Friday, April 30, 2010

Sharinggan!



Lunes sa di ko malamang kadahilanan ay bigla nalang nagising ako na namumula ang aking eyes. Wow, konyo, eyes! Yep! namumula ang mata ko at medyo teary eyed kaya nagtext ako na di ako makakapasok baka ito ang dreaded sore eyes na never ko pang nadanas kahit noong ako ay bata pa.

Sore eyes, akala mo ay may sharinggan ni Kakashi ng naruto ang aking kaliwang mata sapagkat red ang color. Ang pinagkaibahan lang ay ung white area ang namula at hindi ung part ng cornea. Wow! grabe! Laking kaba ko sa kaganapan. Never ever pa akong nagkasore-eyes(redundant sa statement sa itaas). Noon, kahit apat sa mga kaibigan ko at kapitbahay namin ang natamaan nito ay di ako naapektohan.

Shemay, nagluluha ang aking mga mata! Di ako nag-eemo para mateary-eyed at lalong di naman ako napuwing subalit heto at may namumuong mga butil ng tubig sa aking mata.

Omg-O may golay! Tila kasabay ng pagluluha ng aking mata ay may namumuong muta.(gross lang no?). Pakingshet. para akong kirat na ewan kasi isang mata ko halos di ko madilat kasi tila may pandikit due to muta. teka! teka! Ang alam ko na-tuli ang father ko ah.. Dapat di ako nagmumuta!

Rest mode nalang ako kahit buong sabado at linggo ko ay KATUG lang ang aking ginawa(kain tulog). Puchang-galata. Kung kelan gusto kong matulog, di ako madalaw ng antok dahil halos tulog nga lang ang ginawa ko. Pikit isang mata dilat ang kalahating nakatunganga sa kisame at nag-iisip ng kung ano-ano at tila ay binibilang ang mga imaginary friends.

Umaga na pala at gora ako sa doctor upang may-i pa-check-up ang kumakandirit at pumipintif-pintig na mata ko. Di sya totally sore eyes! Thank god! but! shet! bakit may but?! Baka daw mag lead sa sore eyes kaya better take a rest daw muna ako at binigyan ako ng pangpatak sa mata, gamot at vitamins.

Before ako umalis sa doctor, may tanong sa akin na di ko alam kung matatawa ako or what. Biglang nagtanong si doc kung umiinom ba ako. watdapak? Porket-porket malaki ang beer belly ko o tabs? Nyahahaha! Si doc nagpapatawa ata. Sumagot ako, bakit nio natanong. Medyo naninilaw daw mata ko. aaaah. Tapos Nagtanong ulit. Umiinom ka ba ng gatas? Pardon? jejejeje! Kasi kailangan mo din ng calcium. aaaaaah.... Akala ko kasi para na akong bonjing sa kalakihan.

Hays...... ilang days din ako di gaano nakapag-update ng blog at nakapag-pesbook pero oks lang. At least di umabot sa alert level sharinggan sore eyes. Sintomas palang at naagapan. I'm getting well.

Monday, April 26, 2010

JT eliminated!



Never trust a villain and women are dangerous. Yan ang mga kataga na binitiwan ni JT sa bagong episode ng Survivor: Heroes vs. Villains.

Nagkamali ang heroes lalong lalo na si JT ng ipagkatiwala nila ang hidden immunity idol nila kay Rusell na isang villain. Dahil sa maling akala na may all-girls alliance ay ibinigay nila ang hidden idol para iligtas si russell upang madagdagan alyansa nila. Woops, nag-backfire ang plano dahil ang taong binigyan ng immunity ay ang mismong nagpapatakbo sa villains.

Dahil sa tribe merge, nagkaroon na ng individual immunity challenge at isa sa villains ang nanalo. Kampante ang heroes sa bond nila sa isang villain subalit sila ay nautakan. Napatalsik sa tribe si JT dahil nakakuha ng 5 boto mula sa villains samantalang ang mga boto ng heroes para matanggal ang isang villains ay nabalewala dahil sa hidden immunity.

Mas exciting ang susunod na episode...

Sa larong survivor, never give 100% trust sa kalaban. kailangang magmatyag at makiramdam. Go villains ang cheer ko!

