamat present eh inivisible naman ang work, at hollow ang utak.
SPICE GIRLS - barkadahan ng mga magkaka-ibigang babae mahilig gumimik, sabay-sabay pero laging late na pumapasok. Madalas na may hawak na hairbrush at songhits [how jologs!-uso pa ba to?]. Pag pinagawan mo ng group works, sila ang madalas na magkaka-grupo.
 
DA GWAPINGS - ang male counterpart ng Spice Girls,isinilang para magpa-cute. Konti lang ang members nito, 2-3 lang para mas pansin ang bawat isa. Tulad ng Spice Girls, kadalasang puro Hair Gel lang ang laman ng utak ng mga Da Gwapings.

CELEBRITIES - Politicians, Athletes, Performers. Politician ang mga palaban na empleyado na mas nag-aalala pa sa kalagayan ng kompanya at mga kapwa empleyado kesa sa performance. Athletes ang ilang ‘varsitarians’ na kung gaano kabilis pumasok eh ganon kabagal mag-work. Performers naman ang mga empleyado na kaya lang yata pumapasok eh paramakasayaw, kumanta, at makatula sa stage kapag organizational day. Sa pangkalahatan, ang mga celebs ay matindi ang PR, pero mababa ang IQ.

GUINNESS - mga record holders pagdating sa persistence.Pilit pinupunan ang mga kakulangan sa katalinuhan. Sila ang mga kadalasang nagtatagumpay sa buhay. Masinop sa work. Mabilis mag-work, kahit na laging mali. (hahaha)

LEATHER GOODS - mga empleyadong maling uri ng determinasyon meron. Laging determinado ang mga ito sa harapang pangungupit, bulgarang pandaraya, at palagiang pagpapalapad ng papel sa boss. Talo ang mga buwaya sa pakapalan.
 
WEIRDOS - mga problematic employee, misunderstood daw,kadalasang tinatawag na black sheep ng office. May kanya-kanya silang katangian, konti ang kaibigan, madalas mapaaway, mababa ang evaluation, at boss’s enemy.
 
MGA ANAK NI RIZAL - Ang mga Endangered Species kumbaga. Straight ‘A’ employees pero well rounded at hindi geeks. Boss’s pet pero hindi sipsip.Busy sa work pero may oras pa rin sa extra-curricular activities, at gimiks.. Hanep!
 
BOB ONGS - Mga medjo matino na may sayad…
 
COMMONERS - mga generic na member ng class. Kulang sa individuality, at katangiang umuukit sa isipan. Hindi sila agad napapansin ng boss pag absent, at sa paglipas ng panahon, sila ang mga taong nakakalimutan ng mga boss at co-employees nila.

Friday, February 19, 2010

Khanto Pick: Callwork



Friday nanaman at ngayon ay arw na pedeng gumala kung ikaw ay nasa normal working days. Sa akin, isang thursday after-shift lang ngayon pero ako ay nagtungo sa mall upang palipasin ang init ng kapaligiran.

Imbes na pumunta sa paborito kong mall na Megamall, napagpasyahan ko lang na tiyagain ang Robinsons Galleria dahil nakakatamad maglakas sa init ng araw papuntang Megamall o kaya ay sumakay ng Fx. Sa umpisa ay tumigin lamang ako ng bookshelf na may glass para gawing lagayan ng laruan ko subalit sa bandang huli ay tumambay ako sa Book Seller sa 4th floor ng Gale.

Dati na akong tumatambay dito upang makabasa ng laruan dahil dito ay di gaanong matao di tulad ng powerbooks sa Megamall. Dito napagpasyahan kong magbasa-basa ng libro o kaya comics tulad ng pugad baboy na kadalasan kong binabasa. Pagdating sa humor section, na-curious ako sa librong tumambad sa aking harapan, ito ang librong Callwork. Ang librong aking nasilayan ay isang comic strip tungkol sa buhay call center at siyempre dahil ako ay halos considered na part ng call center since nagcacalls ako, ninais ko itong basahin.

