Sunday, April 11, 2010

Naruto-Arena's new set of Characters!


Kagabi o mas maiging sabihin na kaninang madaling araw ay dumalaw ako naruto-arena upang silipin kung may pagbabagong naganap after nung huli silang nagdagdag ng 4 na characters. Di ako nabigo at nagrelease na nga sila ng 9 na tauhan na hango sa anime ng Naruto.



1. Jiraiya- Ang ermitanyong mahilig o ang matandang ma-el. Kahit na may pagka-porno at mamboboso itong taong to, magaling sya sa pagkuha ng data dahil isa siya sa mga legendary sannins.



2. Sage Mode Jiraiya- Eto ay ang form 2 ni Jiraiya kung saan ginamit nia ang nature element at binigyan siya ng kakayanan na i-improve ang malakas na niyang skills. Mostly powers from the frog ang gamit.



3. Sasuke- Ang echoserang si Sasuke na nagtraining sa kamay ni Orochimaru. Namaster na niya ang paghawak ng sandata o sword. Nag-improve na din ang lightning skills.



4. Suigetsu- Ang isa sa kampon ni Sasuke. May kakayanan na gawing tubig ang sarili. Nais niyang mapasakamay ang mga kakaibang swords sa ninja world tulad ng sandata ni zabuza at Kisame.



5. Karin- Ang babaeng nahuhumaling kay Sasuke. Parang another versio na sakura na hindi. May detecting skills at may kakayanan na magpagaling sa pamamagitan ng pagkagat sa kanya.



6. Juugo- Isa sa recruit din ni Sasuke. May cursed seal din na pakana ni orochimaru. May kakayanang mang-hawa ng cursed sealsa ibang tao. physically strong din.



7. Itachi- Ang kapatid ni Sasuke. May kapangyarihan na genjutsu o illusion techniques. Malakas din ang sharinggan power nia kasi mas nauna niang namaster ito kesa sa kapatid.



8. Konan- Isa sa miyembro ng Akatsuki. May kakayanan na gumamit ng papel o origami bilang sandata sa pakikipaglaban. Isa sa naging mag-aaral ni Jiraiya.



9. Pein- Isa din sa mga miyembro ng akatsuki. Sya ung akalang leader ng grupo. Malakas ang Rinnegan power. Isa din sa tinuruan ni Jiraiya.

Nakaka-excite maglaro at ma-unlock ang mga bagong characters pero tila kailangan kong bumawi at humabol sapagkat kailangan ko pang ma-unlock si Orochimaru bago ako makapag-umpisa sa kahit isa sa kanila. Bumaba pa lalo rank ko.