Sunday, April 25, 2010

Larong Bata

Tila sa pagbubukas ng PBB teen edition sa tv ay nagbukas din ang bahay ni koya sa amin. Nadagdagan kami ng dalawang tao sa bahay. Ang lola ko na kapatid ng lola ko sa mother side at ang anak-anakan nia(adopted, anak ng kamag-anak). Lima't kalahati kami dito ngayon sa bahay sapagkat nasa 7 palang ata ung bata.

Lately ay kalaro ng pinsan ko ung batang kasama ng lola ko at dito sila naglalaro. Natitiempohan ko din na minsan ang mga dating evictees(Kamag-anak na nakitira sa amin) ay dito din sa bakuran naglalaro kaya biglang pumasok sa akin ang mga larong pambata noon.



1. Teks- Di pa uso ang tatak na nokia o samsung. Di pa inaabot masyado ng teknolohiya ang bansang pilipinas kaya di pa hi-tech ang mga kabataan. Eto ang laro kung saan pipitikin o kaya ay ihahagis o ipapaikot sa ere at aantayin bumagsak. Chub- Chub- Cha! Parang maales taya lang sa tatlong tao. Kung kanino maiba, sya panalo. Mostly may dalawang uri ng teks, ang regular at special(wow, parang vavavoom!). Regular pag maliit o ung cute-cute size na kadalasan ay ang tema ay galing sa mga pelikulang noypi. Sa kabilang banda, ang special ay ung may pagka-glossy at parang miniature posters ng mga tv shows at anime. Dito sa larong ito kailangang pumusta ka ng cards mo din. Mas nahibang ako sa special cards kasi ang ganda titigan at madaling pitikin. Memorable sa akin ung nanalo ako ng teks at nakalikom ng isang kahon but unfortunately, inanay kasi ayokong ipatalo at tinabi ko lang.



Tumbang preso- Di mo kailangan ng baril upang todasin ang nakawalang preso. Kaya tumbang preso ay nasa bilog na hugis itlog ang isang lata na animo ay preso. Kailangang patumbahin ng mga bata ang lata sa pamamagitan ng tsinelas. Yep! ang pares ng tsinelas na suot lamang ang pedeng gamitin. Ang taya ay kailangang bantayan at hulihin ang mga kalaro kapag lumagpas ng linya. Di pedeng makuha ang tsinelas na naihagis na kapag ang lata ay nakatayo pa. Eto ang laro kung saan kailangan may accuracy ka at power sa paghagis ng iyong havianas. Kadalasang talo dito ang mga bata na may maliliit na sinelas o kaya super pudpod kasi mahirap patumbahin ang lata at baka matamaan mo at di mo mapatumba, taya ka! Strategy dito ay gumamit ng ibang tsinelas pag nagkayayaan na ng tumbang preso. Kadalasan ay uuwi sa bahay at hahanapin ang sinelas ng ama o kaya gagamitin ang alpombra. Sa mga kababaihan, aarborin ang bakya ng lola para mas epektib.



Luksong Baka- Ang laro kung saan kailangan ng matibay na tuhod at liksi sa pagtatatalon. Ang larong luksong baka/baboy(pag mataba) ay simpleng talunan game lang. Kailangang maging balance beam o hurdle bar ang taya at ang mga kalaro ay tatalunan sya na dapat ay di sasayad ang mga paa o katawan. Dito napapaunlad ang flexibility din sa pagtumbling. Eto ay nakakabadtrip sa akin noong bata ako sapagkat lagi akong taya. Syempre maliit ako noon at chubby chubby kaya hirap sa pagtumbling. Best level ko na ata ay level 2. Mabuti pa ang luksong tinik, nakakaabot ako ng level 5.



Patintero- Ang group gaes kung saan kailangang makatawid sa mga linya ang koponan na hindi maaabot ng bantay sa linya. Panalo ang team na magkakaroon ng players na makakabalik sa starting point. Eto ang laro na kailangang magaling kang pumili ng team members. Piliin ang mahaba ang galamay at maliksi at mabilis. Dito kailangan ng talas ng isip at bilis ng reflexes sa mga catchers. Favorite role dito ay ang patotot o kaya ay ang around the world. Sa mga batang nakakalaro nito mo makikita ang kanya-kanyang diskarte sa pag-iwas sa bantay. Strategy kung pano bumale-balentong at tumawid. May mga strategy-strategy pa na nalalaman tulad ng linlangin-linlangin. tapos ang round o turn ng isang koponan pala pag may isang player ang nahuli o nahawakan kaya ingat-na ingat ang mga bata na laging mahuli kasi next time ay tiyak, last choice ka.



