Thursday, December 30, 2010

Evolution for 2011

Normal na araw lang sana ngayon pero di ko inaasahan na may something na mangyayari. Galing ako ng restday kaya first day of the week ko ang wednesday. Kalmado ang araw ko pero na shock ako sa nakita ng 2 eyes ko. Sapul ako ng dalawang ligaw na bala. joke. Dalawang pics ang na-sight ng mata ko. ow-no!

Old pictures!! Grabe sa memory. 



Ang una ay pic with my HS friends at ang pangalawa ay sa old team ko sa opisina. Grabe ang naging evolution ko. From the skinny patpatin bata-batuta ay naging tall at chubby-chubbihan ako. 

Para makita nio ang evolution, heto ang changes....

Ang larawan sa taas ay noong nasa 3rd year high ako. year 2001 (Blue cap)

Eto naman yung nag-college ako(4th guy from left)

3rd year College!

Bago ako matanggap sa work

Summer 2009 (left most)

2010
 
Grabe ang binochog ko with the span of almost 10 years. Ayoko naman na mas lumobo pa me sa 2011 kaya kailangang matigil na ang ebolusyon. I need to be fit again. 

Para sa 2011, heto ang aking plano na dapat manalo para ako ay maging maskulado (pumayat lang, ayos na).

1. Itigil na ang sup!!! No more supdrinks!! Kailangang iwasan na ang Sarsi at ang Coke. Kailangangang mag water therapy mode!

2. Magbalik sa slimming coffee! Dahil sa pagpapabunot ko ng ipin last October, umiwas ako sa hot drinks. Aun, nakalimutan ko na yung slimming coffee ko.

3. Tigilan ang 5 rice meals per day!! Over na ako sa kanin. Bawal na sa eat-all-you-kanin! Bawasan ang rice in take.

4. No more sweetstuff! Iwasan muna ang matatamis. Paalam muna sa coffee sessions sa SB. Bawal na mag-choknat. Bawal na ang flattops at curlytops. 

5. Welcome Vegeta... hello na sa vegetables. Gulay mode dapat at less pork.

6. Lessen fries and pizza... Shemay.... pano na pag may pakain sa opis... Mind over matter.

7. Walkathon. Since new sched na next year at baka 9pm-6am or 10pm-7am ang sked ko, dili na muna ako sasakay pauwi. Lakad mode mula Ortigas pauwi sa bahay namin. Kailangang tumaktak ang pawis.

Hopefully ay magawa ko ang isinaad ko dito. Gusto ko ng bumalik sa dati kong figure. :p

11 comments:

  1. ako pag nakikita ko old pictures ko naiiyak ako, feeling ko nung time nayun ang jubis jubis ko. But NOOOOOOOOOOO, mas jumubis pa pala ako. Hayret!

    ReplyDelete
  2. Ngayong bagong taon subukan mong kumain ng talaba, ice cream at bicol express. Ngayon kapag nagtae ka na sa loob ng isang linggo! express papayat na!hehehe!

    Happy new year brod

    ReplyDelete
  3. mas like ko yung chubby ka ayieeeeee.. sobrang huggable mo kase eh.. ang kyut kyut kyut mo lang.. hihihihi..

    ReplyDelete
  4. Nakakainis no? Ako din tumaba ng sobra since high school. Eh nakakatamad pa naman mag-exercise. Grrr.

    ReplyDelete
  5. a ang kulit naman.. ganun yata pag tumatanda na eh ehehhe.. :D
    exercise lang yan,,, tara gym tayo :D

    ReplyDelete
  6. Try mo din iyong ginagawa ko, twice lang kumakain sa isang araw, isang brunch saka isang before 6, tapos 1 cup rice lang. Ahihihihi..

    ReplyDelete
  7. @jepoy, ganyan na din nafefeel ko.

    @drake, ahaha, dayareya method. :p

    @kazumi, hirap din pag chubby. back to slim na dapat. :D

    ReplyDelete
  8. @robbie, sinabi mo pa!

    @axl, sige gym mode :D

    @michael, wow, less rice mode ka pala

    ReplyDelete
  9. nakakainggit ka.. hehe.. kaya mo yan gelo susuportahan kita, suportahan mo din ako sa gain weight.. :P

    ReplyDelete
  10. @whattaqueso, sige, gain weight sayo.

    ReplyDelete
  11. sana sumama ka na kahit isang fun run lang this year~

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???