Friday, December 17, 2010

Pantasya 4.5: Are you in or Out?

Ang nakaraan sa Pantasya serye:  Lihim Episode

Inanunsyo muna ang isang balita. Binanggit sa mga castaways na may namumuong war between the north korea at south korea. Nais malaman ng mga crew kung nais pa bang ipagpatuloy ni Kim Sam Soon ang laban towards the millions and fame. 

Sabay nag-speech ang dabiyanang koreana.


Kim Sam Soon:'Annhiyonghi kasayo!... ku-p'haiyo....Gomapseumnida.... Joesonghamnida.'

Napatulala nalang ang natitirang international players. Napaluha si Chan Cai at  napahagulgol si Marimar Aw.  

Samantala, si Onizuka naman ay nagpumilit magsalita ng korean na binase nia lamang sa mga napanood na kpop drama sa tv.

Onizuka: 'Sam Soon, Anghiyong....omma-oppa... ommamuhtay kena.... pohtaena!'

Umalis ang bangka lulan ang jumbo girl. Bago pa makapagsalita ang iba sa mga natitirang castaways, may binanggit na balita ang host sa isa pang international cast-aways. Heto ang naging usapan ng dalawa:


Host: 'Marimar, may good news at bad news ako sa iyo.'
Marimar aw: 'Ano iyon. Unahin mo yung good news'.
Host: 'Ang good news, napawalang bisa ang kaso ni Angelika laban kay Hayden Kho. Umuwing luhaan ang umapi sa iyo.'
Marimar aw: 'Talaga?!! Serves her right. Teka, ano naman ang bad news?'
Host: 'Ang bad news, ang bowa mong si Sergio.... Sergia na... Ang Aso mong si pulgoso, pulgosa na. with her papabols... at ang pamana sa iyo ng iyong richie-rich na pudrakels ay naubos kakataya ng 6/45 lotto. Magirap na you!
Marimar aw: 'No! This cant be! I quit! Kailangang mabawi ang Yaman ni Lola este yaman ni Papa.'


Dalawa nalang ang naiwan sa International. Pero desidido si Chan Cai at Onizuka na mag-gogogo at di sila mag gogo-home.

Bago i-continue ang challenges, may isa pang inanunsyo at twist ang binunyag ng host:

Host: 'Para sa season na ito, magkakaroon ng dalawang survivor swap. May isang cast-away ang ipapadala sa survivor czechoslovakia at ang isang survivor czekoslovakia ay ipapadala dito. At wala na kayong magagawa kundi i-accept ang twist! wakekeke'

Nawindang ang mga players. Natakot ang lahat at nagdasal na hindi sila ang ipadala sa ibang survivor place.

Host: 'Ang napili ay walang iba kundi si.......... TRUDIIIIIIIIIIIIS!!'
Trudis: 'Andyan na po!!!!'
Host: 'Ipapadala ka sa czechoslovakia at ang iyong replacement ay padating na.!

Mula sa kalangitan, nahulog ang isang batang babae na kahawig ng batang chimay. Pero ang pinagkaibahan ay ang damit.

Host: 'Guys, Ang ka-swap ni Trudis......si JILLIAN!!!!'
Jillian: 'Namamasko powwww!'


Na-culture shock ang remaining players pero wala na silang pake sa umalis dahil mas nagtatagal na sila sa isla noah. :p

Itutuloy.......

Ps: Ang mga larawang ginamit ay nagoogle lang.

2 comments:

  1. Takte! now ko lang nabasa to pambihira! hahahahaha...

    Updated sa lahat ng pangyayari exept kay marimar AW! LOL

    More!! more!!

    ReplyDelete
  2. Oi poldo, thanks sa pagtangkilik ng aking serye. :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???