Taguan- ang paborito ng mga bata kapag sasapit ang dilim... Maghahasik na ng lagim! Ang laro kung saan nagbubunyi ang bata kapag brown-out dahil mas epektibo ang laro. tagu-taguan maliwanag ang buwan, masarap maglaro sa dilim-diliman! Eto ang pinakaeksayting na laruin lalo na at malawak ang battlefield! May isang taya na bibilang hangang sampu at bahala na ang iba na magtago. Dito nadedevelop ang creativity ng bata sa pagtatago at paghahanap ng hiding spot. Duti ay lumalabas ang pagiging karma-karma-karma-chameleon ng mga tao sa pagiimitate o pangongopya ng sanga ng puno o kaya halaman. Todo effort na magblend sa kapaligiran. Dito din nalalaman kung may eps na ichuchuchu ang hiding place mo para mataya ka.

Sarap lang magbalik-tanaw at kung maibabalik ang kabataan ay nais ko uli makalaro nito. :D

Annoying Orange: Nakahanap ng katapat!

Kung noong una kong nai-post ang youtube video ng annoying orange, talagang anlakas niang mantrip. Ngayong nag-check ako, tila nakahanap siya ng katapat nia!

Saturday, April 24, 2010

Khanto Pick: Top 10 TV Series

Minsan nakakatamad na ang mga teleserye, pantaserye, realiserye at kung anu-anu pang serye na lumalabas sa local tv stations natin kaya minsan naglilipat ako ng channel upang manood ng US tv series. Madalas ay napapanood ito sa studio 23 o kaya ay sa channel 9. Ngayong araw na ito ay nais kong itala ang sampung series na aking nagustuhan.



10. Glee- ang series na tungkol sa isang Spanish teacher na ninais na buoin at ibangonn ang dating pangalan ng Glee club sa kanyang eskuwelahan. Bakit ko naisama ang series na ito? For music lovers, sa mga renditions nila at antics ay nakakaaliw.



9. Charmed- The power of three will set you free. Yan ang incantation ng witches na magkakapatid. Tatlong babaeng nagkaroon ng matinding powers mula sa ninunong mangkukulam. Kinahiligan kong panoorin ito noong nasa high school ako sapagkat kakaiba ang special effects na gamit nila at tila humaling ako sa magical stuff. Dito ko nakahiligan ang kantang How soon is now.



8. Smallville- Somebody save me! I dont care how you do it , just save me! Yan ang lyrics na kinahibangan ko kasabay ng charmed. Ang smallville ay ang istorya ni Clark Kent noong sya ay di pa kilala as Superman. Dito ako ay nag-enjoy sa love triangle nila Lana, Clark at Chloe.



7. Big Bang Theory- Dalawang nerdy-nerd na lalaki na adiktus sa siyensya. Ang isa ay nainlove sa kapitbahay nila na sexing blonde subalit since wala ngang alam masyado sa social life at love life, ang lahat ay nauuwi sa comedy. Nakakatawa ang show na to.



6. Ugly Betty- Yo soi betty la fea. Ang echoserang frog o the ugly duckling na naghahanap ng puwang sa trabahong napili, fashion world. Kahit chaka at di nababagay sa mundo ng kagandahan ay kinakayang bumagay at nakayanang umangat.



5. Scrubs- Kwento ng isang empleyadong napasok sa medical world. Isa siyang nurse at dito nia haharapin ang kung-anu-anong pagsubok sa buhay. Light ang series na ito with a touch of comedy kaya di ka mababagot.



4. Reaper- Isa nanamang comedy pero may halong kakaibang twist. Ang bidang lalaki ay ibinenta ang kaluluwa nia sa demonyo ng kanyang magulang. Ang naging kapalit ay sya ay naging tagakuha ng mga nakawalang kaluluwa sa impyerno.



3. Psych- Isang ordinaryong tao na may kakaibang sense of observation. Ang bida ay may angking talino sa pagmemorize at pagpuna ng maliliit na bagay. Nais niang kumita ng pera at gamitin ang kakayanan kaya nagpangap na isang Psychic at nagprisenta na maging detective. Comedy at witty.



