Monday, April 19, 2010

Trend Summer Outing 2010



Sa wakas! Hiphip hooray! Nakapag transfer na ako ng mga pics mula sa cellphone ko dito sa computer. Anhirap pala ng uninstall reinstall ng software para makapag-transfer lang. Nireinstall ko din windows ko. Amp. Pero after 2 days of trying, voala! Makakapag blog na ako tungkol sa aking weekend.

Bago ko simulan ang kwento sa outing noong sabado, babalikan ko muna ang araw bago iyon. Biyernes, effective ang finile ko na leave para makapagpahinga at makapamili ng kakailanganin ko para sa outing. After shift ay niretcho muna ako sa bahay sapagkat sarado pa ang mga mall. Sa kanto namin ay may Jolibee at napuna ko ang bagong promo nila na Ironman earphone. At dahil kakasuweldo lang naman at kailangan ko din ng earphone para makinig ng QA audits sa office ay nagpasya ako na kumain at bilhin ang kalalabas lang na Ironman thing. Sinakto ko din ang aking bill na around 100 para may libreng diyaryo at upang ma-update naman sa current events.




Matapos magpalipas ng ilang oras sa pag-facebook at panonood ng spongebob sa tv, napagpasyahan ko na tingnan kung may email na tungkol sa ticket ng outing. Naglabas na ng anunsyo na maaari ng makuha ito kaya bago magtungo sa mall ay back to office muna ako upang kunin ang ticket.

Matapos makuha ang ticket ay larga na ako sa pinakamalapit na mall upang magbayad muna ng sun broadband ko. Makalipas ang ilang sandali ay nagpunta naman ako sa department store upang bumili ng tshirt sapagkat halos 2 weeks na walang nakakapaglaba ng tshirts sa bahay, ubos na ang mga damit ko o kaya ay di na kasya sa akin. Bumili nadin ako ng short ko(maong) para di gaanong mainit pagbyahe. Bago umuwi ay bumili ako ng mouse para sa laptop ko. Nasira na ung dati sa farmers ng farmville at online games ng pinsan ko.




Pagdating sa bahay ay natulog ng konti kasi mga 10 pm ay manonood ng survivor. Aba! Walang patos talaga ang farmviller at hayun, kahit 10 na ay dumayo para para mag farm. Nag-empake nalang ako ng damit ko at mga susuotin habang may nakapwesto sa computer. Around 11:30 ng umalis na ang farmer at turn ko na. Pagkasign-in ko sabay..... Rotational Brown-out! Nakakaasar-cesar! Andilim. Solo lang ako sa bahay dahil may pasok ate ko at ang parents ay nasa probinsya. Hayun, ginawang flashlight ang cellphone at tsinaga ang net kahit madilim. Paubos na ang battery kaya tulog mode na ako. Shemay! 'Its getting hot in here, so take off all your clothes' ang music na tumatakbo sa isip ko kasi graaaaaabeeeeeeeng init! Kahit maghubad ka ay tatagaktak at magtataktak ang pawis! Di ko makayanan kaya naligo nalang ako at larga na agad sa opisina atleast may kuryente.

Nag-antay ng ilang oras at kumain muna sa labas habang inaantay ang 6am. Pagsapit ng takdang panahon ay off to the bus station at kinuha ng mga officemates ang kanilang tikit. Halos di makaalis ang mga bus kasi kailangang mapuno kaso by groups ang mga tao at shempre, ayaw magkawatak-watak kahit sa journey. Bus 4 ang aming sinakyan. Katabi ko si Kem Chu(Iba po si Kimi Chiu). Habang nakaupo ay napansin ko lang ang difference ng bus last year sa bus this yera. Dati ay parehong pang 2 people lang ang bawat sides pero tila common bus ang gamit ngayon kasi sa isang side pang 3 tao. Anyway, oks lang kasi nasa tabi ako ng window at nakatutok sa aircon! Ang freebies sa bus ay brownies at asado bread with mineral bottle(Akala ko nga may larawan ng kandidato). Lumarga na ang sasakyan at habang tumatakbo ay pinamigay na ang shirts. Mayroong apat na kulay para sa apat na teams na ginawa. Parpol ang sa akin pero bitins ang size kasi lumaki ako, wapaks! May nagtanung na taga-HR kung sino team orange(Shoot! Di pala nila alam na orange ay for guest, kulang sa impormasyon).

