Friday, December 23, 2011

Wag Lang Di Makaraos!

Porke't mukang bastos ang title ay bastos na agad ang kontent ng blog? Diba ba pwedeng bumobook review nanaman si Khanto?

Oo, book review-reviewhan ito at hindi po ito bastos at rated-PG. Hahahaha. Magpapasko po kaya dapat busilak ang mga puso't damdamin. Lols.

So anyway highway...magpatuloy na tayo sa review-reviewhan.

Kasabay ng pagbili ko last week ng libro ni Bob Ong ay napabili din ako ng isa pang librong may title na 'Wag Lang Di Makaraos'. Catchy yung title pati cover ng design kaya naman binili ko ito. Tapos saka ko natuklasan na ang book ay gawa ng sumalat ng 'Ligo na U, Lapit na Me' na si Eros Atalia.


Ang libro ay hindi isang nobela na kung saan may bida at may kontrabida at may problema at may labing-labing at may kung ano-anong mystery. Ito ay libro na may madaming 1 or 2 pager super short stories na kung ano-ano. 

May mga kategorya ang mga short entries. Heto sa ibaba ang listahan. Chekirawt!

-Kamatayan
-Sa Dako Paroon
-Mga Kwentong Mali
-De Kahong Bilog
-E, Kasi, Bata
-Senior Citizens
-Okasyon
-Trabaho Lang
-Commercial
-Mga Kwentong Di Pambata

Maganda ang content at short stories. Iba yung atake. Iba yung pagkaka-structure (naks. Structure... napulot ko to sa mga blinobloghopan ko. lols). Iba yung ummph at arrrgh. :p

Currently nasa Senior Citizens chapter na ako. Bagal no? E kasi busy-busihan. Medyo may mga trinatrabaho lang. hahahaha :p

Nagustuhan ko yung part ng Sa Dako Paroon kung saan tumatalakay ng philippine kababalaghan characters. Lalo na yung mga kwentong...
-Ng Inaswang ng ibang aswang ang asawang aswang.
-Nagkasakit sa baga ang Kapre.
-Kaaway ng mga anay ang Nuno sa Punso
-Ang tiyanak, sumasideline sa mga horror films
-Bakit kailangang puting-puti at bleached ang damit ng white lady.

Madaming mga short stories ang talagang mahusay. Kahit mga konting paragraphs lang, keri na!

Iskor: 9. Syempre may hit and miss. May so-so stories din at may ilan na parang familiar na naikwento na. Pero syempre iba padin ang book. Nakakaaliw.

Thumbs up para sa new book ni sir Eros! Kudos!

O hanggang dito na lang muna. TC!

17 comments:

  1. ang dami mo'ng libro!!! grabeh! di ko pa tapos ung kay bob ong. try mo ung kay beverly sy na it's a mens world :D

    ReplyDelete
  2. homaygawwwwd!!! na hehexcite ako, sana lang meron na nyan dito.. :(

    ReplyDelete
  3. HOY sa dami ng libro mo magpakontes ka naman..LOL

    ReplyDelete
  4. hehe tama, pacontest naman diyan. Show naman diyan :) Hanga ako sa bilis mo magbasa. :)

    ReplyDelete
  5. AAAhhhhgggrrrrr san ka nakabili nyan boss? :(

    ReplyDelete
  6. Tama sabi ni anak, share your blessings.. GOOOOO

    ReplyDelete
  7. I like the book cover! Hahaha. Babasahin ko to kung may magreregalo sakin. Hehe.

    ReplyDelete
  8. at dahil maganda ang pag rereview mo librong ito. ito na ang libro uunahin ko sa 2012. :) title pa lang hatrakting na

    ReplyDelete
  9. Iregalo mo lang sa akin ito, khanto, wagas na ang pagkagalak ng puso ko. LOL. :D

    ReplyDelete
  10. after mo basahin toh iparaffle mo na samin ha..

    namiss kong magbasa dito, at nag-eenjoy pa din ako magbasa dito. apir!

    Nga pala pre invite kita sa slambook ko ha, just visit nalang here http://heavenknowsmj.blogspot.com/2011/12/slum-book-ni-potpot.html

    merry christmas pre:)

    ReplyDelete
  11. ayos dito ko lang nabasa ang book na ito.magaling

    ReplyDelete
  12. nagiisip ako ng nice book na mabili, ito na lang ang bibilin ko. pwede ka ng endorser! :) merry christmas! :)

    ReplyDelete
  13. @bino, yun ang next na bibilhin ko

    @tabian, sana meron, maganda sya!

    @akoni, sige. hahaha, kaso pang pinas na lugar lang. lols

    ReplyDelete
  14. @rah, minsan mabilis, minsan mabagals

    @monik, bestsellers sa galleria

    @mommyrazz, soon

    ReplyDelete
  15. @robbie, heheheh

    @paps, attracting nga title

    @michael, lols. magpapacontest me.

    ReplyDelete
  16. @jhengpot, salamats

    @DiamondR, hehehehe, thanks

    @Zaizai, endorser. bwahaha, malayo yun.

    ReplyDelete
  17. nabasa ko na ito. galing nga e...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???