2. Heroes- Save the cheerleader, save the world. Yan ang motto ng unang season ng series na ito. Ang seryeng ito ay tungkol sa akala ay ordinaryong tao subalit may mutant o extra-ordinary powers. Nagustohan ko ito dahil sa mala X-men powers at kakaibang twist ng kwento.



1. Kyle XY- Isang binatang ginawa sa isang capsule. Ang taong walang pusod pero kakaiba ang angking katalinuhan at abilidad. Lumaking tila teenager pero di sya dumaan sa pagkabata. Na-astigan ako dito sapagkat iba ang dating ng kwento atsaka dito tila inexplain na ang utak ay sobrang powerful. Everything can happen basta fully developed at ma-uutilize mo ang utak.

Friday, April 23, 2010

Jejemons: Jeje Monsters

Jejesaur, Aih ch0oze yh0H!

Juice ko pong pineapple! Laganap na kahit saan ang salitang jejemons! Kaliwat kanan, sila'y nandyan.... lalalalalal.....Lalalalala....... Noong unang panahon, panahon pa ng hapon, wala pang jejemon sabi ng nanay! lalalalala.......Lalalalala....

Nagsulputan ang mga jejemons sa kasagsagan ng mga social networking sites tulad daw ng multiply, my space, friendster and now facebook. Sila ay umusbong din sa paglaganap ng cellphone sa ating bayan. Jejemons ang tawag sa mga tao na iba o out of this world kung paano mag type ng mga letra. Kadalasan sila ay makikita samga text clan o kaya sa mga online games.

Lately ko lang naencounter ang word na jejemon pero talaga namang sasakit ang ulo mo sa pag-iisip kung ano ang tinatype nila sa websites o sa text. Ngayong tila nawawala na ang pagkahumaling ng mga tao sa emo, jejemons ang bagong kinababanasan ng bayan.

Nakakita ako ng mga groups against jejemons sa web.



Pero meron palang sariling blogsites ang jejemons. The Jejemon blog:


Ang nakakatwa ay may types of jejemons pa!


Nagsearch pa ako at ganito pala ang pamamaraan ng mga jejemons.

Pag-applicant ang jejemon, eto ang makikita sa resume.


Pero sa aking pananaw, ang pagiging jejemon ay trip-trip lang. Its just a way of a person para mag-stand-out in their jeje-way.


Thursday, April 22, 2010

sa-POOL!

Adik na adik ako sa tubig at ako ay talagang nasisiyahan makakita ng water park o kaya naman swimming pools. Kani-kanina lang habang ako ay nag-blo-blog-walk ay napadpad ako sa isang site na may larawan ng pinakamalaking swimming pool. Sana ay mapasyalan ko ang lugar na ito!








Wednesday, April 21, 2010

Khanto Pick: Toradora



Quiapo..... ito ang nakagisnang tambayan ng isang taong adik sa anime, series at music. Dito ay maraming pagpipiliang mga vcd to dvd. Dito ko din nabili ang anime na aking ibibida sa blog entry na ito.

dudut-dora-dudu-dora, swiper no swiping, swiper no swiping! TORADORA! Ang anime na ito ay walang kinalaman sa lakwatserang echoserang si Dora the explorer. Nagkataon lang na magkatunog ang titulo nilang dalawa. Itong light anime na ito ay ipinalabas na sa tv-5 subalit wala akong time noon at di ko din feel ang commercials nia noon kaya di ko ito pinapansin. nagkataon lamang na may friend ako na nagrequest na bilin un kasi hihiramin nia at kasi maganda daw iyon. So nung huling nagpunta ako sa quiaps e binili ko nga ang said dvd.

Ang Toradora ay series na umiikot sa isang high school. Dito sa school na ito nag-aaral ang isang lalaki na mabait subalit napagkakamalang delingkwento dahil sa mata nito na animo ay sa mamamatay tao(Ryujii). Dito din nag-aaral ang isang siga na babae na may alyas na Palmtop tiger(Taiga). Nagcross ang landas nila dahil nagkamali si Taiga na ilagay ang love letter nia sa bag ni Ryujii. Tinangka niang bawiin ang sulat subalit nabigo sya. Ang nangyari ay nag-offer ng tulong si Ryujii na ilakad si Taiga sa kanyang crush.Kapalit ng pagtulong e tutulungan naman ni Taiga na mapalapit sa crush ng lalaki na kaibigan ng palmtop tiger. Sa di inaasahang pangyayari ay unti-unting nahulog ng dalawa sa isa't isa.

