Thursday, April 1, 2010

One Piece 580: End of the War



Wow! Last week ay di ko na blog ang episode na 579 pero ngayon, fully charged at ganado akong ikwento ang bagong labas na episode ng One piece na 580. Mukang mas mabilis mag scan at mag post ang mangastream ng One Piece kaya doon ako nagbasa at hindi sa onemanga.

Anyway, noong last episode, ang pinaka-focus ay ng sumigaw si Coby na itigil na ang digmaan dahil maraming buhay na ang nasawi at marami na ang sugatan. Papatulan na sana sya ng isa sa admiral ng marines subalit grand entrance ang isa sa apat na pirate emperors na si red-haired Shanks! Dito din pinakita na dadalin na sa submarine ni Trafalgar Law ang sugatan at malubhang si Luffy.

Sa bagong episode ngayon, Grand entrance nga si Shanks at dahil napulot nia ang strawhat na dati niyang pagmamay-ari, inihagis nia ito kay Buggy at nais niyang ibalik kay Luffy. Sumunod naman si Buggy dahil may nasambit si Shanks na bibigyan siya ng treasure map. Sabay flashback kung paano napunta kay luffy ang sumbrero at sabay sambit ni Shanks na baka masira ang promise ni luffy na isasauli nia ung hat kapag naging great pirate na sya.

Naihatid nga ni Buggy ang hat at nasa loob na si Luffy ng submarine subalit ayaw patakasin ng mga Admiral. Lumusob si Aokiji at pinagyelo ang tubig at umatake din ung admiral na may powers ng liwanag. Nasabi nila na kung nakaligtas ang submarino ay tatawagin nalang itong swerte.

Sa di ko mawaring kadahilanan, may isang page kung saan pinakita na si Hancock boa ay nag-utos na tugisin ang submarine. At dito rin pinakita na naiinis si Buggy na inuto sya ni Shanks at kung saan din ang ibang preso ng Impel down ay bilib na nakaka-rubbing elbows ni Buggy ang isang Shanks.

Ipinayo ni Shanks sa tauhan ng yumaong si Whiteabeard na umatras nalang. Si Mihawk naman ay tila ayaw na ng labanan sapagkat ang sinang-ayunan nia lamang ay ang laban sa Whitebeards.  Sumigaw si Shanks na kung sino pa ang nais lumaban ay pagbibigyan ng team nia at handa silang labanan ng full force. Tinanong ni Shanks si Teach subalit tila umurong ang buntot. Ipinakita rin ang mga casualty sa naging sagupaan. Minungkahi din ni Shanks na wag nang icoverage ang kasawian ni Ace at Whtebeard at tila dadalin nila ang bangkay ng dalawa. Napasang-ayon nalamang si Senggoku. At sabay sigaw na ang digmaan ay tapos na!

Bitin! B na B! tapos ang masaklap pa ay next week, walang bagong episode pero okay nadin naman dahil tila magkakaroon ng magandang development ang kwento! Anu kaya ang mangyayari kay Luffy sa kamay ni Law? Mag-iiskip ba ng mga buwan sa istorya? Abangan!


0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???