Tuesday, December 25, 2012

Christmas Update 2

Yo! Merry Christmas! Kamusta na kayo? sana ay very Merry ang inyong kapaskuhan. Well, for me okay naman ang pasko ko. kaya magshashare ako ng kaganapan sa buhay-buhay ko.

Last sunday, right after shift, dumiretso ako from office to Fairview para dumalo sa isang Christmas gathering  sa Father side. Nandito kasi sa manila ang natitirang first degree grandparent ko. So nagkaroon ng get-together ang pamilya.

Nagkaroon ng simple lunchness sa bahay ng tita ko. It was a good occasion. Kahit medyo pagod from shift, okay naman. Kahit medyo nasira ng slight ang diet ko kasi napapizza ako at ice cream... keri naman.

It's good to see my cousins. Well, sa mga dipa nakakaalam, medyo madalang magkaroon ng salo-salo sa side ng pudrax ko kaya parang once in a blue moon kung makikita ang mga nasnips. Uber dalaga na at beauties na yung 3 pinsans from one of my aunt tas gaun din yung dalawa pang girls sa other aunt. Tas namayat yung isa kong pinsan na lalaki kasi naoperahan pala sya sa gall bladder. (doon ko lang nabalitaans).

inatake nanaman ako ng pagiging socially awkward penguin at umirals nanaman ang pagka makahiya ko. Ayun... hehehe. Di ako nakilaro sa card game na Blitz na mukang naenjoy nila. (opo, ako na ang may uber hiya sa katawan.

Syemps, kelangans may pics sa gathering... ganyan.

 Lola, Pudrax, Mudrax, Sisteraka at c Khanto

Ang mag-iinsans with their Lola

May freebies na cap na binigay ang tita ko sa mom ko at naispatan ko at natypan ko kaya inarbor kow. Ang kaso, medyo maliit ang size sa may kalakihan kong head. nyahahaha. Sayangs at hindi Dickies pero keri na tong Von Dutch.


Sa bisperas naman ng kapaskuhan,o ang araw before christmas, solo na lungs me dito sa condo. Yung eksenang parang may BG music na 'Lonely.... i'm mister lonely.... i have nobody... here on my own....'.

Sumapit ang alas dose ng hatinggabi for noche buena pero wala... nganga lang. Pero syempre, oks lang. ganun naman ang life. Pero dapat syempre, GV at smiles lang kaya naman keri lang ang loneliness.

Sa opis, may free food kaya naman medyo may nakain ako kahit paano. (sarado kasi ang mcdo at other fastfoods due to christmas, 7-11 lang ang bukas).

Medyo idle sa opis at walang ganong calls kaya busy lang me at naka-focus sa pa-trivia contest na nagaganap sa floor. Merong kasing email blast na may tanong tungkol sa pasko or related sa pasko na sasakutan. Depende sa kanila kung pang-ilang sender ang mananalo. 

Yung actual tanong na nasagutan ko

Inaalat ako noong unang part, pero dahil sa tyaga, ayun... after 38 attempts, nanalo din me ng prize na makakain. 

Natanggap ko na rin pala yung gift ko sa exchange gift. Tapos nakatanggap me ng candy from my Team Leader. hehehe. Meron din palang pa-videoke, moviemarathon, Playstation2/Xbox at Wii saka Dota tourney sa opisina.


At after shift, dumeretso ako sa mall para manood sana ng MMFF film. Ang nasa option ko ay Sisterakas, Shake Rattle or Sosy Problems. Kaso nashock naman ako sa price ng movie.... 210 petot! Like, 4 DVD na iyon or 6 DVD depende sa klase ng palabas. so slash out yun.

Nagdecide na lang akong bumili ng inspiration shirts. Remember the mario shirt rage post? Sinunod ko payo ninyo at binili ko na yung XL na size. At to make an extra challenge, nakabili ako ng Maskrider shirt na ang size ay L. So kelangan mag shrink at mag trim down ng beer belly at taba.



Ngayong hapon, tambay na lang ako dito sa pad para mag-internet at tyagain ang mabagal na sun broadband while watching dvd na nabinili ko. hahahaha. 

O cia, hanggang dito na lang, Take Care and Merry Christmas to all! Salamat sa pagbabasa sa medyo mahabang post na ito.

24 comments:

  1. bakit solo flight ka nun xmass eve? san family mo?

    anyway, merry christmas sa iyo :-0

    ReplyDelete
    Replies
    1. nasa province ang parents ko e. merry christmas mac :D

      Delete
  2. Ang lungkot naman ng Noche Buena mo. Sana nakidayo ka nalang sa mga friends mo. Cute ng Maskrider shirt parang mga langaw lang. dyuk!

    Now ko lang nakita pic ni kanto. hehe :)

    Merry Christmas sayo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. wahahaha, mga tipaklong sila. merry christmas din :D

      Delete
  3. merry christmas ulit :D

    at sabi na nga ba medyo na shy ka naman sa gathering hehehe

    ReplyDelete
  4. Sir Khanto, glad you had a blast celebrating Christmas with your relatives and your officemates :)

    Nagkaroon din kami ng mini reunion, kasi halos lahat ng kamag-anak namin, sa bahay namin namasko. So kamusta naman yun hahaha! ang daming tao at tambak ang mga bata dito kahapon lols.

    Pareho pala tayong sun broadband user, naku kahit kelan sakit talaga sila sa ulo lols.

    Happy Christmas ulet!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep, tas sabi ng sun wala daw problema sa area. naku, sakit sa bang

      Delete
  5. dapat isama natin sa new years resolution ang hindi pagiging mahiyain. wahaha

    Happy holidays po :)

    ReplyDelete
  6. haha aun oh kumichristmas post ohh
    anyways ganda nman nung cap adjustable naman ata

    atsaka ung print ang cucute
    dapat i model mo na yan next year

    ako din need na pamacho next year kasi taba ko na haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag pumayats ako, makikita nio na yan sa pic.hahaha

      Delete
  7. Nabili na rin pala ang mario ala pikachu :)) Ok lang yan kahit XL at L ang sizes, para makita ang ka-macho-han. Lol.

    ReplyDelete
  8. Merry Christmas muli hehe

    ReplyDelete
  9. merry xmas pre ngayon lng ulit nkapag ikot sa mga blog.

    ReplyDelete
  10. Love ko ang post na to! Isa to sa mga most detailed, kaaliw.. Super shy type ka talaga, bet ka pa naman namin ma-meet ni boo-zaizai! Minsan awkward din ako pag ang kasama sa reunion e yung mga kamag-anak na hindi ko naman kilala, hihi.. Ako nakatulog lang nun noche buena! Ang cute nun mga shirts na nabili mo!

    Merry Christmas! Sorry naman at late na :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sa dalaw ms. joanne. :D uu, mahiyain me. di lang halata sa mga posts ko.

      Delete
  11. Good to know you had a nice Christmas - okay lang ang pass muna sa diet, Pasko naman, sayang ang ice cream at pizza! :) Buti sa SM Taytay 165 lang ang sine, naka nuod kami ng Sisterakas, funny naman sya lalo na at mababaw ako :)

    Perfect ang inspirational shirt na yan, goal for 2013! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yung sinehan nga malapit sa amin, 120 lang. hahahah

      Delete

So.......Ansabeh???