Friday, December 16, 2011

Letters of Death

Tigil muna us sa book review. Though may 3 new books ako, medyo wala pang time magbasa kasi natatabunan pa ng mga task. Tapos may mga bagay-bagay na dumadating sa life kaya naman wala pang time na isingit ang pag-read ng books.

Eniweiz, for today, mabalik naman tayo sa peliks. Alam kong matagal ng natapos ang halloween pero kung bakit horror themes ang napapanood ko.... e walang basagan ng trip. Kanya-kanyang gusto lang yan. hahaha. Next week na lang ang mga love films para sa pasko. :p
Ang peliks for today ay may titulong Letters of Death. O.... alam ko nasa isip ninyo.... Bakit letters of death tapos ang nasa picture ng poster ay ang larong Hang Man.... Aba.... Ker ko? Kebs. Joke. explain ko later... Wag excited. :p

O, gama na kayo sa synopsis? Sige ganto yun... It started sa isang batch reunion ng mga thailanders... chika-chika... reminis-reminisan ang drama. Then One by one, nabalitaan nila na ang mga ibang klasmeyt ay na-titigoks ng bongang-bongang kamatayan.

Then nalaman nila na lahat sila ay nakareceive ng Hangman.... Ayun... so alam nio na kung bakit ha! O sige, tuloy sa wento.

Nalaman nila na kailangan nila masagutan ang quiz na hangman at malaman ang sagot at ipamudmod sa 29 people para makaligtas sa dalaw ni kamatayan.

Then nagbacktrack at nagstroll down the memory lane ang mga shutanginang mga bida at malalaman sa wento may isa pala silang klasmate na naaksidente at nahulog sa hagdan. Si klasmate X pala ang may kagagawan ng paranormal bloody death ng mga pips.

And so nalaman nila na kelangan nila malamans ang namesung ng kaklase nila.... but kaya kaya nilang mahulaan bago sila mapaslang ng sumpa ng klasmate?


Okay.... Ang iskor...... 8. Pwere na. Alam mo yung... hmmm... a... ok. Well sige.... ganito breakdown para sa iskor.

-Well, imperness, hindi video like the ring. Medyo creative at gumamit ng Hangman as the channel to kill. 

-Okay naman yung gore. Pero medyo so so lang. Ewan... Hahaha, medyo walang masyadong creative part sa pagtilamsik ng dugo. Parang Final Final Destination na less ang effort to kill.

-Gusto ko yung story at plashback ng past.... nakabog ako sa very ending. Yung tipong.... HUWAAAT!

-Kaya bawas ang score kasi kinulang sa moment. ahahaha

Overall, pasok pa naman sya sa mga okay movies ko. Wahahaha. O cia, hanggang dito na lang muna. Iwento ko sa inyo ang pangyayari sa real life ko next time or yung book reviews na muna.
TC!


7 comments:

  1. katakot aman yan… pero okay parin naman ang score mong 8 :)

    ReplyDelete
  2. title palang mukhang nakakatakot na

    ReplyDelete
  3. gusto ko ung mga hang hang ever na kwento..excited na ko para sa love story mo nxt week.:)

    ReplyDelete
  4. mukhang maganda, gusto ko ung story line hehehe

    ReplyDelete
  5. ayus ah... thai na naman...

    ReplyDelete
  6. umuusbong na ang thai movies ah..creative naman rin talaga sila..magaling sa movie making..anyhoo..kagaya na lang nung napanood ko na Citizen Dog...siguro ang pinaka colorful at flamboyant na thai movie na napanood ko na pinagbibidahan niyang lalaki na nasa gitna ng second picture rito...hehe ...try mo ung angelo! ^^ hehe

    ReplyDelete
  7. Magagaling daw ang Thai sa horror movies ah? Makapaglaro naman si Classmate X, gusto eh kitil buhay. Haha.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???