Bakit ko nagustuhan ang kwento? Dahil sa kinilig na ewan ako sa naging takbo ng lovestory nila. May Limang taong involve sa lovestory.

Ryujii- Bidang Lalaki na may crush kay Minori na sa bandang huli ay nagkagusto kay Taaiga. (Blue haired guy)
Taiga- Bidang babae na binasted si Yusaku pero nagka-crush naman sa binasted nia at biglang nainlove kay Ryuji subalit nag-give-way kasi ang friend nia ay may gusto sa taong mahal nia. (petite yellow haired gal)
Minori- Crush ni Ryuji na bestfriend ni Taiga na binasted si Ryuji kasi ramdam nia na nahulog na si Taiga sa taong mahal nia.(Red hair girl)
Yusaku- Crush ni Taiga na noon ay nagtapat ng pag-ibig sa dalaga subalit matapos mabasted ay nagkagusto sa ibang babae. (Black hair with glasses)
Ami- Nagkagusto kay Ryuji. Kababata sia ni Yusake. Nahulog ang loob nia sa bidang lalaki sapagkat sa lahat ng lalaki sa paaralan nila ay tanging si Ryuji lamang ang hindi sya tinawag na mature in terms of pag-iisip. (blue haired lady)

Masyado bang magulo ang pagkakalahad ko? panoorin nalang ang anime na ito. Kayang tapusin ng isang araw sapagkat 25 episodes lamang ito at wala pang 30 mins. per episodes.

Monday, April 19, 2010

Trend Summer Outing 2010



Sa wakas! Hiphip hooray! Nakapag transfer na ako ng mga pics mula sa cellphone ko dito sa computer. Anhirap pala ng uninstall reinstall ng software para makapag-transfer lang. Nireinstall ko din windows ko. Amp. Pero after 2 days of trying, voala! Makakapag blog na ako tungkol sa aking weekend.

Bago ko simulan ang kwento sa outing noong sabado, babalikan ko muna ang araw bago iyon. Biyernes, effective ang finile ko na leave para makapagpahinga at makapamili ng kakailanganin ko para sa outing. After shift ay niretcho muna ako sa bahay sapagkat sarado pa ang mga mall. Sa kanto namin ay may Jolibee at napuna ko ang bagong promo nila na Ironman earphone. At dahil kakasuweldo lang naman at kailangan ko din ng earphone para makinig ng QA audits sa office ay nagpasya ako na kumain at bilhin ang kalalabas lang na Ironman thing. Sinakto ko din ang aking bill na around 100 para may libreng diyaryo at upang ma-update naman sa current events.




Matapos magpalipas ng ilang oras sa pag-facebook at panonood ng spongebob sa tv, napagpasyahan ko na tingnan kung may email na tungkol sa ticket ng outing. Naglabas na ng anunsyo na maaari ng makuha ito kaya bago magtungo sa mall ay back to office muna ako upang kunin ang ticket.

Matapos makuha ang ticket ay larga na ako sa pinakamalapit na mall upang magbayad muna ng sun broadband ko. Makalipas ang ilang sandali ay nagpunta naman ako sa department store upang bumili ng tshirt sapagkat halos 2 weeks na walang nakakapaglaba ng tshirts sa bahay, ubos na ang mga damit ko o kaya ay di na kasya sa akin. Bumili nadin ako ng short ko(maong) para di gaanong mainit pagbyahe. Bago umuwi ay bumili ako ng mouse para sa laptop ko. Nasira na ung dati sa farmers ng farmville at online games ng pinsan ko.




