Nagtotopak ang Samsung usb connector ko kaya di ko matransfer ang mga larawan na aking kinuhaan kahapon ng nagkaroon kami ng summer outing sa Cavite(Island Cove na dating Covelandia at Cove island). Habang aking sinusubukang mag-uninstall at reinstall ng samsung drivers at installer, nais ko lang iblog ang napansin ko sa swimming pools.
For Girls, pede mag-tshirt. Sa lalaki- Cannot be!
Unfair! unfair! Bakit may ganitong patakaran pa? Shet! So pakingshet! Gusto kong lumarga sa tubig at magbabad. Nais kong magpalibot-libot at mag-akyat panaog sa slides pero hindi maaari. Kelangang nasa tubig lang kasi im tshirtless! Kung ang mga girls nga na di maganda ang physique at shy na lumangoy e pedeng magtshirt, dapat sa lalaki ganun din!
Sino ba ang hinayupak na nagsabatas ng ganitong rules sa pools?! nakakainis! panira ng trip! bad trip! Grabe ang discriminasyon! Welga! Welga! Welga ako!
Sa mundo natin ngayon, halos lahat ay binabase sa ganda ng hitsura at ganda sa paningin. So kung ganun din lang, edi sana ang may maganda ang body, may abs at no flabs lang ang dapat t-shirtless at dun sa mga anorexic at obese ay pede mag t-shirt sa pool!
Nag-search ako kung bakit kelangan tshirtless sa pools, karamihan for cleanliness part. Tila washing machine ang mangyayari sa pool kung halos lahat naka-tshirt. Isipin na lang na mangungutim ang tubig pag naka-tshirt ang mga tao.
Siguro ay over-conscious ako at kinahihiya ang katawan ko kaya grabe ang reaction ko about sa pagt-t-shirt sa pool. Ang magagawa ko nalang ay mag-change at magpapayat at tanggalin ang stretchmark na sumulpot sa aking katawan.