Ang kwentong ito ay tungkol sa mga buhay-buhay na pinagdadaanan ng mga employees at supervisor ng callcenter. Makikilala nio ang mga tauhan na marahil ay kumakatawan sa mga taong sumabak sa gantong linya ng trabaho. Ipinakita sa libro ang mga paghihirap ng mga applicant na ayaw mag call center pero doon din bumagsak. Dito ay pinakita din ang mga applications ng mga taong nag-aapply sa position, mga noobs, bobingka, callcenter hoppers at kung-anu2x pa. Ipinakita din ang mga nagiging working attitude ng mga agents na na-iirate o umiinit ang ulo na dahilan din ng mga tumatawag. May part din tungkol sa mga rason ng mga empleyado na mag-absent at minsan mga resignation. May part din tungkol sa lovelife ng isang supervisor at agent kung saan kabit si babae.

Natapos ko ang libro sa loob ng 45 mins. kasi medyo fast reader ako at habang binabasa ko ay talagang nakakarelate ako. Matatawa ka sa mga kakaibang lines at kung anu-anu kaya ang librong ito ay aking bibigyan ng rating na 4.5 out of 5! wagi!

Sakto na pinikturan ko ang sarili ko kanina habang suot ang headset ko.
 Sign ba ito na makikita ko ang libro?

Thursday, February 18, 2010

Naruto 483: Master and Student Reunited


Ambilis inilabas sa Onemanga ang bagong episode ng Naruto. Kung noong nakaraang kabanata ay ipinakita na nagpapanggap si Sakura na sasama kay Sasuke upang mapatay ang dating kakampi, ngayon na ang pagpapatuloy.

Inutusan ni Sasuke si Sakura na tapusin si Karin. Nung mismong gagawin nia na ito subalit may tangka na syang patayin din si Sasuke ay naunahan ni Sasuke ang dalaga at tinangka nitong unahan at kitilin ang dating ka-team. Napaka-pakshet talaga na si Sasuke! Ansarap niang Patayin, durugin at ipakain sa aso! Isa na syang Bidang Kontrabida, nahawa ata kay Rubi(Abs-cbn).

Mabuti na lamang at naagapan ni kakashi at nailigtas ang tangang si Sakura. Dito magkakaroon na ng engkwentro ang teacher-student.

Hays, slightly nakakainis minsan ang istorya kasi napaka-buwisit ng tauhan! Ansarap tadyakan lalo na si Sasuke! Abangan na lamang sa Susunod ang takbo ng pagkikita!

Wednesday, February 17, 2010

One Piece Toy: Wakuwakuw Mascot



Kasabay ng nauna kong post, may isa pang inilabas na Candy toy sa website ng Bandai-Asia. Sa pagkakataong ito, ang inilabas na laruan ay may kinalaman sa mga sasakyan ng mga pirata sa One Piece! Exciting ito kasi kung sa mga nakaraang release, kadalasan ay yung karakter lang ang makikita, ngayon, kasama na ang kanilang mga barko na malaking karagdagan sa mga collectibles. Ang mga larawan sa ibaba ay nanggaling sa website ng bandai.

Thousand Sunny Ship


Sea-Horse Mini Ship/boat


Going Merry


Luffy


Nami


Chopper


Barratie


Sanji


Barko ata ni Shanks

 
Shanks


Barko ni Boa Hancock


Boa Hancock



One Piece: The Underwater Prison- Inpel Down



Nasa kalagitnaan na ng Pebrero at katatapos lang ng sweldo last week. Ngayong araw na ito, bumisita ako sa paborito kong website ng laruan at doon ko nakita ang bagong released na laruan ng Bandai Asia. Ang aking kinahuhumalingang One Piece ay may bagong Candy toy. Ito ang Inpel Down candy toy.

Ang Inpel Down ay ang kulungang pinasok ni Luffy upang iligtas ang kanyang kapatid na si Ace bago mahatulan ng bitay. Dito ay sinoong ni Luffy ang limang palapag at lumaban para sa kanyang mithiin na makalaya ang kapatid. Ngayon ay ginawan ng toy version ang nasabing piitan o kulungan. Pakatandaan na ang level po ng impel down ay mula sa taas pababa dahil ang kulungan ay nasa ilalim ng tupig, nasa gitna ng karagatan.



