Friday, December 28, 2012

Pitch Perfect

Hello! Kamusta na kayo mga folks! Okay naman ba kayo riyans? Hopefully ay okay sa olrayt kayo. Anyway kahapon, nagkaroon kami ng mini gathering with my High School friends. Been friends for 11 years at nagsama-sama for post-christmas celebration.

At dahil nagkasalo-salo, isa sa past time namin kapag may gathering ay ang manood ng pelikula. At ang pelikulang nipanood namin ang syang bida para sa araw na ito. 

Ready na ba kayong malaman ang pamagats? Eto ay SISTERAKAS! Char lang! hahaha. Hello, obvious naman siguro na ang title ng pelikulang bida for the day ay 'Pitch Perfect'.


Ganto kasi iyan, may isang college na may mga clubs or orgs (organization hindi Orgy). Sa college na iyon, merong singing group na Acapella lovers. Imagine glee without musical instruments but mostly vocal exhibitions ganyan.

Merong groupies ng mga girl singers na pumalpakasion sa kanilang regionals last year kasi may nag-barf or nagsuka during performance (yikes, eeeww, yucks). And so , natalo yung girl group.

Last year na ng 2 sa core members ng group at time to recruit na for new members para maibangon ang nayurakang pangalan ng kanilang grupo.

Dito na papasok ang isa sa bidalets na girly... Itago na lang sa pangalang Girlie. Si Girlie ay isang DJ wanna be na bago lang sa college. At sya ay napa-join sa group ng new recruit.

Dito na mag-uumpisa ang wents kasi yung tenured (yung senior ng group) ay ayaw mag-change. Same old routine at song ang gustong iperform mula regionals, semi-finals at finals. Juskopong pineapple! Yung moment na nakakaantok yung performance nila.

E etong newbie na si Girlie, mahilig sa mixing ng kanta-kanta kaya naman gusto niya sanang may change at pagbabago sa same old boring routine. 

Ang ending? Secret! Panoorins nio na lungs para alam nio ang magiging takbo ng wento. Bwahahahaha.

Ang score for this movie, 8.7 (oo, ka-iskor lang  ng Tanduay Ice?). Sige na nga, para may change... 8.9 na lang. :D

What i like about the film is hindi siya Glee-ish much. Syempre, college na sila at hindi High Schoolers. Tapos, mas maganda kasi acapella. Iba yung boses-boses lang ang labanan. Iba yung brilyo at kalibre ng mga boses. hehehe.

Saka nakakatawa din yung mga other girls na kasama sa groupie katulad ni Fat Amy, yung negra na tiburcio pala, yung babae malaki ang joga saka yung asian na hindi marinig yung boses. :P

Another factor kaya almost 9 ang peliks ay maganda din ang song selection nila. Kahit yung boring song nila na 'I saw the sign'... nakakatawa din. :p Tapos meron ding yung isa kong fave na song 'Don't You Forget About Me'.

I saw the sign and it opened up my eyes
I saw the sign
Life is demanding without understanding
I saw the sign and it opened up my eyes
I saw the sign

O cia, hanggang dito na lang muna. Paghahandaans ko pa ang pang year ender ng KWATRO KHANTO!

Take Care folks! Ingats!

20 comments:

  1. 10 to sa akin hehehe. di nakakasawang ulitin :D

    ReplyDelete
  2. ay teka, mapanood nga din yan. hanap hanap muna kay mr. google kung saan pwede manood :D

    ReplyDelete
  3. Ito pala 'yon nababanggit ni Sir Bino na Pitch Perfect sa Twitter. :D May clip ba 'to sa youtube?

    ReplyDelete
  4. mukhang maganda ang pelikula, aabangan ko rin ang year ender mo :) 'i saw the sign' naalala ko yung kasal ni carmina haha

    ReplyDelete
  5. napanuod ko na to nakakatawa and nakaka elibs
    gagaling nila

    parang glee na ibang level
    gaganda ng mash up nila lalo yung
    nothing on you

    ReplyDelete
  6. Hindi ko pa siya napapanuod pero dahil sa pampabitin na review hahanap ako nito haha. (tuwang-tuwa ako habang binabasa ang review haha, kahit hirap sa pag pronounce ng ibang words haha)

    ReplyDelete
  7. Super peborit ko yan. Nakabog niya para sa akin lahat ng choir-themed movies na napanood ko. Nakiki-second voice nga ko sa sinehan. wapakels na sa mga manonood. hihihi

    ReplyDelete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  9. Angas nitong movie na ito: ang galing lang nila sa song and dance number nila, sana may sequel!! :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???