Minsan nakakatamad na ang mga teleserye, pantaserye, realiserye at kung anu-anu pang serye na lumalabas sa local tv stations natin kaya minsan naglilipat ako ng channel upang manood ng US tv series. Madalas ay napapanood ito sa studio 23 o kaya ay sa channel 9. Ngayong araw na ito ay nais kong itala ang sampung series na aking nagustuhan.
10. Glee- ang series na tungkol sa isang Spanish teacher na ninais na buoin at ibangonn ang dating pangalan ng Glee club sa kanyang eskuwelahan. Bakit ko naisama ang series na ito? For music lovers, sa mga renditions nila at antics ay nakakaaliw.
9. Charmed- The power of three will set you free. Yan ang incantation ng witches na magkakapatid. Tatlong babaeng nagkaroon ng matinding powers mula sa ninunong mangkukulam. Kinahiligan kong panoorin ito noong nasa high school ako sapagkat kakaiba ang special effects na gamit nila at tila humaling ako sa magical stuff. Dito ko nakahiligan ang kantang How soon is now.
8. Smallville- Somebody save me! I dont care how you do it , just save me! Yan ang lyrics na kinahibangan ko kasabay ng charmed. Ang smallville ay ang istorya ni Clark Kent noong sya ay di pa kilala as Superman. Dito ako ay nag-enjoy sa love triangle nila Lana, Clark at Chloe.
7. Big Bang Theory- Dalawang nerdy-nerd na lalaki na adiktus sa siyensya. Ang isa ay nainlove sa kapitbahay nila na sexing blonde subalit since wala ngang alam masyado sa social life at love life, ang lahat ay nauuwi sa comedy. Nakakatawa ang show na to.
6. Ugly Betty- Yo soi betty la fea. Ang echoserang frog o the ugly duckling na naghahanap ng puwang sa trabahong napili, fashion world. Kahit chaka at di nababagay sa mundo ng kagandahan ay kinakayang bumagay at nakayanang umangat.
5. Scrubs- Kwento ng isang empleyadong napasok sa medical world. Isa siyang nurse at dito nia haharapin ang kung-anu-anong pagsubok sa buhay. Light ang series na ito with a touch of comedy kaya di ka mababagot.
4. Reaper- Isa nanamang comedy pero may halong kakaibang twist. Ang bidang lalaki ay ibinenta ang kaluluwa nia sa demonyo ng kanyang magulang. Ang naging kapalit ay sya ay naging tagakuha ng mga nakawalang kaluluwa sa impyerno.
3. Psych- Isang ordinaryong tao na may kakaibang sense of observation. Ang bida ay may angking talino sa pagmemorize at pagpuna ng maliliit na bagay. Nais niang kumita ng pera at gamitin ang kakayanan kaya nagpangap na isang Psychic at nagprisenta na maging detective. Comedy at witty.
2. Heroes- Save the cheerleader, save the world. Yan ang motto ng unang season ng series na ito. Ang seryeng ito ay tungkol sa akala ay ordinaryong tao subalit may mutant o extra-ordinary powers. Nagustohan ko ito dahil sa mala X-men powers at kakaibang twist ng kwento.
1. Kyle XY- Isang binatang ginawa sa isang capsule. Ang taong walang pusod pero kakaiba ang angking katalinuhan at abilidad. Lumaking tila teenager pero di sya dumaan sa pagkabata. Na-astigan ako dito sapagkat iba ang dating ng kwento atsaka dito tila inexplain na ang utak ay sobrang powerful. Everything can happen basta fully developed at ma-uutilize mo ang utak.