Ang unang palapag ay ang piitan kung saan ang mga medyo mahihina ay nakapiit. Kadalasan ay mga pipitsugin lang ang nakapiit dito. Sa toy version, Makikita si Boa kasama ang Vice-chief warden ng kulungan.



Sa ikalawang palapag, Doon nakasama ni luffy si Capt. Buggy. Sa laruan, nandoon si Buggy at si Luffy na lumiit dahil sa gear third.



Sa ikatlong palapag, dito nakasalamuha ni Luffy si Mr. 3 subalit sa laruan, ang tao ay si Magellan kung saan sa palapag din na ito nagharap ang dalawa bago sila makatakas sa kulungan.



Sa pang-apat na level, dito nia nakilala si Bon Clay. Sa laruan, ang tauhan na kasama ay si Iva-san at si Mr. 2 also known as Bon Clay.



Sa huling palapag, ang fifth level, dito dapat nakabilanggo si Ace subalit di na dinatnan ni Luffy. Ang nakita nia sa palapag na ito ay si Jinbei at si Crocodile, mga Shikibukai. Kaya sa laruan, silang dalawa ang isinama.



Naku, kaabang-abang ang laruan na ito! Nais ko na makabili! Kailangan makuha lahat! kailangang mag-ipon ng pera para makabili nito! weeee!



Tuesday, February 16, 2010

Khanto Review: Percy Jackson and the Lightning Thief



Noong nakaraang linggo kung kelan ang mga tao ay nagdidiwang ng araw ng puso at ng bagong taon ng mga intsik, napagpasyahan namin na manood ng pelikula matapos manood ng play na Hiblang Abo at Hardin. Ako kasama ang batang emo na si Rodem at ang loveteam na KIMIRELL ay nagtungo sa Megamall at dun napagpasyahan na panoorin ang Percy Jackson & the Olympians and the Lightning Thief.



Hindi ko na ilalahad ang ginawa namin bago pumasok sa sinehan dahil naikwento ko na ito sa nauna kong blog. Last full show ang pinili namin at andaming nanonood. Nag-umpisa ang palabas ng ipakita na umahon si Poseidon sa karagatan at nagbyahe sa mundo ng mga mortal. Doon ay kinatagpo nia ang kapatid na si Zeus at napagalaman na nawawala ang lightning rod ng Diyos ng Kulog at Kidlat. Pinagbibintangan ni Zeus na ninakaw ng anak ni Poseidon ang kanyang sandata at kung hindi isasauli, Bakbakan na!



Sumunod na eksena ay pinakita na ang bidang lalaki kung saan ay nasa ilalim ng swimming pool at nagtagal sya doon ng 7 minutes. Ang bidang lalaki ay may karamdamang dislexia na di ko mawari kung ano ang sakit na ito(paki-google na lang). Medyo preview ng buhay ni Percy tapos nung nasa Field Trip sila sa isang museum, doon ay nagpahaging ang kwento tungkol sa mga Demigods o mga anak ng Gods at ng mortal. Doon ay inatake si Percy ng kanyang guro na isa palang mamaw. Nakaligtas sya! Tapos escape mode na silaa dahil target na sila ng mga mamaw. Nagpunta sila sa campo ng mga demigods subalit nahuli ang kanyang inay! Si Grover na kanyang kaibigan ay isa palang kambing na ewan at sya ang protector ng anak ni Poseidon. sa Camp inexplain ang lahat-lahat kay Percy. Sa Camp nia nakilala si Luke(Anak ni Hermes) at nakilala nia din ang anak ni Athena na si Annabeth. Sa una ay nag-away pa ang dalawa subalit dahil sa piniling mission ni Percy na iligtas ang kanyang ina sa kamay ni hades, sumama si Annabeth at Grover upang tulungan ang bida.



Ang tatlo ay nagbyahe sa iba-ibang lugar upang hanapin ang perlas na makakatulong sa pag-alis nila sa mundo ng underworld. Nakalaban nila si Medusa at muntikang mapahamak pero syempre nakaligtas! Sa ikalawang destinasyon, nakalaban naman nila ang isang Hydra. Alam namang matalo ang bida kaya syempre, wagi nanaman sila! Sa ikatlong lugar, nahumaling sila at nakloko ng lotus kung saan ito ay isang mapanlinlang na grupo. Syempre, ligtas padin sila pero nagahol na sila sa oras dahil natagalan sila sa ikatlong lugar.