Ambilis ng biyahe kasi di pa ako nakakatulog sa sasakyan ay andun na kami! Pagkaparada ay biglang may dumadagundong na music. Tugs! Tugs! Tugs! mali... Ibang sounds.... Huwaw! may ati-atihan.... Sumisilip ako sa bintana at there you go, black pips with feathers ay nagdadance sa harapan. Pagkababa ng bus, lumapit ako para tingnan ng mas malapitan! Aha! ATE-ATEHAN! Mga ache at ateng ang mga dancers. Pero inperness, todo bigay at tila walang katapusan ang energy nila kasi kada dating ng bus ay go na go padin sila sa paghagis ng kanilang bewang at balakang na sumasabay sa mga tambol.


kem chu



ate-atehan



Nakarating na kami sa Summer outing destination. Ito ang Island Cove sa cavite. Di na bago sa aking pandinig to kasi napuntahan ko na ito noon, 8 years ago nung ang name pa nito ay Covelandia. pagdating ay konti palang ang tao kaya naghanap muna kami ng lamesang pupuwestohan at doon namin muna inilapag ang mga baggage counter namin at nagpahinga muna habang inaantay na mag-umpisa ang program proper. Nagpalit muna kami ng aming tshirt. Habang wala pang mga tao ay napagpasyahan naming maglibot-libot muna kesa naman pudporin ang wetpaks sa upuan kakaantay. Pinaka malapit na natanaw ng aking mata ay ang giant chess board. Nakita ko din ang entrance sa pool area at ang board nila para sa mapa ng lugar. Nagshot-shot-shot-shot-shot-shot muna ako ng mga larawan habang naglilibot.









After magcheck sa nearby place ay kasama ko naman si Rudolf na tumingin sa ibang place kasi sabi naghahanap sia ng dagat. (Ang alam ko walang beach sa place pero sabi nia baka meron kasi nakakaamoy sya ng simoy ng dagat). Napadpad kami sa fishing area. Doon kumuha ako ng mga scenic shots kaso di masyadong maganda shots ko kasi sa cellphone lang. After maconfirm na wala ngang dagat ay back to place kami pero sumama naman ako sa mga photographers (Jeff, Mcdo at Gepz). Back to the Fishing area ulit at dun sila kumuha ng shots nila with the models Ianne at Geps.








After ng sariling sikap sa pagkuha ng aking larawan ay bigla na kaming ininform na mag-uumpisa na ang program kaya off we go to the baracks. Pagdating sa kuta o kampo ay syempre nagstart na with intro speech ng mga bossings sa company. Doon nadin sinabi na mag-group na per team kasi uumpisahan na ang games. Hinati ang games sa dalawang part, ang pisikal at mental. Wala ako sa mood sumali dahil alam kong di ko keri ang pisikal tapos nakakatamad gumamit ng mental prowess kasi mainit at gusto ko lang magrelaks. Pinapunta na sa open area ang mga tao para sa game pero nag-detour muna kami ni Jeff kasi naghahanap sya ng mabibilan ng tsinelas. Napadpad kami sa bandang restaurant area at mukang conyo ang place na un. sa tabi ng resto ay ang souvenirs area kung saan nakabili si jeff ng slippers. Sa presyo palang na lolipap na worth 120 ay di na ako nag-usisa ng ibang price ng items.




Sumunod kami sa activity area at katatapos lamang ng kadang-kadang game. Okay ang game ngaun kesa nung last year. 2nd game ay mala takeshis castle kung saan mag wawater gun ang mga players at bubutasin ang mga headgears na may papel de hapon. Parang counter strikes ang nangyaayari kasi may mga tumatalon talon pa tapos may mala matrix kasi bendables ang body para lang di masapol ang papel at di mabutas. After 2 games ay nahuhuli sa scores ang brown team thus the MC created the term brown-out! Third game ay exciting. Ito ang bike baloon pop kung saan ang mga players ay may headgears na may spike at kailangan nilang mag-bike at butasin ang apat na baloons na dadaanan nila. kanya-kanyang diskarte at failures ang nangyare. Kahit na nahuhuli ang brown ay tinapos padin nila ang game. Si spidey ang last player nito pero infairness, sa team nia ay sia lang ang mabilis na nakabutas ng balloons(Nag arthro at phlanax at tila bihasa sa pambubutas ng baloons :p). Last game ay ang 7 legged race.




After ng physical game ay inanawns na magkakaroon ng break. yahoo! tomjones na ako kaya dali-daling pumila. Puto at palabok ang pagkain. Oks naman sana kaso lang bad trip ung serbidorang nipwestohan namin. Ang konti nia magserve. Parang pang sample food lang ang binigay. kakarampot talaga. Tila ung isang scoop nia ay ikinalat lang sa paper plate upang magmukang madami. Di ko na nakuhaan ng larawan at baka masira lang araw ko. pati sa budbod ng chicharon at anik-anik sa palabok ay konti! Sinabi ko sa sarili ko na sa lunch time ay di na ako pipila dun sa echoserang serbidora de explorer!

Mental game na ang sumunod. Nakornihan kaming manood kasi halos di namin makita kasi nandun lang sila sa tents kaya nagpasya ang group/team na puntahan na ang farm area para after lunch ay swim-swim gallore nalang. Nagpatawag kami ng venga-bus para i-hitch kami sa place kasi tirik na tirik ang sunshine ng araw! Si manong driver ay todo pr kasi nagpapakakomedian kasi biyaheng quiapo daw un. Saka parang cliente lang sa phones, nakikipag-walky-talky sia habang banggit na nakasakay sa mini bus nia ang taga micro trend. Napadpad kami sa Butterfly area.





