Friday, April 23, 2010

Jejemons: Jeje Monsters

Jejesaur, Aih ch0oze yh0H!

Juice ko pong pineapple! Laganap na kahit saan ang salitang jejemons! Kaliwat kanan, sila'y nandyan.... lalalalalal.....Lalalalala....... Noong unang panahon, panahon pa ng hapon, wala pang jejemon sabi ng nanay! lalalalala.......Lalalalala....

Nagsulputan ang mga jejemons sa kasagsagan ng mga social networking sites tulad daw ng multiply, my space, friendster and now facebook. Sila ay umusbong din sa paglaganap ng cellphone sa ating bayan. Jejemons ang tawag sa mga tao na iba o out of this world kung paano mag type ng mga letra. Kadalasan sila ay makikita samga text clan o kaya sa mga online games.

Lately ko lang naencounter ang word na jejemon pero talaga namang sasakit ang ulo mo sa pag-iisip kung ano ang tinatype nila sa websites o sa text. Ngayong tila nawawala na ang pagkahumaling ng mga tao sa emo, jejemons ang bagong kinababanasan ng bayan.

Nakakita ako ng mga groups against jejemons sa web.



Pero meron palang sariling blogsites ang jejemons. The Jejemon blog:


Ang nakakatwa ay may types of jejemons pa!


Nagsearch pa ako at ganito pala ang pamamaraan ng mga jejemons.

Pag-applicant ang jejemon, eto ang makikita sa resume.


Pero sa aking pananaw, ang pagiging jejemon ay trip-trip lang. Its just a way of a person para mag-stand-out in their jeje-way.