Monday, April 12, 2010

Mega People!



Sa tagal ko nang tumatambay sa Megamall ay madami na akong nakitang mga tao sa mall na iyon. Madaming klaseng mga tao ang makikita at mapapansin . Eto ang aking listahan ng mga madlang people na matatanaw ng iyong mata.

1. Katursi- Eto ang mga lovebirds na makikita sa mall na kakalat-kalat o naglalambuchingan sa iba-ibang place sa mall. Bakit ko silang natawag na katursi? Kasi sila ung madalas na menor de edad o mga batang may asawa na. Kadalasan sila ung mga maagang nangati sa buhay at ginagamit ang mall para bumawi sa time na dapat ginamit nila sa pagiging single. Madalas din ay ang mga katursi pips ay may karga-kargang munting anghel sa paglibot sa mall.

2. Goth/emo- Eto ang mga grupong dating madalas sa may ice skating area ng megamall. Sila ung mga taong todo effort sa pagporma. Mostly naka-skinny jeans o colored jeans with matching black accessories. Madalas din na napagkakamalang mga trasher at miyembro ng kulto. Sila ay ung mga may highlights sa buhok at kung ano-anong anik-anik. Kadalasan sila ung mahilig mag eyeball sa mall.

3. Loner soul- Eto ung mga solowista na naglipana sa mall. Aaminin ko na ako ay nabibilang sa ganitong category. Ang mga loner soul ay kadalasang naghohop from one store to another na kanilang trip tingnan. Ang nasa type na loner soul ay madalas lamang mag-stay sa mall ng mga ilang oras.

4. Leech- Sila ung mga taong halos nasa category ng loner soul kaya nga lang iba ang gawain ng mga leech people. Sila ang kabaligtaran ng loner in terms of staying sa mall. Ang leech ay kayang magtagal sa mall ng mahigit sa 6 na oras. Ang pinaka matinding aim ng mga leech ay tumambay sa cafe sa mall na may wifi. Sila ang tipong bibili ng isang maliit na kape sa starbucks tapos uupo sa isang sulok. Ilalabas nila ang kanilang netbook at voala; uubusin na ang oras sa paggamit ng free internet connection.

5. Oldie goodie- Ang mga taong mahilig mag-shopping. Kaya tinawag sila na oldie goodie sapagkat sila ay may edad na pero todo padin ang energy para mag shop. Sila ang mga persons na may nakadikit na credit card sa kanilang balat na tila anlaki ng mga limits. Kung magshopping ang mga taong ito ay tila wala ng bukas. Grabe silang makadampot ng mga bagay-bagay sa stores at kung makikita mo silang naglalakad ay halos di na sila makakilos sa dami ng bitbit.

6. Pussy Cat at Super Junior- Sila ang mga grupo ng kabataan na kumpol-kumpol sa mall. Sila ung mga group of girls o group of boys  na makikitang nagkwekwentuhan sa mga fast food o sa sinehan. Madalas ay all girls o all boys ang mga ito. Ang age nila ay madalas nasa 10-15 o kaya naman ay 18-25.

7. Indie boy at Indie girl- Hindi sila mga indians. Hindi rin sila independent boys at girls. Kaya tinawag na indie kasi sila ay mga housemaids at houseboys na nagdadate sa mall. Kadalasang makikita ang dalawang ito tuwing linggo sapagkat day-off nila. Madalas ay tinatawag din silang inday at dudung. Mga besayang nagpapaswet sa esat-esa. Paboritong kainan ay jalibi o fastfood.

8. The Peppercorns- Sila ang mga paminta. Pa-Men..... Ang mga todo ayos at todo epport na maging straight. Malalaman mo ang mga pepercorns sapagkat sila ay in two's kung gumala. Akala mo buddy-buddy lamang na nag-eenjoy sa mall pero maya-maya ay bigla nalang naghoholding hands o kaya nagjhaharutan. Sa unang tingin akala mo ay tuwid na tuwid subalit pusong mamon.

