Ngayong Sabado de Gloria o Black Saturday, halos walang magawa sa bahay. Matapos ang pasok, umuwi agad ako ng bahay para matulog sandali at tila kinituban na maglalakwatsa ng mga hapon sapagkat bali-balita na back to business na ang mga malls! Wipee! Kumakalat din ang balita na showing na ang Clash of the titans na inaabangan ko kaya kelangan makapuslit ng tulog. After 3 hours ng pahinga, nakatanggap ako ng mensahe sa aking cellphone na manonood nga ng sine! Shout for joy dahil tagal na din ako di nakanood ng sine. Aun! Gora na ako sa eastwood at mineet ang mga friendsters!
According sa sources, 3pm daw ang movie sa Eastwood mall kaya around 2:30, go na kami at baka may reserved seating ek-ek paduday pa! Ayun na nga, may reserved cheberlin pa daw at tila halos lahat ng madlang pips ay nagtungo din sa cinema house upang manood ng pelikula matapos ang dalawang araw na walang matinong mapanood sa telebisyon kasi semana santa. Lipat bahay kami sa kabilang side ng eastwood at tiningnan ang next na show, 3:50pm, aun! sakto naman at nakapamili pa kami ng seats kaya wait lang kami ng mga around 20-30 mins. sa labas habang minamasdan din ang mga lumang larawan ng mga hall of famers ng eastwood.
Dumating na ang tinakdang oras at nagkukumpulang parang langgam sa pila ang mga tao para makapasok sa loob. Oks na! Nakapwesto na kami habang nanonood ng mga coming soon at next attraction na mga movies. Tila antagal ah. pakingshet... Parang nadredrein na ung chinarge kong 3 oras na tulog! After like 35 lightyears ay umusad na nga ang palabas. With Matching pakita ng pinagmulan ng bida. Ang batang nasa kahon na inaanod sa tubig!
Tumakbo ang istorya kay Perceus na isang demigod o half blood na kinupkop ng isang mandaragat. Lumaki sa dagat hanggang nasaksihan nila ang rebelyon ng mga tao sa mga Greek Gods. (Ang alam ko greek gods kasi ang mga name ng gods ay sila zues, Roman gods pag tawag sa gods ay Jupiter, Pluto, etc). Tila miyembro ng oposisyon ang mga tao na sinisira ang image ng god na si Zeus! Aun! After mapabagsak ang rebulto, gumanti ang underground king na si Hades at lumusob ang mga kurimaws at dinedbol ang soldiers! Nadamay ang bangka ng pamilya ni percy(pinaikli) at dedbol din kahit todo eport sa paninisid si bida.
Napadpad ang istorya sa Olympus at inudyukan ni Hades si Zeus na turuan ng lecsyon ang mga walang repect na mga humans. May i suggest si Hades na ilabas ang Kraken o ang monster na kanyang alaga. Ewan ba at nauto si Lightning God Zeus.
Jump sa palace at andun nga ang King and Queen ng mga humans at nagcecelebrate na ewan tapos sabay pang-iinsulto ng queen dahil ang anak nia daw ay mas maganda pa kay Athena(di ko sure kung tama ang pangalan). Aun! Lumusob si Hades sa palasyo at pinatander ang queen sabay nagbanta na isakripisyo ang princess o tiyak na kapahamakan. Dito din nalaman sa kwento na demigod nga si Percy. Nalaman ang wento kung pano sya isinalang sa mundong ito sa tulong ng babaeng di tumatanda(di ko alam name).
Lusob si percy kasama ang ibang soldier boys ng palasyo para pigilan ang kraken. jumoin din sa laban ang dalawang hunter. Sa journey, pupunta sila sa witchy place upang malaman ang makakatalo sa kalaban nila. Aun at nag-journey na sila. Di nila alam na sa kabilang ibayo ay nagbigay ng powers si Hades sa ex-king sa human world na tinorotot ni Zeus kaya bitterness ang drama at inudyukan na patayin si percy. Nag clash ang kalaban at ang mga bida. Deds at bumagsak sa kamay ng mga gigantic scorps ang ibang kasamahan. Nailigtas sila ng mga parang taong tuod.
Jump na tayo para di mahaba ang salaysay. Sa witchy world ay nalaman nila ang makakapatay sa kraken, ito ay ang powers ni Medusa na gawing adik ang makikita nia sa pamamagitan ng paggamit ng bato(joke). May powers na mag petrify si Valentina este medusa. Aun na nga at go na ulit sa paglalakbay sa mga mundo ng yumao kung saan matatagpuan ang lair ng taong ahas. Dun nagkaroon ng todo bakbakan between the skilled soldiers at percy vs. the stone queen. Sad to say, naubos ang lahi ni adan dito dahil tanging si Percy lang ang nakaligtas. Pagkalabas ay bumulaga ang kalaban at napatay ang girlaloo ni Percy(the ageless woman). Nanalo naman si percy kaso deds nga lang ang jowawits nia.
Nag fly with Pegasus(Kabayong may pakpak ng manok este ibon) ang bida kasi malapit na ang total eclipse of the heart kung saan irerelease na nga ang monster. Sa bayan naman, may mala propetang epal ang namuno sa pag-aaklas ng mga tao at gawing alay ang princess. Aun, nalagay nga nila ang dilag sa poste bilang sakripisyo subalit sakto ang pagdating ng bida kahit na hinadlangan pa ng alipores ni hades. Nilabas ng bida ang nasa sako at naging bato ang giant monster. Lumabas si Hades para kalabanin si percy pero sa isang iglap lang, nawala ring lahat at natapos at nabalik sa underworld si hades.
Natapos ang wento sa pagtanggi ni Percy na sumama sa kanyang ama. Ang reward nia lang ay ang tila muling pagkabuhay ng love of his life. The end.
Kung susumahin ko, eto ang aking mga makukumento sa nasabing palabas. Medyo bitin kasi 2 hours lang ata ang takbo ng istorya. Di ko nasulit ang pera. ahahaha. Pangalawa, okay naman sa graphics at technology na ginamit sa effects at sounds. Oks na oks sa akin ung itsura ng mga mangkukulam/ witches at pati si Medusa na animo ay taong ahas talaga! Okay din naman ang pagportray sa mga tauhan, di OA at di naman walang latoy. Oks din sa aking taste(wag gawing literal at di ko kinain ang movie) ang pagsasaad ng istorya pertaining sa history ng mga gods at iba pa. Kaso medyo nakakadismay kasi kung nanood ka ng Percy jackson and the lightning thief, almost same story marahil ay dahil pareho silang Percy at based sa methology ng greeks.
Over-all, kung ako ang tatanungin, nasa 8 ang score ng movie. 8/10 kasi maganda ang flow, effects at story kaso bitin ang ending dahil boom, talo agad kraken, nagpakahirap pa sila tapos halos 5 minutes lang napabalik ni Percy si hades sa underworld. Masasabi ko na sulits naman ang pag-upo sa sinehan at panonood ng pelikulang ito. Kung hindi nga lang single screening eh baka mag round 2 ako.