Monday, April 5, 2010

Khanto Review: The Deep End of the Ocean



Ngayong araw na ito, nagbalak akong pumunta sana ng Quiapo upang bumili ng anime na dvd subalit tila tumawag ang aking katawan ng isang malaking time-out at buong umaga hanggang 7pm ay tulog ako. Andami kong na-miss sa araw na ito. Manood ng survivor, maglakwatsa sa mall, kumain sa labas at kung ano pa.

Pagkagising ay alam ko na wala na akong aabutang mall na bukas kaya sa harap ng telebisyon nalang ako tumunganga. Wala na ako magawa sa facebook at tila rehabilitated na ako sa pagka-over-lulong sa FB. Tapos na ang Pilipinas got talent at tapos na din ang aswang kong darling sa tv.5. Pagkalipat ko ay movies na ang palabas. Ganun din sa channel 9 kaso napanood ko na ung palabas kaya back to 5. Medyo sinauna ang style ng mga damit sa pelikula pero since bored, nanood ako. Ang pelikula ay Deep end of the ocean. Nung una parang nakokornihan ako subalit na-hook ako. Ewan ko kung bakit.

Tumakbo ang istorya sa isang inang may kasamang 7, 3 at 1 year old na anak sa kaniyang high school reunion ata. Dun sa hotel, mag-checheck-in na sila kaso ang parang stroller ay masyadong malaki at hassle dalin sa receptionist kaya iniwan nia muna sa isang sulok. Pinagbilin nia sa eldest son nia na hawakang maigi ang kapatid na si Ben(middle child). Pagkabalik nia, Poof, wala na si baby boy. Hanap dito, hanap doon. Lost na! No panic ang drama sa una. To the rescue pa friends and classmates sa paghahanap. May tulong pa sa pulis. Lumipas ang oras wala. Kidnap na ang nasa isip. Panic na. Gumawa na ng search operation at search parties pero wala. Halos Buwan ang lumipas pero kelangan na mag-move-on ang mga volunteers. Halos sumuko nadin ang pamilya at lumipat ng lugar.

Makalipas ang siyam na taon, tumanda na ang panganay at ang bunso. Sa bagong nilipatan ay nag-appear ang batang nawawala. Si Ben ay ninakaw pala ng isa sa kaklase ng bida na may sakit sa pag-iisip. Aun. Okay na sana kaso syempre, napamahal na ang bata sa kinalakihang ama. Dito nagkaroon ng emotional wreck ang mga tauhan. Kung ano-anong emosyon ang nadama. Ang ama ay masayang kasama na ang anak at todo effort na makabawi sa oras na nasayang. Ang ina naman ay naipit kung pakakawalan ang anak na kay tagal niang di nakapiling subalit nalulungkot dahil nais makasamaa ng bata ang kinagisnang magulang. Ang kapatid na lalaki naman ay ipit sa pagmamahal sa kapatid at medyo jealousy at pagsisisi dahil binitawan nia ang kapatid noon.

Natapos ang kwento na naging okay din ang lahat. Natauhan ang panganay na anak. Si Ben na nawala ay pinili na balikan ang tunay na pamilya. Same goes with the mag-asawa.

Habang pinanonood ko ang pelikula, nag-emo emohan ako at napaisip. Siguro naantig ako kasi ang kwento ay mawalan ng minamahal. Since ako ay musmos pa ng mawalan ng kuya, di ko talaga alam kung ano ang pait na nadama ng parents ko nung maaksidente ang aking brother. Marahil may parte sa isip at puso ko na nagsasabing ganto din ang pinagdaanan nila minus nga lang kasi di na babalik ang aking bro. Pangalawa ay sa kuwento at meron about sa magkapatid. Di ko alam siguro part of me ay inggit kasi ung si Ben may kuya samantalang ako wala. Ung scene na naglalaro ung magkapatid ay medyo touchy sa akin since wala namanng tumayong bilang kuya sa akin. Namuhay ako na walang tinitingalang kuya o kuya-kuyahan. Siguro ung pagiging lonely boy ko sa aking pagkabata ang sumuntok at nagdala ng wirdong kurot.

Overall, ang score ng movie sa akin ay 8 kasi very inspiring though a bit boring ng konti sa ibang eksena.