Pagdating sa bahay ay natulog ng konti kasi mga 10 pm ay manonood ng survivor. Aba! Walang patos talaga ang farmviller at hayun, kahit 10 na ay dumayo para para mag farm. Nag-empake nalang ako ng damit ko at mga susuotin habang may nakapwesto sa computer. Around 11:30 ng umalis na ang farmer at turn ko na. Pagkasign-in ko sabay..... Rotational Brown-out! Nakakaasar-cesar! Andilim. Solo lang ako sa bahay dahil may pasok ate ko at ang parents ay nasa probinsya. Hayun, ginawang flashlight ang cellphone at tsinaga ang net kahit madilim. Paubos na ang battery kaya tulog mode na ako. Shemay! 'Its getting hot in here, so take off all your clothes' ang music na tumatakbo sa isip ko kasi graaaaaabeeeeeeeng init! Kahit maghubad ka ay tatagaktak at magtataktak ang pawis! Di ko makayanan kaya naligo nalang ako at larga na agad sa opisina atleast may kuryente.

Nag-antay ng ilang oras at kumain muna sa labas habang inaantay ang 6am. Pagsapit ng takdang panahon ay off to the bus station at kinuha ng mga officemates ang kanilang tikit. Halos di makaalis ang mga bus kasi kailangang mapuno kaso by groups ang mga tao at shempre, ayaw magkawatak-watak kahit sa journey. Bus 4 ang aming sinakyan. Katabi ko si Kem Chu(Iba po si Kimi Chiu). Habang nakaupo ay napansin ko lang ang difference ng bus last year sa bus this yera. Dati ay parehong pang 2 people lang ang bawat sides pero tila common bus ang gamit ngayon kasi sa isang side pang 3 tao. Anyway, oks lang kasi nasa tabi ako ng window at nakatutok sa aircon! Ang freebies sa bus ay brownies at asado bread with mineral bottle(Akala ko nga may larawan ng kandidato). Lumarga na ang sasakyan at habang tumatakbo ay pinamigay na ang shirts. Mayroong apat na kulay para sa apat na teams na ginawa. Parpol ang sa akin pero bitins ang size kasi lumaki ako, wapaks! May nagtanung na taga-HR kung sino team orange(Shoot! Di pala nila alam na orange ay for guest, kulang sa impormasyon).

Ambilis ng biyahe kasi di pa ako nakakatulog sa sasakyan ay andun na kami! Pagkaparada ay biglang may dumadagundong na music. Tugs! Tugs! Tugs! mali... Ibang sounds.... Huwaw! may ati-atihan.... Sumisilip ako sa bintana at there you go, black pips with feathers ay nagdadance sa harapan. Pagkababa ng bus, lumapit ako para tingnan ng mas malapitan! Aha! ATE-ATEHAN! Mga ache at ateng ang mga dancers. Pero inperness, todo bigay at tila walang katapusan ang energy nila kasi kada dating ng bus ay go na go padin sila sa paghagis ng kanilang bewang at balakang na sumasabay sa mga tambol.


kem chu



ate-atehan



Nakarating na kami sa Summer outing destination. Ito ang Island Cove sa cavite. Di na bago sa aking pandinig to kasi napuntahan ko na ito noon, 8 years ago nung ang name pa nito ay Covelandia. pagdating ay konti palang ang tao kaya naghanap muna kami ng lamesang pupuwestohan at doon namin muna inilapag ang mga baggage counter namin at nagpahinga muna habang inaantay na mag-umpisa ang program proper. Nagpalit muna kami ng aming tshirt. Habang wala pang mga tao ay napagpasyahan naming maglibot-libot muna kesa naman pudporin ang wetpaks sa upuan kakaantay. Pinaka malapit na natanaw ng aking mata ay ang giant chess board. Nakita ko din ang entrance sa pool area at ang board nila para sa mapa ng lugar. Nagshot-shot-shot-shot-shot-shot muna ako ng mga larawan habang naglilibot.









After magcheck sa nearby place ay kasama ko naman si Rudolf na tumingin sa ibang place kasi sabi naghahanap sia ng dagat. (Ang alam ko walang beach sa place pero sabi nia baka meron kasi nakakaamoy sya ng simoy ng dagat). Napadpad kami sa fishing area. Doon kumuha ako ng mga scenic shots kaso di masyadong maganda shots ko kasi sa cellphone lang. After maconfirm na wala ngang dagat ay back to place kami pero sumama naman ako sa mga photographers (Jeff, Mcdo at Gepz). Back to the Fishing area ulit at dun sila kumuha ng shots nila with the models Ianne at Geps.