Nagtungo na sila sa Underworld. Sumakay sila sa bangka na magdadala sa kanila sa kailaliman ng underworld kung saan bilanggo ang inay nia at hawak ni Hades. Doon nagkaroon ng komprontasyon ang diyos ng kadiliman. Umamin si Percy na wala sa kanya ang lightning rod subalit ito ay natagpuan sa loob ng shield na binigay sa kanya ni Luke. Pakingshet, kalaban pala ang tinuring niang kakampi at tumulong sa kanya. Tinulungan silang makatakas ng asawa ni Hades ngunit dahil tatlo lang ang kanilang perlas, kailangan magsakripisyo ng isa. nagpaiwan ang kambing.



Nagmamadali na sila Percy upang isauli ang lightning rod kay Zeus ng nagkaroon ng pagtutunggali ni Luke at Percy. Nag-agawan ang dalawa sa lightning rod. Nadehado ang bida subalit nakabawi. Ginamit ang tubig sa mga water tanks ng building at nag-ala-moses at nilunod ang kalaban... Sisiws! Nabawi na ang rod at dali-daling isinauli sa Olympus. Doon ay ibinalik ang sandata ni Zeus at napigilan ang digmaan. Nagkaroon ng pag-uusap ang mag-ama. Nirequest din ni Percy na maibalik asi Grover. Tapos... Tapos... Hays, the end na!



Sa aking sariling opinyon, okay lang ang palabas na ito. Di ko masasabi na oks na oks kasi medyo pambata. Sus! Walang sexy scene si Annabeth... Boooo! wala manlang show ng konting skin! Anu ba yon! Pangalawa, walang romantic scene with the girl... Anak ni Poseidon di marunong humandle ng chicks? Tapos ang adventure ng bida ay similar sa Hercules na movie noon. Ung kambing na protector ay katulad ni Phil. Pero okay ang effects kaso medyo bitin nga lang. Kulang ng powers effect para kay percy, siguro dahil kaaalam nia lang na demigod sya at half-breed sya. Akala ko may Part 2 ito kasi mukang mahaba ang pagdadaanan nila pero pinagkasya sa iisang bagsakan. Overall, masasabi ko na 7 to 8 ang score nia para sa akin. So-so lang sya!


Monday, February 15, 2010

Lovely Weekend!

Last week, matapos ang shift ay nagpunta kami sa Mcdo upang kumain at napagpasyahan din namin na makihalubilo at magchillax at umeps din sa team gathering ng team echo. Yeps, last week ay nagbowling kami sa Paengs dun sa Eastwood upang mawala naman ang stress. (larawan sa ibaba)


paeng's billiards


ready to bowl!





Ngayong saktong weekend ng puso, mas naging exciting ang lahat! Una, sa aming opisina ay nagkaroon ng valentines activity like dating game! yep. May searchee at searcher pang activity sa pantry. Ang mga naging magpartner sa unang araw ay ang John lloyd look-alike na si Sir Bennett at si Ms. Rap. at ang harry potter ng team India na si Kevin at si Kem.

Friday noon ng inispam sa email ng Trend ang tungkol sa kakaibang promo ng HR/ events commitee kung saan kailangan lang bumili ng kahit ano per booth then pag makakakolekta ka ng tatlo(3) stamps, pede kang kumuha ng teddy bear or chocolates. Huwaw!! Amazing! Di na nagpatumpik tumpik pa at libot to the max kami bawat floor ng Trend Micro upang tumingin ng mga booth at bumili ng items para makakuha ng freebies. Maraming binebenta like chocolates, chocolates, chocolates at kung anu2x anik-anik! Syempre ung mumu o mumurahin lang ang dapat bilin kasi ung freebies lang ang habol namin. Madaming kompetisyon at mukang hit sa Trenders ang promo kasi halos lahat akyat-panaog upang makakalap ng stamps. In the end, nakakuha ako ng teddy bear at chocolates. Byernes din ng nagpagawa ako ng tshirt kay beloy ng one piece at un din ang araw na medyo magastos ako...