First stop ay ang butterfly garden. Since tanghaling tapat ng kami ay napasyal doon ay wala ni isang butterlfy akong nakita(pwera dun sa butterfly na nakaframe at ung plywood na paro-paro. Dito sa first stop ay kumuha ng larawan si mcdo at si ianne padin ang model nia. Ang magjowaers na magkamukha na sila Andy at Bless pati ang mag-sweety na Jim at nica ay nagpicturan din. Sa place na ito ay nakita ko ang peacock na lalaki at peahen. Makikita din sa nililumot na pond ang isang ninja turtle na nasa ibabaw ng bato at nagsusunbathing with matching taas pa ng feet.




Next stop ay ang Aviary kung saan makikita ang mga iba't ibang ibon. Pero wait! Ang tiger ay isang ibon din pala?! Nakakatawa kasi kasama sa hanay ng mga ibon ang tigre! Dito sa second area makakakita ng parrot na nagsasalita(Amazing! kamangha-mangha), mga Lovebirds(Huwaw! new species ba ito!) at Goose(hooray), Ducks(Superb) at iba pa. Pero bukod sa mga iyon ay may mga okay naman na mga hayop. Boto ako sa long-legged ostrich.... Upclose and personal. Okay din ang mga agila at owlna nakita ko kaso di gaanong malapitan kasi restricted ung area nung cage. Meron di ditong bear cat o musang.
















Matapos sa Aviary ay dumeretso na kami sa dessert island kung saan may mga rabbits at deers at baboy ramo. Di nanamin masyadong minasdan dahil nasa gitna ito ng disyerto type na lugar. Mahangin sa lugar na ito kaya medyo presko kaso nga lang talagang mighty ang araw at tutustahin ka at ma heheat stroke ka pag di ka gagalaw galaw. Bago makarating sa Croc farm, may area ng snakes at mga reptiles.








Last stop sa farm ay ang crocodile area t monkeys. Dito makikita ang ibat-ibang itlog ng crocs at ostrich. Sa main entrance nila ay bumulaga si manong ewan with matching mini crocodilis na papahawak sa amin den sabay alok ng picture-picture sa halagng 40 ata. Puchanggalata, kumikitang kabuhayan na talaga. Enter the dragon kami sa lair ng mga politiko este buwaya. Doon din may ibinebentang pakain na saging sa unggoy. Sa loob ay nothing unusual but to see La coste at crocs. Samut saring laki at lapad. May i offer uli si manong at nagbebenta at nag-uupsell ng chickens na ipapakain sa buwaya na tatalon para abutin lang ang lafang nia. No way jose ang nasambit namin kasi pera-pera nanaman. Sa gitna ng area ay ang island ng mga monkeys. Napapalibutan ng tubig sila kaya no choice sila kundi tumambay lang doon. Alam na namin na chibugan na sa baracks kaya wait namin ulit ang Venga-bus para maihatid kami sa paroroonan.












Back to the headquarters. Pagdating namin ay nagkakainan na ang mga tao(Parang mali, Kumakain na ang mga tao). Pila! Pila dali! Chef! Wala na ang lechon! Ambilis lang maglaho. Anyway, oki pa naman ang foods na naiwan like the kanin, soup, spaketi, fish, pork. Di ko alam ang mga luto so general lang ang discription ko. Tapos for desserts o pang himagas, may gelatin na green at gelatin na white(Ang isa may pineaple tidbits o nata de coco, ung isa may cherry sa ibabaw) at may parang cinnamon roll na apple pie na cream puff. Wala akong larawan sa pagkain sapagkat kalam na sikmura ko. Grabe ang kabusugan ko! Sayang at di ako naka-take-two sa cinnamon.

After ng ilang saglit na pagpapahinga, ay gora na kami sa pool area o oceania. Dito makikita ang slides na apat. Dahil since busog pa ay change attire lang muna, palit shorts lang ako. Tapos nun, lumapit ung taga-asikaso sa resort informing na kung kami daw ay trender ay pede kaming mag get-all-you want sa fishball at squidball area nila. May libreng sorbetes din care off the manong kalembang with ice cream karitela. Wow! Much better than last year! So go at pinatay ang init sa pagkain ng ice cream. Di na ako nag fishballs kasi baka di na ako matunawan at mahirap mag swim-swim kung over sa hangin ang salbabida sa katawan. Okay na ang pool kaso lang medyo madaming dahon dahon. Sana may nets naman para di lahat ng leaves ay babagsak sa pool, medyo makati sa balat. Oks naman ang lapad ng pool at ang lalim ay okay din. Di ko na triny mag slide dahil sa stretchy ko kaya soak at babad nalang sa tubig.





Pagsapit ng 4pm ay nagpasya na kaming magbanlaw at mag-set to go kasi 5pm ang start ng alis ng mga bus. Pagbalik namin sa campo ay may turon na merienda(Mas okay sa pool area). Nagpicture-picturan sa may chess area. Then up we go at sumakay sa bus. May food padin. This time its Jollibee food. Peach mango pie at Jolly hotdog with funchum ata na juice.Nakarating kami sa eastwood bandang 7:30pm at direcho na ako sa bahay upang makapagpahinga matapos ang nakakapagod subalit sulit at enjoy na araw!