Monday, December 17, 2012

Moron 5 and the Crying Lady

Lunes na folks! Umpisa na ng week sa ilan sa inyo. Kaya hopefully maganda ang umpisa ng araw para good vibes all week long. papasukin ang happiness para happiness sa buong linggo.

Anyway, kung ang napansin nio ang title ng post na ito.... siguro may clue na kayo kung anong kaganapan for today. It's a Movie Review Monday! Tama... isang review ng pelikulang napanood ko last week. At for this post, ito ay ang pelikulang 'Moron 5 and the Crying Lady'.


Sa totoo lang, luma na tong peliks na to kasi last april pa to nilabas sa sinehan pero kaya ko to napanood dahil last month, noong nagkaroon kami ng team building sa antipolo, during uwian, etong palabas na to ang naka-play! Tas nasa front seat pa ako kaya naman kalahati ng peliks ay napanood ko. E nagkataon na meron na dvd copy na avail, ayun, napanood ko na yung kumplets.

Ang story ay magsisimula sa 5 folks... syempre, moron 5 nga diba, di naman moron 69 or moron 11. Sila ay mga best buddies dahil sila ay magfriefriendships way back noong mga chikiting patrol pa sila.

Birds of the same feather, makes a good featherduster ika nga... So since pare-pareho sila na medyo super bobing or boblaks, sila-sila na ang magkakasama.

Nagkandaletse-letse ang lahat dahil meron silang gay classmate noon na isang Tranny or nagpa-sex-change ang naudlot ang kasal dahil sa kagaguhan/accidental stupidness ng 5 guys. Namatay sa sakit sa puso ang japanese papa ni gay ex-classmate dahil sa malakas na pag-uusap ng 5 boys.

Ayun... Nagalit si gay ex-classmate at nag-plot ng revenge! Gumawa ng set-up para mapagbintangan ang 5 stupidos at makulong! At nagtagumpay naman sa frame-up at nakulong ang stupidos.

Pero nakatakas ang mga bobitos at gumawa ng way para malinis ang kanilang pangalan. Nag-spy sila sa bahay ni ex-classmate at in the end... napatunayan nila na wala silang pinatay.

End.

Basta, kulang-kulang ang synopsis na yan pero di ko na kinumpleto para masaya. Bwahahahaha.

For this peliks... may score sya na 7.5. Oo... nasa gitna ng pwede na at gusto at pasok sa banga. May mga funny at hilarious moments pero meron din annoying moments at so-so jokes.Isama mo pa ang cameo ng mga ka-labteam in real life ng mga actors like ni Chenelyn ni Lucky at ng jowa ni Billy.

I though like the part na nagmonologue yung crying lady kung bakit meron pa syang disguise-disguise then with matching papalit-palit ng voice then sinundot ng mga linya sa shaider-ida-puma ler-blue hawk thingie.

O cia, hanggang dito na lang muna. Good Vibes at Good day sa inyo. Take Care!

7 comments:

  1. actually di ko nagustuhan to'ng pelikulang ito. powerhouse cast lang pero ang babaw ng storya. parang di pinagisipan. hayyy

    ReplyDelete
  2. Napanood din namin ito nila AXL at Bagotilyo sa bus nung pauwi galing SBA, hahaha. Medyo di ko na-gets storya kasi kalahati na nung naabutan namin.

    ReplyDelete
  3. Hindi ko to trip...4.0 ang grado. Pero mas maganda ito kesa don sa Praybet Benjamin. hehehe

    ReplyDelete
  4. haha di ko pa napapanuid to pati trailer pero sabi nakakatawa daw to

    ReplyDelete
  5. Hindi ko pinanood ang peliks na to parang di ko trip. hehe

    ReplyDelete
  6. D q p rn napapanuod toh, hehe

    ReplyDelete
  7. same, hindi ko pa rin napapanuod.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???