One Piece shirt na binili ko(sa mall)


One Piece shirt na pinagawa kay Beloy!


Freebies!


Chocolate na tumulong upang makuha ang freebies!


Tikoy na bigay nila Mam Michelle at Mam Steff

Sabado, day two ng Valentines sa trend, ninais ko pang makakuha ng chocolate freebies pero mukang talagang patok ito at wala na akong inabutang prize. Marahil tama nga na once is enough, two is too much. Anyway, okay lang kasi enjoy din manood kahit saglit ng dating game part 2. Si Ms. steph at si jeffersonV daw ang nag-match tapos si Stacey at si Grei daw ung sa second batch... Bakit may daw ako? Kasi di ko napatapos e, kailangang magtrabaho! naks! After ng shift, Umuwi muna ako sa bahay at dun ko napagpasyahan na magpunta sa Quiapo... Namili ako ng dvd na imamarathon sa restday! Nakabili ako ng Detective Conan, Hajime no Ippo at Law of Ueki na anime. Sa movies, medyo random picks lang. Eto din ang araw kung saan tinanghal na panalo si Melai sa PBB... di ko na pinatapos kasi bagsak na katawan ko, antok mode na!


Ung Bears na freebies


Rainbow design sa Pantry


dating game background

Linggo o kanina ay ang itinakdang araw upang manood ng dula ni Jeff o ni mapanuri na Hiblang Abo at Hardin. Napagpasyahan namin na magkita sa Megamall upang sabay-sabay na pumunta. Mineet ko si Andy at Bless sa mega pero pinasabay ko na sila kila Rye kasi kailangang antayin sila Rodem, Kimi at si Gerell. Habang hinihintay ung tatlo, nakapanood pa ako ng Lion Dance dahil Chinese New Year din! Mga 4 na kami nakumpleto at nagtaxi na sa Don Bosco. Patapos na ang unang dula na hardin pero okay lang kasi wala naman dun si Jeff kung saan sya ang aming sinusuportahan sa pagtatanghal. Nakakaaliw sa play kasi may Valentines chuva pa kung saan may nag-abot ng rose ang mga actors ng play sa audience. Sa ikalawang istorya na Hiblang Abo, di namin mapigilan na matawa sa events though touchy ang story ng apat na mga lolo na nagkwekwento ng old life nila. Bakit kami natatawa? Kasi ang role ni Jeff ay bagay daw sa kanya kasi may pagka-Bully as we often tease him. Swak na swak daw ang mga lines nya. Infairness, the whole story is good! take note na may pabaon pang new word dahil sa play! "IWASIWAS ang palaspas! IWASIWAS!". After the said play, diretcho na ang kumakalam na sikmura sa megamall. Since dumating kami doon ng around 7pm, madami pa ang kumakain kaya we have no choice but to eat sa may kamahalan na Brothers Burger. Bitin! Yang ang sabi ng sikmura ko! medyo nambutas ng bulsa tapos bitin? May kalakihan ng konti ang cup ng softdrinks nila na 40 pesos pero huwaw, puro ice at di pa sya napuno! OVER!!! After eating sa Bothers Burger, Bumili kami ng ticket para mapanood ang percy jackson and the Lightning Thief! Last show na ang papanoorin namin at 10 pa ito magsisimula kaya kain muna at tambay sa Jollibee upang matanggal ang kabitinan sa drinks at sa food. Pagpasok sa sinehan, mukang madaming manonood. Di mapigilan ang antok at napapapikit na ng konti. Okay ang palabas pero di ko idedetalye, sa next entry nalang. Matapos ang palabas, last stop ay ang Mini Stop sa Galleria dahil nagcharge pa si Rodem at bumili ako ng drinks. uhaw nanaman!


Lion Dance


Dragon dance!


Luv wall bago sa Cinehan ng megamall


kimirell walking!

Grabe ang weekend pero sulit at sobrang Enjoy! Kahit wala akong Love life, I SURVIVED!