After ng sariling sikap sa pagkuha ng aking larawan ay bigla na kaming ininform na mag-uumpisa na ang program kaya off we go to the baracks. Pagdating sa kuta o kampo ay syempre nagstart na with intro speech ng mga bossings sa company. Doon nadin sinabi na mag-group na per team kasi uumpisahan na ang games. Hinati ang games sa dalawang part, ang pisikal at mental. Wala ako sa mood sumali dahil alam kong di ko keri ang pisikal tapos nakakatamad gumamit ng mental prowess kasi mainit at gusto ko lang magrelaks. Pinapunta na sa open area ang mga tao para sa game pero nag-detour muna kami ni Jeff kasi naghahanap sya ng mabibilan ng tsinelas. Napadpad kami sa bandang restaurant area at mukang conyo ang place na un. sa tabi ng resto ay ang souvenirs area kung saan nakabili si jeff ng slippers. Sa presyo palang na lolipap na worth 120 ay di na ako nag-usisa ng ibang price ng items.




Sumunod kami sa activity area at katatapos lamang ng kadang-kadang game. Okay ang game ngaun kesa nung last year. 2nd game ay mala takeshis castle kung saan mag wawater gun ang mga players at bubutasin ang mga headgears na may papel de hapon. Parang counter strikes ang nangyaayari kasi may mga tumatalon talon pa tapos may mala matrix kasi bendables ang body para lang di masapol ang papel at di mabutas. After 2 games ay nahuhuli sa scores ang brown team thus the MC created the term brown-out! Third game ay exciting. Ito ang bike baloon pop kung saan ang mga players ay may headgears na may spike at kailangan nilang mag-bike at butasin ang apat na baloons na dadaanan nila. kanya-kanyang diskarte at failures ang nangyare. Kahit na nahuhuli ang brown ay tinapos padin nila ang game. Si spidey ang last player nito pero infairness, sa team nia ay sia lang ang mabilis na nakabutas ng balloons(Nag arthro at phlanax at tila bihasa sa pambubutas ng baloons :p). Last game ay ang 7 legged race.




After ng physical game ay inanawns na magkakaroon ng break. yahoo! tomjones na ako kaya dali-daling pumila. Puto at palabok ang pagkain. Oks naman sana kaso lang bad trip ung serbidorang nipwestohan namin. Ang konti nia magserve. Parang pang sample food lang ang binigay. kakarampot talaga. Tila ung isang scoop nia ay ikinalat lang sa paper plate upang magmukang madami. Di ko na nakuhaan ng larawan at baka masira lang araw ko. pati sa budbod ng chicharon at anik-anik sa palabok ay konti! Sinabi ko sa sarili ko na sa lunch time ay di na ako pipila dun sa echoserang serbidora de explorer!

Mental game na ang sumunod. Nakornihan kaming manood kasi halos di namin makita kasi nandun lang sila sa tents kaya nagpasya ang group/team na puntahan na ang farm area para after lunch ay swim-swim gallore nalang. Nagpatawag kami ng venga-bus para i-hitch kami sa place kasi tirik na tirik ang sunshine ng araw! Si manong driver ay todo pr kasi nagpapakakomedian kasi biyaheng quiapo daw un. Saka parang cliente lang sa phones, nakikipag-walky-talky sia habang banggit na nakasakay sa mini bus nia ang taga micro trend. Napadpad kami sa Butterfly area.





First stop ay ang butterfly garden. Since tanghaling tapat ng kami ay napasyal doon ay wala ni isang butterlfy akong nakita(pwera dun sa butterfly na nakaframe at ung plywood na paro-paro. Dito sa first stop ay kumuha ng larawan si mcdo at si ianne padin ang model nia. Ang magjowaers na magkamukha na sila Andy at Bless pati ang mag-sweety na Jim at nica ay nagpicturan din. Sa place na ito ay nakita ko ang peacock na lalaki at peahen. Makikita din sa nililumot na pond ang isang ninja turtle na nasa ibabaw ng bato at nagsusunbathing with matching taas pa ng feet.




