Tuesday, December 18, 2012

Wentong Pasko


December at ilang shembot na lang at ilang pikit-dilat ng mata ay darating na ang araw na pinakahihintay ng mga tao... ang end of the world daw araw ng pasko. Lumingon ka sa kaliwa... lumingon ka sa kanan... makakakita ka ng mga anik-anik na magbibigay sa iyo ng hint na this is it.... this is really is it.... magpapasko na!

During december samu't-saring shenanigans ang thingies ang magpapaalala sa atin na it's christmas time..... gusto mo talagang alamins kung ano ang mga bagay-bagay na iyon??? Okay.... i'll enumerate! 

1. Christmas Song- Sa ano mang radio stations or malls, makakarinig ka nito. may emo songs like.... 'ehem-mic test-1-2-1-2.... Sana ngayong pasko... ay maalala mo padin ako....'. Or mapapakinggan mo ang birit ni ateng mariah na parang walang ngalangala sa kantang 'all i want for christmas is you (with matching super high pitch whistle). Or ang mga latest song na minash-up sa pamaskong kanta..... like Jingle Maybe (Jingle Bells/Call me Maybe).  Eto yung mga time na kung music lover ka, napapasabay ka sa mga kanta na pinapatugtog.

2. Christmas Lights- Kumukutikutitap... Bumubusibusilak... ganyan ang kindat ng mga bumbilya. Ayan... sa mga kabahayan at establishamentong pupuntahan, kailangan may bling-bling. May mga rice lights na nakasabit sa mga gate ng bahay or mga lights na nasa linings ng buildings. Minsan meron ding mga topiaries or carved plants na dinesenyohan ng lights.

3. Christmas Carol- Well technically part pa to dapat sa Christmas song pero dito kasi sa pinas... ibang factor or category ang pangangaroling. Yep, christmas carol is somehow the conyo term for karoling. Eto yung eksenang nagbabahay-bahay ang mga chikititams with their sariling gawang tambol, tamburin at maracas and make kanta kanta sa mga kabahayan ng mga tagalog songs. Pero minsan, sa katamaran ng kiddos ngayon... aba.... umaacapella na lang sila... itapon na daw ang instruments at pure boses lang ang puhunan.  

Eto din ang part kung saan madalas mong maririnig ang lyrics ng kanta and may sisingit at record breaker na 'PATAWAD'. Example: Kaysigla ng gabi ang lahat ay...PATAWAD!. Pag narinig na ang magic word.... then dito mo naman maririnig ang chant na... 'Tenk yu...Tenk yu... ang BABARAT ninyo Tenkyu!'

4. Simbang Gabi- Kapag sumapit na ang sweet-sexteen ng buwan ng december, eto naman ang ang moment na kinahihibangan ng mga noypis.... Eto ang Simbang Landeh..Simbang Gabi. Eto yung misa tuwing madaling araw na a-for effort kang gigising dahil masarap bumorlogs. Sa simbahan, minsan, walang pake ang tao sa sermon... ang importante, kasama sila bebs, sila schweeetie pie, hanibanch or mga kaberks. By tropa, by classmate. Minsan naman, ginagawang fashion place lang to show that usong kapekpekshorts or hapetpetbetlogpants. Well, kanya-kanyang trip lang daw yans.

5. Gift Giving- Pag kapanahunan ng pasko.... uso ang pagbibigayan. As the saying goes, it's better to give than to receive. Eto ang kabuwanan kung saan nag-aabot ang tao ng token of appreciation sa mga kaibigan at mga mahal sa buhay-buhay. Kasama na rin sa part na ito yung exchange gift sa iskul or sa opis ganyan. So benta ang mga gift wrapping ekekek.

O kay sarap ng pakiramdam kapag ito ang mga makikita mo kasi alam mo na panahon na talaga ng pasko. Pero syemps, wag natin kalimutan kung ano ba talaga ang tunay na diwa at dahilan kung bakit may pasko. Ito ay ang kapanganakan ni papa Jesus.

