Sunday, September 19, 2010

Survivor Nicaragua


Wala ako sa mood kahapon na maglakwatsa sapagkat kahit sunday kinabukasan ay may pasok ako. Instead na maglamyerda ako at magpakalat-kalat sa megamall o tumambay sa boostore upang magbasa ng mga libro ay diretso sa bahay na lamang ako.

Same routine padin at todo effort ako sa pagtapos ng mga quest sa Dragonica at nagpupumilit magpalevel kahit mahirap. After 3 hours ng non-stop playing ay tinamad na ako. Nagvend nalang ako at nagtinda ng mga items sa game at sabay binuksan ko nalang ang telebisyon upang magpalipat-lipat ng channel para maaliw naman. Saktong sakto dahil pagkalipat ko ng channel ay napunta ako sa first episode ng aking pinaka-sasabikang show, ang Survivor.

Ang setting ng new survivor ay sa Nicaragua. Di ko alam kung saang kontinente iyon pero wala na akong pakialam basta may mapapanood na ako at aabangan every week. Hindi ko masyadong napaumpisahan kaya di ko alam ang mga names ng mga cast-away members. Pero ang inabutan ko ay tila divided na sa dalawang kung saan nagkaroon ng pilian. After ng hatian, inanounce na may hidden medallion na kailangang hanapin. After mahanap, may shocking revelation.....

Ang twist sa unang part ng game ay ang grupo ay divided between the younger people versus the oldies. Patay kang bata ka. Ang mga may sigla at may powers ng youth ay haharap sa challenges at makakatunggali ang mga tila magulang at grannies nila. Not bad for a twist.


Sa first episode, Natalo sa immunity challenge ang mga oldies. Ibig sabihin, isang gurangger-z ang mapapatalsik. Nagkaroon ng pagpupulong ang majority ng tao at ang decisyon nila ay tanggalin ang weakest link. Ang choices nila ay ung dating coach ng basketball na di ko matandaan ang name o ung girl na pastol ng mga kambing. Undecided pa talaga sana ang mga pips kaso naging unison ang desisyon nila kung sino ang tatanggalin dahil sa isang eksena. Ang eksena ay ang pagiging madakdak nung Babae. Paano ba naman ay tapos na ang interview session ng nag-butt-in sya at nakiusap sa host na may last words pa. Mega define pa sya ng matutulong nia sa camp at nagbuhat ng sariling bangko. Ayun, in the end, sya ang tsugi.

Anyways, para di naman masyadong boring ang post na ito ay heto ang mga larawan ng isang cast-away na may lahing asian ata. Ang pangalan ng girl ay Brenda Lowe. (mga larawan ay nakuha sa isang forums)


12 comments:

  1. gusto kong sumali dyan sa survivor na yan at tumira habambuhay sa isla kung ganyan kagaganda ang makakasama ko!

    hays nanlambot tuhod ko dun

    Ingat

    ReplyDelete
  2. @drake, tapos kayo ung final 2. swerte..... kayong dalawa lang sa isla.

    ReplyDelete
  3. ayun mahilig ka din pala manuod ng survivor..hehehe..gaganda naman nung mga castaways nayan...^_^

    ReplyDelete
  4. Grabe meron pa rin neto... pang ilang season na to? Huli kong napanood is yung Survivor: All Stars eh. Hahaha.

    ReplyDelete
  5. San ba to pinalalabas ngayon? sa cable tv?

    Whee! ang ganda ni Brenda Lowe XD

    ReplyDelete
  6. @enteng, konti lang hot, ung iba kasi matanda na tapos sa mga youngs ung mga boys. si brenda lang ata hot, ewan ko lang.

    @robbie,season 21 na to. Grabe, survivor all stars ay ang season 8. woot.... andami ko din na namiss na seasons, simula ng mawala ang survivor sa studio 23. :D

    ReplyDelete
  7. @fiel-kun- sabi ng sa mga forums, jack tv. sa rpn-9 lang ako nakapanood, ung replay every sat.

    ReplyDelete
  8. mahal ko na si brenda lowe. ahahaha. so sexy

    ReplyDelete
  9. @kikilabotz- so sexy nga, nalaglag-mata ko sa mga pics.

    ReplyDelete
  10. i think she's asian nga, kala ko nung una latina beauty eh.

    im a survivor fan too. favorite ko yung All-Star edition, sana lang di sina amber and Rob yung winners.

    ReplyDelete
  11. @chyng, malupit lang magstrategy ung mag-jowa kaya sila ang nanalo.

    ReplyDelete
  12. huwaw. ang ganda. ang sarap..

    sang sarap sumali jan :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???