Sunday, April 25, 2010

Larong Bata

Tila sa pagbubukas ng PBB teen edition sa tv ay nagbukas din ang bahay ni koya sa amin. Nadagdagan kami ng dalawang tao sa bahay. Ang lola ko na kapatid ng lola ko sa mother side at ang anak-anakan nia(adopted, anak ng kamag-anak). Lima't kalahati kami dito ngayon sa bahay sapagkat nasa 7 palang ata ung bata.

Lately ay kalaro ng pinsan ko ung batang kasama ng lola ko at dito sila naglalaro. Natitiempohan ko din na minsan ang mga dating evictees(Kamag-anak na nakitira sa amin) ay dito din sa bakuran naglalaro kaya biglang pumasok sa akin ang mga larong pambata noon.



1. Teks- Di pa uso ang tatak na nokia o samsung. Di pa inaabot masyado ng teknolohiya ang bansang pilipinas kaya di pa hi-tech ang mga kabataan. Eto ang laro kung saan pipitikin o kaya ay ihahagis o ipapaikot sa ere at aantayin bumagsak. Chub- Chub- Cha! Parang maales taya lang sa tatlong tao. Kung kanino maiba, sya panalo. Mostly may dalawang uri ng teks, ang regular at special(wow, parang vavavoom!). Regular pag maliit o ung cute-cute size na kadalasan ay ang tema ay galing sa mga pelikulang noypi. Sa kabilang banda, ang special ay ung may pagka-glossy at parang miniature posters ng mga tv shows at anime. Dito sa larong ito kailangang pumusta ka ng cards mo din. Mas nahibang ako sa special cards kasi ang ganda titigan at madaling pitikin. Memorable sa akin ung nanalo ako ng teks at nakalikom ng isang kahon but unfortunately, inanay kasi ayokong ipatalo at tinabi ko lang.



Tumbang preso- Di mo kailangan ng baril upang todasin ang nakawalang preso. Kaya tumbang preso ay nasa bilog na hugis itlog ang isang lata na animo ay preso. Kailangang patumbahin ng mga bata ang lata sa pamamagitan ng tsinelas. Yep! ang pares ng tsinelas na suot lamang ang pedeng gamitin. Ang taya ay kailangang bantayan at hulihin ang mga kalaro kapag lumagpas ng linya. Di pedeng makuha ang tsinelas na naihagis na kapag ang lata ay nakatayo pa. Eto ang laro kung saan kailangan may accuracy ka at power sa paghagis ng iyong havianas. Kadalasang talo dito ang mga bata na may maliliit na sinelas o kaya super pudpod kasi mahirap patumbahin ang lata at baka matamaan mo at di mo mapatumba, taya ka! Strategy dito ay gumamit ng ibang tsinelas pag nagkayayaan na ng tumbang preso. Kadalasan ay uuwi sa bahay at hahanapin ang sinelas ng ama o kaya gagamitin ang alpombra. Sa mga kababaihan, aarborin ang bakya ng lola para mas epektib.



Luksong Baka- Ang laro kung saan kailangan ng matibay na tuhod at liksi sa pagtatatalon. Ang larong luksong baka/baboy(pag mataba) ay simpleng talunan game lang. Kailangang maging balance beam o hurdle bar ang taya at ang mga kalaro ay tatalunan sya na dapat ay di sasayad ang mga paa o katawan. Dito napapaunlad ang flexibility din sa pagtumbling. Eto ay nakakabadtrip sa akin noong bata ako sapagkat lagi akong taya. Syempre maliit ako noon at chubby chubby kaya hirap sa pagtumbling. Best level ko na ata ay level 2. Mabuti pa ang luksong tinik, nakakaabot ako ng level 5.



Patintero- Ang group gaes kung saan kailangang makatawid sa mga linya ang koponan na hindi maaabot ng bantay sa linya. Panalo ang team na magkakaroon ng players na makakabalik sa starting point. Eto ang laro na kailangang magaling kang pumili ng team members. Piliin ang mahaba ang galamay at maliksi at mabilis. Dito kailangan ng talas ng isip at bilis ng reflexes sa mga catchers. Favorite role dito ay ang patotot o kaya ay ang around the world. Sa mga batang nakakalaro nito mo makikita ang kanya-kanyang diskarte sa pag-iwas sa bantay. Strategy kung pano bumale-balentong at tumawid. May mga strategy-strategy pa na nalalaman tulad ng linlangin-linlangin. tapos ang round o turn ng isang koponan pala pag may isang player ang nahuli o nahawakan kaya ingat-na ingat ang mga bata na laging mahuli kasi next time ay tiyak, last choice ka.



Taguan- ang paborito ng mga bata kapag sasapit ang dilim... Maghahasik na ng lagim! Ang laro kung saan nagbubunyi ang bata kapag brown-out dahil mas epektibo ang laro. tagu-taguan maliwanag ang buwan, masarap maglaro sa dilim-diliman! Eto ang pinakaeksayting na laruin lalo na at malawak ang battlefield! May isang taya na bibilang hangang sampu at bahala na ang iba na magtago. Dito nadedevelop ang creativity ng bata sa pagtatago at paghahanap ng hiding spot. Duti ay lumalabas ang pagiging karma-karma-karma-chameleon ng mga tao sa pagiimitate o pangongopya ng sanga ng puno o kaya halaman. Todo effort na magblend sa kapaligiran. Dito din nalalaman kung may eps na ichuchuchu ang hiding place mo para mataya ka.

Sarap lang magbalik-tanaw at kung maibabalik ang kabataan ay nais ko uli makalaro nito. :D