9. The Gourmet hunter- Ang mga taong kakaiba ang panlasa. Sila ang mga may kaya sa buhay na mahilig mag food trip sa mga restaurant sa malls. Kadalasang makikitang nakapila sa mga eat-all-you-can na resto o kaya naman ay nasa loob ng bagong food resto na di pa gaanong kinakainan.

10. The Patient X- Imbes na sa mga medical city o ibang hospital, sila ung mga taong may sakit na e tila gusto pang manghawa ng iba sapagkat sa mall ang takbo. Mas nais nilang magamot sa mga clinics at mall hospital imbes na kumonsulta nalang sa talagang pagamutan.

11. Petrang K- Ang mga 3rd sex people na nais din mamasyal sa mall. Ibang iba sila sa mga peppercorns dahil sila ung todo cross-dress o nakasuot ng pambabaeng outfit. Ang kakaiba nga lang sa kanila ay totally kahawig nila si Diego ng bubble gang o kaya sim payat ni vice ganda ngunit tadtad ng pimple at makapal ang nguso.

12. Hunk and Babes- Ang mga taong biniyayaan ng napakagandang mga mukha at magandang katawan. Eto ang tinatawag sa pilipinas na perfect beauty at perfect match. Gwapo sil lalake at maganda si babae. Parehong maganda ang pangangatawan at aakalain mo na celebrity o half-breed o may lahing banyaga.

13. The Art lover- Ang mga taong ito ay makikita lamang sa iisang palapag ng megamall, ang 4th floor. Sila ung nag-aapreciate ng mga art works at art galleries. Wala na silang gaanong ginagawa kundi maglakad na animo ay pagong at inoobserbahan ang mga paintings.

14. Tim at Tessa- Hango kay Tim Yap at Tessa Prieto-Valdez.  Sila ang mga tao na gagala-gala sa megamall with unique at kakaiba o out-of-this-world na pananamit. Kadalasan ay talagang agaw eksena ang kanilang kasuotan na ang mga taong makikita nila ay mababali ang leeg kakatingin uli sa wirdo nilang kasuotan.

15. Game masters- Sila ang mga tambay sa ground floor ng megamall. Sila ang suki ng Tom's world, world os fun at timezone. Laging bumibili ng token o cards upang makalaro ng arcades tulad ng Tekken, Street fighter at iba pa.

16. Dancers and Singers- Halos part ng game masters subalit imbes na gugulin ang oras sa arcades at mga gun shows, sila ang tambay ng videoke machine at mega sing to death o kaya naman ay adiktus sa dance revo at para-para dance.
17. Topology- Ito ang kakaibang grupo sa megamall. Mapapansin sila na todo effort sa pakikinig sa isang tao. Eto din ay ang network group kung saan tinuturuan sila kung pano yumaman sa pagnenetwork. Madalas ang grupong ito ay parte ng UNO networking.

18. Megaphone- eto ang ang taong napakalakas ng boses! Sila ang mga nakalunok ng mikropono at speaker. Grabe kung makipagkwentuhan sa kasama. Malalaman mo ang mga pangalan ng friends nia o kaya ano ang ginawa nila sapagkat rinig hanggang kabilang kanto ang boses.

19. Techno pips- Ang mahilig sa technology. Sila ang tambay ng cyberzone sa 4th floor. Palipat lipat from one store to another upang tumingin ng cellphones o kaya naman ay laptop computers.


20. The Clan- Sila ay ang buong batalyon kung pumunta sa mall. Kasama sa paglakwatsa sila lolo, lola, nanay, tatay, kuya, ate, bunso, baby, tito, tita at pinsan. Sila ang kayang pumuno ng tatlong lamesa kapag kakain sa mga foodchains.

Sila ang bumubuo sa mga libong tumatambay sa megamall. Alamin kung saan ka nabibilang.