Monday, December 12, 2011

The Scared Cat

Hello! Lunes na! Sa mga taong nagwowork... malamang sa alamang ay back to work na kayo laters. Para sa akin. Parang ganun na din kasi parang tapos na din ang aking restday. ahahaha. Ewan ko. Pag panggabi ata talaga ang iskedyul mo parang ambilis ng restday. Parang sang araw lang tapos poof... work ulit. Kaasar ceasar!

Well anyway... for today, mag momovie review naman me. Review-reviewhan lang kasi di naman ako propesyunal na nagrereview ng peliks. Kumbaga.... wala lungs. ahaha. 

Hilig ko ang horror na genre ng peliks kaya for today.... horror tayo. At since knows ko naman na majority ng napapasulyap-sulyap sa blog na ito ay walang hilig sa horror films kaya naman imbes na paghiwalayin ko ng post, pinagsama ko na lang.


1. The Cat (Korean Movie)

Ito ay peliks mula sa bansang kimchi at lugar na maririnig mo ang mga katagang Aneong Haseo. :p Ang peliks ay tungkol sa isang babaeng nagtratrabaho sa isang grooming shop para sa mga petty-pets... syempre may cats kaya nga ganun ang titulo ng peliks e.

Okay, so anyare ay si girl nga ay groomer ng pussy. Then.... yung pussy na grinoom nia ay kinuha na ng may-ari then natigoks si owner. Tapos nagstart ng ang mga kababalaghans kasi nakakakita sya ng bata-batutang mumu. Ayun... One by one (hindi po picture) ay may natitigoks ng dahil sa pussy. tsk tsk.

Iskor..... bigyan ko na lungs ng 7. Medyo may gulat factor.... pero ewan ko.... so-so lang sa akin. Siguro kasi di masyadong gore. wahahaha. Walang masyadong blood talsik-talsik. Pero Inpernes, okay yung ibang part ng pagrevenge ng mga pussy... hahaha. Nakornihan lang me ng slight sa motibo ng mga pusakals. 


2. Scared (Thai Movie)

Dumako naman tayo sa bansang madidinig mo ang mga katagang Sawadeekap. Ang peliks ay about sa grupo ng mga estudyanteng nagkaroon ng field trip/ excursion (tama ba ispel?). 

Anyare? So mga eklaterong mga students na tumuloy pa din sa pagpunta sa place na target nila pero ipinagbawals. Ayun... Yung bus na sinasakyan, nahulog sa bridge. Tapos one by one.... namatay ang mga studyante... meeting death in different methods. Tapos di pa nagtatapos ang tapos. hahah. Kasi ang mga survivors ay isa isang namamatay at pinapatay ng unknown killer.

Iskor? Syemps mataas..... 8. Basta madugo at talsik-dugo mataas. hahaha. Akala ko nung una parang final destination pero hindi pala. Tapos naaliw ako sa mga pagkamatay ng mga istudents. As for the twist ng wento.... hmmm.. ngek. ewan ko, parang di suited yung naging explanasyon sa dulo. Like.... seriously???? Like..... Oh...come on?!!

O cia, hanggang dito na lang muna. TC.... Have a great monday all!

9 comments:

  1. haha parang maganda yung the pussy. lol gaganda ng mga koreana di bagay sa horror pang x rated parang mga haponesa.haha

    ReplyDelete
  2. Kung naghahanap ka ng gore, eto ang panoorin mo, lalo na yung sequel. Pati ang review nakakasuka. hahaha.

    http://rencelee.blogspot.com/2011/12/gory-movie-human-centipede-1-and-2.html

    ReplyDelete
  3. naku madugong kwento naman etech khanto boy.. pero ayos lang.. :)

    ReplyDelete
  4. aneong haseo madalas ko yang marinig sa kaibigan kong nagtratrabaho sa korean company.

    ReplyDelete
  5. LOL whatever...horror eh..ibalik ang love story, ibalik ang love story..LOL

    ReplyDelete
  6. Ito hindi horror. Hindi rin gore. Award ito.

    http://rencelee.blogspot.com/2011/12/one-lovely-blog-award.html

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???