Thursday, December 29, 2011

Hikari Sentai! Maskman!

Double post sa araw na ito? Oo! Kailangan! Kailangan masipag bago matapos ang taon at sa pag-uumpisa ng taon! Walang basagan ng trip! Hehehehe.

For today, travel back in time muna tayo at ang featured thingy ay ang palabas noong kabataan ko.... Ang Maskman!

Eto ang isa sa peborits ko na palabas kasi tagalog. Nahirapan ako noon sa Bioman kasi punyemas kung makapag-inglis! Akala mo nagwowork na ako sa call cenner para magets ang englis ng mga colorful folks!

Ang Maskman ay isa sa popular shows during the circa 90's kasi patok-na patok sa mga chikitings at sa mga feeling chickitings. Imagine, limang teenage folks ang nagkaroon ng ORA (Aura pala ispell) Power at nagtratransform bilang tagapagligtas ng planetang Earth!


Sa Maskman ninyo makikilala ang limang katao nasa ibaba.

1. Red Mask- Michael Joe/Takeru
-Age 23
-Karetista at Formula One Driver
-Masky Blade (Sword/Saber)

 2. Black Mask- Leonard/Kenta
-Age 21
-Kung Fu Expert
-Masky Rod (Nunchucks type)

3. Blue Mask- Adrian/Akira
-Age 16
-Chinese Boxing and Broad sword expert
-Masky Tonfas

4. Yellow Mask- Eloisa/Haruka
-Age 19
-Masky Yoyo/ Kage Bunshin
-Ninja

5. Pink Mask- Mary Rose/Momoko
-Age 19
-Masky Ribbon
-Tai Chi Expert

Heto naman ang mga sandats sa digmaan ng mga Maskman!
Weapons

 Jet Cannon

Shot Bomber

Since knows nio na ang lima at nakita nio na ang kanilang mga sandata (Wag po green minded), ang next na makikitang larawan ay ang kanilang sasakyan at ang kanilang wobots.

Si Redmask di marunong mag-motor!

Storage ng mga sasakyan

Maskman's Robo parts

Mask Robo- Great Five

May episode na nasira/lumubog yung Robot nila. Kaya naman nagkaroon sila ng second wobot.

Land galaxy

Galaxy Robot
Ang robot na nagdarasal :p

Ngaps, Meron ding kakampi ang mga MAskman, syempre yung nagbuo sa kanila at ang pioneer o ang prototype ng maskman na si X-1.

 Commander Sugata

X-1 (Green Mask?)

Syemps, kung may bida, dapat may kontrabidas! Tatakbo ba ang wento kung walang kinakalaban ang limang heroes ng daigdig?


Ang larawan sa itaas ang mga main kontrabids sa palabas. Pinamumunuan ni Puma Leyar Lord Zehba (hindi po kamag-anak ni Zenaida Seva). 

Andito ang mga kalabs na sina Baraba(first pic sa baba) , Fumin(2nd Pic), Oyobur (3rd Pic) at Anagmas(monster like sa pic sa taas). 




Pero syemps, walang tatalo sa famous kontabids tulad ng mga nasa larawan sa ibaba.

Kiros

Igamu

Okerampa
 
Grabs, nakakamiss ang palabas na ito! Sana lang may dvd sa suking piratahan na may complete episodes. Nakakatamad kasi magstream sa youtube gamits ang slow sun broadband e.

O sya, hanggang dito na lang muna! TC folks!

Note: Ang mga larawan ay di ko pagmamay-ari at nakuha lang sa google search :D

8 comments:

  1. Namiss ko ito...umaakyat pa ako sa bintana ng kapitbahay namin makapanood lng ng mask man..lol

    ReplyDelete
  2. hindi ko alam kung eto yung lagi ko napapanuod dati, nalilito kasi ako sa kanila ng mga power rangers..haha

    ReplyDelete
  3. very memorable sakin ang maskman. Honestly, hanggang ngayon, hindi ko arin alam kung paano nila ginagawa yung parang goma, na parang maze sa kamay na nagiging ladder something... miss ko na din yung pag naggchchange costume sila at kita brip ang panty nila. Hehe

    ReplyDelete
  4. tinapos ko to sa youtube hahahaha. :D

    ReplyDelete
  5. @brother bino: mabuti ka pa at napanood mo sa youtube, ako nga hanggang ngayon hindi ko pa rin makita ang complete episode ng hekari maskman at machineman... kamen rider black lang meron. pero ganon pa man sana ibalik sa TV, sana sa TV5 na lang ipalabas. yon lang po...

    ReplyDelete
  6. pa-share naman po ng mga video ng kamen rider black.. :)

    ReplyDelete
  7. for your info guys, si redmask aka micheal joe ay nakapangasawa ng isang kapampangan.. si red mask ay kasalukuyang nasa pilipinas ngayon..

    ReplyDelete
  8. pero seriously sa totoong palabas hindi ko pa sila nakitang sumakay ng kanilang motorcycle. ;))

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???