Lunes sa di ko malamang kadahilanan ay bigla nalang nagising ako na namumula ang aking eyes. Wow, konyo, eyes! Yep! namumula ang mata ko at medyo teary eyed kaya nagtext ako na di ako makakapasok baka ito ang dreaded sore eyes na never ko pang nadanas kahit noong ako ay bata pa.
Sore eyes, akala mo ay may sharinggan ni Kakashi ng naruto ang aking kaliwang mata sapagkat red ang color. Ang pinagkaibahan lang ay ung white area ang namula at hindi ung part ng cornea. Wow! grabe! Laking kaba ko sa kaganapan. Never ever pa akong nagkasore-eyes(redundant sa statement sa itaas). Noon, kahit apat sa mga kaibigan ko at kapitbahay namin ang natamaan nito ay di ako naapektohan.
Shemay, nagluluha ang aking mga mata! Di ako nag-eemo para mateary-eyed at lalong di naman ako napuwing subalit heto at may namumuong mga butil ng tubig sa aking mata.
Omg-O may golay! Tila kasabay ng pagluluha ng aking mata ay may namumuong muta.(gross lang no?). Pakingshet. para akong kirat na ewan kasi isang mata ko halos di ko madilat kasi tila may pandikit due to muta. teka! teka! Ang alam ko na-tuli ang father ko ah.. Dapat di ako nagmumuta!
Rest mode nalang ako kahit buong sabado at linggo ko ay KATUG lang ang aking ginawa(kain tulog). Puchang-galata. Kung kelan gusto kong matulog, di ako madalaw ng antok dahil halos tulog nga lang ang ginawa ko. Pikit isang mata dilat ang kalahating nakatunganga sa kisame at nag-iisip ng kung ano-ano at tila ay binibilang ang mga imaginary friends.
Umaga na pala at gora ako sa doctor upang may-i pa-check-up ang kumakandirit at pumipintif-pintig na mata ko. Di sya totally sore eyes! Thank god! but! shet! bakit may but?! Baka daw mag lead sa sore eyes kaya better take a rest daw muna ako at binigyan ako ng pangpatak sa mata, gamot at vitamins.
Before ako umalis sa doctor, may tanong sa akin na di ko alam kung matatawa ako or what. Biglang nagtanong si doc kung umiinom ba ako. watdapak? Porket-porket malaki ang beer belly ko o tabs? Nyahahaha! Si doc nagpapatawa ata. Sumagot ako, bakit nio natanong. Medyo naninilaw daw mata ko. aaaah. Tapos Nagtanong ulit. Umiinom ka ba ng gatas? Pardon? jejejeje! Kasi kailangan mo din ng calcium. aaaaaah.... Akala ko kasi para na akong bonjing sa kalakihan.
Hays...... ilang days din ako di gaano nakapag-update ng blog at nakapag-pesbook pero oks lang. At least di umabot sa alert level sharinggan sore eyes. Sintomas palang at naagapan. I'm getting well.