Next stop ay ang Aviary kung saan makikita ang mga iba't ibang ibon. Pero wait! Ang tiger ay isang ibon din pala?! Nakakatawa kasi kasama sa hanay ng mga ibon ang tigre! Dito sa second area makakakita ng parrot na nagsasalita(Amazing! kamangha-mangha), mga Lovebirds(Huwaw! new species ba ito!) at Goose(hooray), Ducks(Superb) at iba pa. Pero bukod sa mga iyon ay may mga okay naman na mga hayop. Boto ako sa long-legged ostrich.... Upclose and personal. Okay din ang mga agila at owlna nakita ko kaso di gaanong malapitan kasi restricted ung area nung cage. Meron di ditong bear cat o musang.
















Matapos sa Aviary ay dumeretso na kami sa dessert island kung saan may mga rabbits at deers at baboy ramo. Di nanamin masyadong minasdan dahil nasa gitna ito ng disyerto type na lugar. Mahangin sa lugar na ito kaya medyo presko kaso nga lang talagang mighty ang araw at tutustahin ka at ma heheat stroke ka pag di ka gagalaw galaw. Bago makarating sa Croc farm, may area ng snakes at mga reptiles.








Last stop sa farm ay ang crocodile area t monkeys. Dito makikita ang ibat-ibang itlog ng crocs at ostrich. Sa main entrance nila ay bumulaga si manong ewan with matching mini crocodilis na papahawak sa amin den sabay alok ng picture-picture sa halagng 40 ata. Puchanggalata, kumikitang kabuhayan na talaga. Enter the dragon kami sa lair ng mga politiko este buwaya. Doon din may ibinebentang pakain na saging sa unggoy. Sa loob ay nothing unusual but to see La coste at crocs. Samut saring laki at lapad. May i offer uli si manong at nagbebenta at nag-uupsell ng chickens na ipapakain sa buwaya na tatalon para abutin lang ang lafang nia. No way jose ang nasambit namin kasi pera-pera nanaman. Sa gitna ng area ay ang island ng mga monkeys. Napapalibutan ng tubig sila kaya no choice sila kundi tumambay lang doon. Alam na namin na chibugan na sa baracks kaya wait namin ulit ang Venga-bus para maihatid kami sa paroroonan.












Back to the headquarters. Pagdating namin ay nagkakainan na ang mga tao(Parang mali, Kumakain na ang mga tao). Pila! Pila dali! Chef! Wala na ang lechon! Ambilis lang maglaho. Anyway, oki pa naman ang foods na naiwan like the kanin, soup, spaketi, fish, pork. Di ko alam ang mga luto so general lang ang discription ko. Tapos for desserts o pang himagas, may gelatin na green at gelatin na white(Ang isa may pineaple tidbits o nata de coco, ung isa may cherry sa ibabaw) at may parang cinnamon roll na apple pie na cream puff. Wala akong larawan sa pagkain sapagkat kalam na sikmura ko. Grabe ang kabusugan ko! Sayang at di ako naka-take-two sa cinnamon.

After ng ilang saglit na pagpapahinga, ay gora na kami sa pool area o oceania. Dito makikita ang slides na apat. Dahil since busog pa ay change attire lang muna, palit shorts lang ako. Tapos nun, lumapit ung taga-asikaso sa resort informing na kung kami daw ay trender ay pede kaming mag get-all-you want sa fishball at squidball area nila. May libreng sorbetes din care off the manong kalembang with ice cream karitela. Wow! Much better than last year! So go at pinatay ang init sa pagkain ng ice cream. Di na ako nag fishballs kasi baka di na ako matunawan at mahirap mag swim-swim kung over sa hangin ang salbabida sa katawan. Okay na ang pool kaso lang medyo madaming dahon dahon. Sana may nets naman para di lahat ng leaves ay babagsak sa pool, medyo makati sa balat. Oks naman ang lapad ng pool at ang lalim ay okay din. Di ko na triny mag slide dahil sa stretchy ko kaya soak at babad nalang sa tubig.





Pagsapit ng 4pm ay nagpasya na kaming magbanlaw at mag-set to go kasi 5pm ang start ng alis ng mga bus. Pagbalik namin sa campo ay may turon na merienda(Mas okay sa pool area). Nagpicture-picturan sa may chess area. Then up we go at sumakay sa bus. May food padin. This time its Jollibee food. Peach mango pie at Jolly hotdog with funchum ata na juice.Nakarating kami sa eastwood bandang 7:30pm at direcho na ako sa bahay upang makapagpahinga matapos ang nakakapagod subalit sulit at enjoy na araw!