Wala pa munang karugtong ang inaabangan (inaabangan nga ba?) na 'Lihim ng mga Prinsesa'. Hiatus muna sya... lols. Baka nga di matapos yun. ahahaha. joke lang.
Tayo ay umalis muna sa bansang Thailand at lumipad muna tayo sa bansa ng mga Koreans. Hindi po sa North Korea.... Sa South Korea muna tayo dadapo dahil doon nanggaling ang peliks na naka-feature sa araw na ito.
Ang pamagat ng peliks for today ay Blind. Akala ko horror movie ito dahil sabi nung baklang tindero/tindera ng dvd e horror daw. Isa syang ekis. Mali. Parang suspense/ action ito kaya walang makatindig balahibong eksena at walang sumasabog na dugo or napuputol na katawan. Sayangs.
Synopsis:
May isang babaeng koreana na pulis ang sumundo sa nakababatang kapatid niya mula sa isang dancing kontest. Sa pagtatalo ng dalawang magkapatid, pinosas ni girl si boy. E naaksidente ang sinasakyan. Tumilaps si girl at naiwan sa van si boy na nakaposas. Deads ang kapatid at naging baluga este bulag si girl.
The end. Chos! hahahaha. Syempre umpisa lang yun. Time passes by tapos may kumakalat na krime sa area nila girl. May nangingidnap ng mga girlets. One time, Napick up si bulag kasi umuulan at akala niya taxi yung nagsakay sa kanya. Muntik na siyang mabiktima pero syemps bida, nakaligtas sya. Naging saksi (slight witness) sa hit and run si bulag.
Dahil sa special capability ni bulag, malakas ang senses ng ear nia ay parang kinuha siyang lead sa pagtugis sa hit and runner which is connected din sa kidnapping. At doon na magsisimula ang wento ng pagtugis ni suspect kay bulag at sa isa pang testigo. Kung paano makakatakas sa kuko ng kups ang bida.
Ang movie ay nakakasuspense ng slight. Maganda yung plot at yung theme ng story. Mahusay. Clap-clap. Oks. Rating is 8.8 :D
Wala pading link kasi DVD nga diba? Atsaka ang pics na ginamit ginoogle lang kaya pati yung mga hitsura may korean characters. :p
Hanggang dito na lang muna.
witness na bulag? hanep sa irony...hehehe
ReplyDeletena curious tuloy me, makahanap na nga ng ganito!! :)
nacurious ako dito. makahanap ng dvd :D
ReplyDeleteakala ko din horror eh. May napanood kasi ako dati horro "the eye" naman. bulag din yung bida. Pero itong "the blind" looks promising, ah.
ReplyDeleteHuwaw! di ko ma gets ang sulat sa pix. haha.
ReplyDeleteung babae sa pangalawang movie parang ung babae sa "Memories of bali".. siya un? like ko yon.
ReplyDeletewhahaahha..... parang gusto ko ng ganito theme ng movie!!!
ReplyDeletehmmmm mukhang okay ito ah. matry nga panuorin
ReplyDelete@tabian, hahahaha, uu, kakaiba
ReplyDelete@bino, hehehe, buy na
@rah, akala ko parang the eye... makikita nia kaluluwa
@empi, lols, korean yan :p
ReplyDelete@mommyrazz, iba ata yun mommyrazz
@axl, hanapin mo na at magdownload
@boris, try mo sir :p
ReplyDelete