Monday, April 19, 2010

Dynasty Dynamite!



Tugs! Tugs! Tugs! Nobody Nobody But You! Hoy! Pinoy ako! Ispaketing pababa! Shemay! Kaliwat kanan ang campaign jingle dito sa lugar namin. Gatta get get! boom boom boom! Halos lahat na ata ng sumikat na kanta ay ginawan na ng jinambells para sa mga kumakandidatong konsehal, mayor, vice mayor, governor, senator. Pero may napuna ako sa isang boombastic sounds na ipinapatugtog sa tapat ng bahay namin. May nagngangalang Ricky Eusebio ang tumatakbo bilang konsehal.

Watapak? Isa nanamang Eusebio ang tumatakbo at naghahangad na maglingkod DAW sa bayan. Huwat?! Ano ba itow! Noong bata pa ako around 10 years old ata noon ay si Enteng Eusebio ang mayor dito sa pasig. after 6 years ata noon ay ung may bahay nia naman ang tumakbo. Soledad Eusebio  nag-mayor. Den ang anakish nia ay tumakbong Konsehal. After ng term ni ng mother bear ay tumakbo naman sa pagka-mayor ang baby bear na si Bobby Eusebio at nanalo laban kay dudut jaworski. At ngayong naman ang tila kapatid ni Bobby ay as konsehal na. Kung magreretire na ba sa mayoral slot si bobby ay nakikinita ko na si Ricky naman ang susunod.

Dynasty! Usong-uso dito sa politika sa pilipinas. Halos kahit saang lugar may ganto. Pagkatapos ng Lalaki, ang asawa. Matapos ang asawa, mga anak naman. Kulang nalang pati apo sa tuhod ay tumakbo na din kaagad sa politika. Isama na din nila ang mga inday at boy nila sa bahay! Better yet isama nila pets nila.

Ganto din ang nagyayari sa mas matataas na posisyon like senators. Pansinin ang commercial sa tv. OPO! Panahun pa ng tatay ko! Paking shet! So gusto nio kayo nalang?! Sige! Sila na! Lagi nalang sila ang maglilingkod sa bayan? Papa bear, mama bear, baby  bear, another baby bear, cousin bear at pati na teddy bear tatakbo at maglilingkod!

Sa aking obserbasyon, tila ginagamit nalang ang pagsisilbi sa bayan upang lumaki ang kaban ng yaman nila. Pagsisilbi ng mga walang silbi. Kung totoosin, may nagagawa naman sila kaso over na! ooooooover! char! Subra na sila sa pagseservice, kumbaga sa pagsasaing e halos tutong na kasi naubos na ang sustansya. Kung paaabutin pa sa 5th or 6th generation ang uupo sa pwesto, so super duper mega to the 8th power raised to 9 multiply by 68 na ang makukuha nilang power at yaman sa mamamayan.

Hay nakow! Mga naganid sa kapangyarihan. dapat ay inillagay sila sa kulungan ng mga buwaya. O kaya sa kulungan ng mga vultures!