O cia, hanggang dito na lang muna. Take Care!

23 comments:

  1. 1. Kapag madalas na ang mga kanta ni Jose Mari Chan, yan! Magpapasko na yan. :D
    2. Mas maraming krismas layts, mas maganda!
    3. Hindi narin pang-gabi lang ang pangangaroling sa panahon ngayon, kahit tirik ang araw sa tanghali ay may nangangaroling na rin.
    4. Ngayong simbang gabi, andaming naka VARSITY jacket na jejes. -__- uso yata
    5. Yung eefort ka nang gift mo pero ang matatanggap mo eh mas mababa pa sa ine-expect mo. -__- masaklap pa kung towel or picture frame -__-

    ReplyDelete
    Replies
    1. christmas in our hearts lang ang alam kong song ni JMC

      Delete
  2. ;-) ang cute ni elmo. nakikixmas ang peg.

    ReplyDelete
  3. Hahaha, uu nga sir Khanto ilang tulog na lang Pasko na. anu ba yan. parang di ko pa rin ramdam hehe.

    1. perborit kong christmas song ang ever walang kamatayang Christmas in Our Hearts ni Sir Jose Mari Chan at yung Sa Araw ng Pasko by All star cast.
    2. wala kaming christmas lights sa bahay ngayon eh baket?... sundan sa Q3
    3. ayun, dahil kapag maliwanag ang bahay nyo dagsa lagi ang nangangaroling ehehe. puro patawad ang nanay ko lol.
    4. hayzz... ayan simbang gabi na naman, puro landian na naman ang makikita mo sa gilid gilid ng mga simbahan.
    5. may regalo ka ba sakin?

    Happy Christmas!

    ReplyDelete
  4. 1 agree ako kay anthony kahit anung kanta ni jose marie chan ee paran pang pasko
    2 kakasad wala maxado kutitap dito sa lugar namin naun
    3 dame na neto mula bata gang matatanda nangangaroling
    4 nakaka 3 na ko yehey
    5 sana my matanggap ako ehem ehem ehem

    ReplyDelete
  5. Jingle Maybe at hapetpetbetlogpants! Laughtrip nanaman ser! Pero sana inspite of all these things, maalala ng lahat ang tunay na diwa ng pasko! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama, dapat yung spirit of christmas ang maalala

      Delete
  6. Nahiya naman ako sa mga naunang nagcomment. Kailangan nakaitemized? buti si gord hindi. hehe.

    Lapit na talaga pasko. Lahat iyan ay mamimiss ko sa Pinas :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. natawa ako sa comment mo! ako rin yan ang napansin. parang natakot ako sa numbered mode ng comments? pano pag wala akong reaction sa ibang number? kotokot! hahaha.

      ako naman gusto ko maexperience ang pasko sa ibang bansa. haha.

      Delete
    2. hahahah, di naman kelangan itemized eh. :D

      Delete
    3. wala gano ata experience ng christmas abroad.

      Delete
  7. Pasko na nga, samahan mo pa ng snow dito sa iyong tambayan!

    Paunang Pagbati ng Maligayang pasko!

    ReplyDelete
  8. Ber pa lang nasa isip na ng karamihan ay pasko. Ber month na, pasko na :)

    ano nga ba ang pinaka palatandaan na malapit na ang pasko? siguro nga mas mangingibabaw sa aking ang simbang gabi. :)

    magandang araw sir kanto :)

    ReplyDelete
  9. Perstaym naming hindi magpapasko sa Pinas. Nakakamiss :( Ang alam lang naman kasi nilang gawin sa araw ng pasko dito e kumain ng christmas cake.

    ReplyDelete
    Replies
    1. aw. pero marami pang pasko na pedeng icelebrate next time. :D

      Delete
  10. may nakalimotan ka...yung holdapan ng mga relatives!! wehehe

    bankrupt season din ang pasko!

    ReplyDelete
  11. nag text si Santa, nagtatampo. Di mo daw sya sinali sa list na ito haha! Este, hohoho! :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???