Ilang tambling at kembot na lang, samahan mo pa ng konting giling, matatapos na ang 2012. Kung anik-anik na ang nangyare sa taong ito. Topsy-turvy... rollercoaster ride, may ups, may downs, may sidewards at may lopp the loop.
Khantoserye:
Sa first quarter ng taong 2012 natapos ang isang khantoserye sa blog na ito. Ito ay ang kwento ng magkakaibigang mga girls na sila Snow White, Beauty, Ariel, Aurora at iba pa. Ito ay ang kwentong: 'Lihim ng mga Prinsesa'. Meron ding failed serye tulad ng 'The Soul Searcher'. Sa last quarter naman, on-going naman ang seryeng 'Huwag mong Buhayin ang Patay'.
Movies:
Ang 2012 na ata ang taon na jampak sa peliks review-reviewhan. Imagine, handami ko palang asian pelikula na nabida at napromote at nawento dito sa bloghouse na ito. Isama mo na din ang ilan sa mga US films na aking inabangans.
Books:
Hindi lang pala pelikula ang nabandera at binigyan ng marka at grado para sa taong 2012. Imagine, pati ang books na binibili ko at nababasa ay may marka na din at binibigyan ng ratings?
Series:
Hindi lang pelikula ang napagkaabalahan ko. Pati mga serye o palabas na sobra sa isang oras kada episode ay pinagpapapatos ko at tiniyaga kong panoorins.
Manga:
Boredom leads to doing something else. At sa taong 2012, medyo naubos ang mga bored moments ko sa pagbabasa ng manga/comics online. Pampalipas oras.
Travel:
Syempre, di lang naman online life ang meron ako. Minsan naman ay nakakaalis ako sa aking sariling mundo at nakakapagliwaliw. At kapag ganoon, meroong mga lugar na napupuntahan katulad ng pagbyahe sa Bohol, sa Puerto Galera at pati sa Malaysia.
Flashbacks:
kapag medyo sinasabaw or sinisipag, mapapansin sa blogpost ko na nagbabalik tanaw tayo sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa nakaraan. mapa-laruan or groupies or bagay pa yan, pasok sa jar.
Youtube:
Syempre, di mawawala sa list ko ang youtube kung saan isang personal record ang naganap. Sa tulong ng video ni AMALAYER, nagkaroon ng himala sa bloghouse dahil ang high time bigtime na visitors ay umabot sa 20k views sa isang araw. Kasama sa tube ay ang video ni Encinas na nambato ng bote ng tubig sa cashier, si gangnamboy pati na din si Dora.
Randoms:
When all else fails, magshare ng anik-anik sa pamamagitan ng random. Oo, madami ding post ko sa blog na ito ay dinaan sa random. Anhirap kasing buo ng structure sa pagwewento e.
It's been a blessing sharing anik-anik things to you all at luckily di natupad ang gunaw-gunaw moment na prinedict ng mayans at may 2013 tayong pagsasamahan muli!
Salamuch ng madami sa mga walang sawang nag-eeffort na kumumento or dumalaw dito sa bloghouse.Salamats din sa mga naging kaibigan dito sa online world. Tengks din sa mga folks na naging part ng Kwatro Khanto, kahit di na sila dumadalaw (wow, may emo part?), glad they became part of my blogging experience.
Adbans Happy New Year sa Inyows!
TC folks!
Happy New Year Khanto!!!! =^-^=
ReplyDeleteMore anik-anik kwento...and see you next year!!!
see yah, hopefully makapag-cebu me!
DeleteHappy New Year pare!
ReplyDeleteIsang pag-alala sa iyong mga gawa at naging karanasan ngayong 2012! Congratulations po sir! Kita-kits sa 2013! :)
salamuch. Happy new year!
Deletehey yu batchness!! congrats!! ahaha!! waley lang.. makakoment lang para kunwari part ng blogworld.. =P
ReplyDeletethanks batchness!
Deletehappy new year sa pinaka masipag mag blog hop sa blogsphere! :)
ReplyDeletesalamat sir mots! happy new year sa iyo.
Deletehappy 2012!!! looking forward sa more movie reviews :)
ReplyDeletesa iyo din bino! Happy new year!
DeleteBatiin na din kita ng isang Happy New Year sir Khanto. Ingat sa pagpapaputok ha, gumamit ng proteksyon XD
ReplyDeleteI am also happy na naging reader ako ng iyong masayang bloghouse. Sayang nga di ko naabutan yung series mo nung first quarter ng 2012 kasi kababalik ko lng sa blogging nung July. Back read na lang ako.
Nag-enjoy din ako ng todo sa mga kwela mong movie revies at pagbabalik tanaw sa mga classic animes dati.
Happy New Year ulet!
bwahahah, oks, magproproteksyon me. nyahaha :D
Deletehappy new year
MAligayang Bagong Taon, marami pa sanang post sa darating na taon!
ReplyDeletehappy new year din!
Delete
ReplyDeletepatuloy akong aantabay sa susunod ng taon!
happy new year khants!:)
salamt sa iyo sir jay! happy new year!
Deletehaha isa ang blog mo sa pinaka nakakaenjoy basahin
ReplyDeletewalang halong kaplastikan pwamis!!
aasahaan ko ang mas maraming katatawanan next year ha
happy new year parekoy
tengks sa pagenjoy ng blog :D
DeleteFavorite ko dalawin ang blog mo Khants, laging may bago at kakatuwang basahin. I tuloy mo yan sa 2013 ha! Full support kami! Have a bonggang bonggang New Year Khants!! :)
ReplyDeletesalamats zai! :D
DeleteHappy New Year sir Khanto. More post! Lagi ko tong dinadalaw :)
ReplyDeletetnx archieviner! :p
DeleteHappy New Year sa iyo, Khanto.
ReplyDeletehappy new year ken!
Delete