Hello! Kamusta naman ang inyong weekends? So far so-good ba? Hopefully ay enjoy kayo sa inyong mga bagay-bagay na pinag-gagagawa.
Wala akong maisip na isulat for today. Under construction pa kasi yung entry ko kay Gasoline Dude kaya naman random post today. Saka pinag-iisipan ko pa kung ipopost ko yung rants ko na naka-password protect or hindi. lols.
1. Medyo busy me sa work. Oo. Busy. Kahit nakakapagpost pa ako araw-araw, busy na ako. Di ako nagcacalls pansamantala pero medyo may trinatrabaho. Basta. Magulo.
2. Di ko maisingit ang pagtapos ng binabasa kong book. Dati kahit nasa work at may calls at nagreremote ako ng mga pc e nagagawan ko ng lusot ang pagbabasa. Ngayon, since pagbabasang forums ang trinatrabaho ko, ayun.... walang time to finish my book. 65 chapters.... nasa 4th chapter palang ako... e 1 week ng nasa bag ko yung book.
3. Di pa ako makapag-decide kung aattend ng isang event or hindi. Umiiral nanaman ang kaba at low esteem at hiya. hahhahaha.
4. Kelangan ko ng magpapayat. Yung college friend ko na pinakamalaki sa grupo namin... sya na ang payat.. huhuhuhuh. Makakaya ko kaya na mag-no rice sa tanghali at hapunan? Kaya ko kaya mag fish e bawal sa akin isda? Kaya ko kayang mag-water therapy kahit love ko ang sodas and ice tea.... kelangan ng matinding focus..... Sa January na lang ako start.
5. Naghahanap ako kahapon ng items na pedeng i-wish list para sa exchange gift.... at ang kinalabasan...... Puro title ng books ang nasa listahan ko... grrrr. Andaming books na trip ko kaso may kamahalan.
6. Sana umulan ng pera.
7. Ang mahal pala ng Novu Hair.... 3k. Taenang yan! Pano ko pakakapalin ang thin hair ko. Kaasar cesar. May bumibili ba ng body fats per kilo?
8. Natatambakan na pala ako ng peliks. Andami kong asian films na di ko pa mapanood dahil sa kakulangan ng restday at time. Last week kasi 1 day lang restday ko tapos ngayon... magmamarathon ako ng korean series.
9. Nagbabalak-balak na akong mag-resign. ahahahaha. Di ko alam kung pinapairal ko nanaman ang ka-emohan. Grabe.... Nung may mabalitaan ako parang gusto ko ng lumipat. (sa password protected post ko na lang iwewento).
10. Sana pedeng matulog na nanonood ng tv na nagbloblog na nakakapaglakwatsa! Kelangan ko ng tulog.
O cia, hanggang ditto na lang ang waleng wenta kong random post. Pasensya na sa pagsayang ng oras niows.
sana matupad ang 6. hahahaha
ReplyDeletesa sampung items na iyan, naka-identify ako ng 11.
ReplyDeleteumattend ka ng SBA hehehe
ReplyDeletesana nga matupad yung number 6 hehehe anyway..tamabak din ang mga books na dapat kong basahin at dapat panuoring mga korean movies hehehe
ReplyDeleteGood vibes lang naman... Congrats nominado ka dun sa blog ni Empi. TABA daw. hehehehe
ReplyDeletepangarap ko ring umulan ng pera kahit isang oras man lang. Lagi kasing umuulan dito sa Cebu.
ReplyDeletenumber 6 ftw! hehe. kung kelangan mong mag-vent out, sige lang. ako nga o, banas na banas na. lol!
ReplyDeletehirap nga magisip ng para sa exchange gift, bkit no nangyari bkit magreresign, cge swit drims hehe!
ReplyDeletebakit mo kailangan ang Novu hair? malapit ka ng makalbo anoh? hehe!
ReplyDeletepaano kaya magramdon?? makagawa nga minsan.
ReplyDeletebro virgin coco oil lang gamitin mo kasi yung novu 60% content nyan ay VCO.
ReplyDeletesana umulan ng pera.haha
@palakanton, tama!
ReplyDelete@Rence, ano ang 11?
@bino, sige. lols
@superjaid, same here
ReplyDelete@tim, hehehe, salamat kay empi
@nomadic habits, uu, kahit sang oras lang
@L, uu, next time magvevent out ako
ReplyDelete@kaetondrunk... napag-iisipan lang :D
@mommyrazz, parang ganun
@akoni, lols, random.. kahit ano
ReplyDelete@vintot, sige try ko :D