Saturday, December 24, 2011

MMFF 2011

Konting oras na lungs ang natitira at sasapit na ang pasko. Ibig sabihin nito mag-nonoche-buena ang mga pips pagsapit ng 12am tapos pedeng magnomnoman sa madaling araw. Ang mga bata-batuta naman ay magbabahay-bahay sa pagsapit ng umaga upang makahingi ng aguinaldo sa mga strangers/ ninong-ninangs. Pagsapit naman ng 12nn, tiyak jampaks na ang malls kasi andito na ang pamilya para maglamyerda at gastusin ang napamaskuhan.

Speaking of paglakwatsa sa mall, pag sumapit din ang kapaskuhan ay malamang sa alamang ay ang mga tao ay pipila na sa mga bet nilang peliks na made in the Philippines. Tatak Pinoy! Ang mga peliks ay kasali sa Metro Manila Film Festival na kapag-shinortcut ay Film Fest! Akala nio MMFF no? wahihihihi.

For today, enumeration ek-ek lang gagawin natin. Alangan naman na may movie review agad e wala pa nga sa suking pirata este suking sinehan. Di ako nanonood ng mga premiere nights kasi night shift ako remember? hahaha.

1. Enteng ng Ina Mo


Kung last time ay nagsanib pwersa si Agimat at si Enteng.... well well well... this time, magpapakner si Enteng at si Ina. Magsasanob powers ang dalawang manga este blockbuster king and queen.

Genre: Fantasy-Comedy

2. Segunda Mano


Suki ko......pasok na..... may ari niyan.... patay na....Etong peliks ay tungkol sa isang  tindahan ng mga 2nd hand items. Parang Ukay-ukay... nagamit na. then syempre haunted yung items.

Genre: Horror- Suspense

3. Panday 2


Wag kang matakot Flavio.... lumaban ka tiwala ng mundo'y sayo.... Pandaaaaay! Ang second peliks ng blacksmith na may hawak ng magical sword na kakalaban sa kamukha ng Krakken.

Genre: Action- Fantasy

4. My Househusband


Parang kasal-kasali-kasalo siguro pero mukang hindi. Nwalan ng trabaho si guy at naging househusband. At mukang magkakaroon ng Other woman si guy.

Genre: Drama- Comedy

5. Shake, Rattle and Roll 13


Tulad ng 12 Shake, Rattle and Roll Films, syempre 3 part ang peliks. Isa magpapa-shake sa iyo, isa magpapa-rattle at ang isa ay baka magpa-roll sa inyo depending on your humor level.

Genre: Horror-Comedy

6. Yesterday, Today and Tomorrow


Peliks na mukang drama-dramahan ang tema. Parang di ko nakikita ang commercial sa tv kaya medyo clueless ako. Pagbasehan na lungs ang psoter.

Genre: Drama- Unknown

But wait, may iba pang peliks pero wala akong mahanap na poster at parang hindi prinopromote sa telebisyon. Sila ang mga underdog films.

7. Hototay

Wala akong clue pero mukang comedy kung pagbabasehan ang mga cast/artista tulad nila.... John Lapus, Ruffa Gutierrez, Andi Eigenmann, Lovi Poe at Melai Cantiveros.

Genre: Unknown

8. Mr. Wong

Akala ko pelikula nung HS classmate ko na apelyido ay wong din. hehehe. clueless din. Ayon sa mga sabi sabi, si PNoy Binoy at Angelica Dela cruz Panganiban ang bida sa peliks na ito.

Genre: Action- Unknown

And wait, di pa tapos! Ayon sa baliw-balita, meron pang 2 extra peliks ang di official entry sa MMFF. malay ko kung totoo yung site na napuntahan ko. lols.

9. Love Will Lead You Back


Syempre may salitang love kaya tiyak na Lovestrory to na hahaluan ng ka-dramahan sa buhay landian. lols. Ang titulo ay parang based sa isang kanta.

Genre: Love- Drama (Siguro)

10. Kingpin: The Asiong Salongga Story


Wow, Buti pa to may poster kahit di daw official Entry. Mukang aksyon peliks at tungkol kay Asiong Salongga ang wento.

Genre: Action- Action

*******************

Suki ko........ pili na kayo.... sa mga pelikulang..... Segunda mano... wahihiihhihihi. Pandaaaaaaaaay! Pandaaaaaaaay!

Opo, Lss ako sa commercial nung dalawa.

***********
note: pictures ay nakuha lang sa google search. di ko pagmamay-ari. :D
O cia, hanggang dito na lang muna. Advance Merry Christmas to all! TC!  Mwah! Mwah! Tsup! Tsup!

8 comments:

  1. Ang panoorin ko ay Panday 2 yung iba antayin ko na lang sa dvd hihihi

    MERRY CHRISTMAS

    ReplyDelete
  2. KINGPIN ang panonoorin ko dyan, namiss ko ang mga ganyan genre ng pelikulang pilipino...nakakaumay na ang tanginang enteng na panday na yan at yang shake rotten and roll part 100000000x. Ibalik ang pelikula ng mga tunay na lalake!!! LOL, ibalik ang mga bold!!

    ReplyDelete
  3. sana sa susunod si vic at kris naman ang magsanib pwersa! haha.. gorabels kami bukas sa mall bukas, gudluck to us.

    Merry Christmas to you pre :)

    ReplyDelete
  4. gusto kong panoorin lahat :) ang hirap siguro ijudge to dahil magkakaiba ng genre. Pero kung 200 php lang pera ko, gusto ko yung pelikulang may bagong twist. hindi yung de lata, same story at formula as last years...

    ReplyDelete
  5. gusto ko ung asion salonga at enteng ng ina mo :D

    ReplyDelete
  6. Agree ako ke jhengpot nakakaumay na sila. Ni sa panaginip ayoko ng makita ahaha. Don tayo sa Astig Asiongan na ahaha. Un tatay niya ang madaming bold movies ehehe.

    ReplyDelete
  7. Wala akong mapapanood ngayon! Kahit papano, sinusuportahan ko ang pelikulang pilipino.

    P.S. Parang ang korni nung line nung Segunda Mano hano? Sa akin lang ata, pero mukhang tanga. Hahaha.

    ReplyDelete
  8. gusto ko mapanood sa sinehan yung kay asiong salonga. kaso malamang wala na yun pagdating ko sa january next year :(

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???