Sunday, April 11, 2010

The Saturday Event



Noong mga nakaraang araw, aaminin ko na depress ako. Wala ako sa tamang hulog at minsan ay tinatablan ng katam. Di ko masabi kung ano ang mga dahilan pero sadyang di super maganda ang mga days.

kahapon, last day of the week ay napagpasyahan at napilit namin na somehow, magpizza. Nagpapasalamat ako kay spiderham dahil ang pag-aaya niya kasama ni mapanuri at ng ibang pips ay nakapag-elevate ng depression. Nakakagaan ng pakiramdam kapag nakaatawa ka at nakakarelease ng bad aura.

Ang hinihintay ko na damit ng kalye-kada ay dumating din pala. Nagandahan ako sa design kaso tila sumobrang talaga ang laki ko at di kasya o medyo maliit ang XL shirt nila kaya di ko mapapakinabangan ang shirt. Minabuti ko nalang na ibigay sa aking ama.

Mga tanghali na ng makarating ako sa bahay at guess what, ang farmville addictus na aking tiyahin ay dumating. Hayaan ko na nga lang at natulog nalang ako ng mga 3 oras dahil napagdesisyunan ko na magtungo sa mall(megamall) para icheck ang narinig ko na balita na may cosplay event. Around 5 na ako nakadating. Bumili ako ng ticket na pang dalawang araw worth 180(tipid ng bente).

Sa event na aking pinuntahan, tila nadismaya ako na ewan. Pasensya na sa lover ng ganitong event kasi di ko masyadong nagustohan ang setup ng event. Isipin mo, Megatrade 1 and 2 ang inarkila ng event pero di gaano namaximize ang place at tila magulo ang setup.

Pagkapasok na pagkapasok palang e parang nasaisip ko na mukang lugi ah. paano ay tila konti ang mga nakijoin sa event na ito. Tila konti ang sellers ng anime items. Andun lang ung 2rats, Kpop item sellers, DVD /vcd sellers at onting toy sellers. Tapos in terms of online games, Luna online ang ang andun. Konting display ng toys. At ang wird pa ay dalawa ang nakasetup na stage. Isang para sa mga panatic ng anime singing kung saan kakanta ang mga pips ng kinabisoteng korean/chinese o japanese song! Watapak? Wala ako maintindihan sa song! Nyahahahaha! On the other stage naman ay ung main cosplay event.

Ayaw ko na masyadong magdwell sa negaside ng event kaya heto ang mga items na good para sa akin. Since day 2 eto nung event, ang aking nasaksihan ay ang group cosplays. Dito makikita ang mga tao na binubuo ng mga di bababa sa 5 members na may iisang theme ng anime na kanilang ipoportray sa harap ng tao with matching choreography or kahit na anung pagpapakitang gilas o imbentong skit. Nakakaaliw manood ng mga nagcocosplay lalo na kung marami sila kasi feel na feel mo ang dating nila! ila ba para kang sinasabihan na "eto na ang kaming mga anime in real the real world!" Ang mga nadatnan ko at nakita ko sa paligid ligid ay ang mga sumusunod na anime: Soul Eater, Naruto, Sailor Moon, Mask Riders, Deathnote at Ragnarok.

Naglibot libot muna ako sa mall habang tumitingin kung may new release na One Piece toy sa toy kingdom pero wala. Ninais kong bumili ng One Piece key strap na aking kinokolekta subalit out of token naman ung store. Naglakad nalang ako papuntang Robinson galleria at doon naghapunan dahil may intuition ako na wala akong dadatnang pagkain sa bahay.

I ended my day watching the pilot episode ng PBB teen edition at tiningnan ko ang mga new possible stars ng abs-cbn. Abanagan na lamang sa susunod na blog ko ang detalye ng pbb.

Heto ang ilan lang sa nakuha kong larawan sa event sa megamall.

Toy display sa event


Otaku display


manikin sa shop ng mga Goth loli dress


Japanese koi flags


Naruto


6 ft. poster na binebenta


Si Lust ng Full Metal Alchemist


Naruto group


Masked Rider group


Sizzling Sisig(Dinner)


Pamatid uhaw!