Waraps! Kamusta? Oks naman ba? Ilang tambling na lang.... PASKO NA! At syempre, since i am a human lang naman.... di lang naman puro online life ang meron ako. May sariling buhay din at may personal na kaganapans. So eto na, ishashare ko ang kaganapans.
Natatandaans nio yung post ko last time na christmas exchange gift ng something-something? oo, yung nagreklamation pa ako na nung 3rd week ay iisa pa lang ang natatanggaps ko. Well, hakchuli, nakumplets na sya!
Kahapon, yung araw na sinasabing end of the world na daw sabi ng mga imbentor na di mawari kung sino talaga, naganap ang Christmas Party ng aming team sa opis.
Right after shift, diretso kami sa Metrowalk sa Ortigas at doon kami sa Platinum KTV nag-celebrate ng christmas tipar. Since tanghali na, umorder ng lunchness na makakain at doon ay nag-videoke at nag-exchange gift.
At dito ko na isisingit yung eksenang nagbigayan na ng regalo. Kung di pa kayo tinatamaan ng memory gap, siguro narerecall nio na may apats na something-something category kami. Something Reminiscent of Childhood, Something Sexy, Something Unique at Something Cute.
So nabunyags na at nagkaroon ng revelations... Ang something childhood na natanggap ko ay 'Brick Game'. Tapos sa something sexy ay 'FHM Magazine'. And next is something cute ay 'Stuffdog' at ang naconfused na something unique ay naging something cute category din at natanggap ko ay 'candle at mini snow globe'. Check the pic above!
For the grand finals worth 500 petot, ang winishlist ko ay libro. May 3 options at titles akong naibigay pero amportunately, di nakabili yung nakabunot sa akin. Nakalimutan kong ispescify na sa Bestseller sa Robinsons Galleria available.
And speaking of gifts... since nadaanan ang usaping iyown, nais kong magpasalamuch sa mga nagbigay sa akin ng pamasko. Binigyan ako ng Vitamin C from Unni. Then merong choco brownies from Babaeng Lakwatsera and keychain from opismate na galing Baguio.
And kanina (well, kasama na din ang kahapon), busy ang team namin kasi merong Lantern Making contest sa opis. Each team, kailangan gumawa ng parol gamit ang mga materyales na recyclable. Noong una, walang ka-energy-effort sa pagplan kasi 2k worth of goodies lang ang price. Pero the days before the deadline, nagkaroon ng unity ang team at nagkaroon ng creativity at sama-sama naming bumuo ng parols.
Heto ang sa amins. Ang lantern ng Team Kilo.
gawa sya sa hoolahoop na kiinoberan ng dyaryo at gumawa kami ng flower-flower na gawa sa yellow pages. tapos, since ang ngalan ng team namin ay Kilo, ang nasa gitna ay isang Timbangan. At ang tinitimbang ay ang miniature belen.
Di ko pa talaga mamaster at magaway ang aking digicam kaya less lang ang pics ko. ewan ko, minsan nagiging blurry at uber clear ng pics at minsan naman di magkasya sa frame. heheheeh.
Last na, natanggap ko na ang update sa schedule sa opis at may chance akong mag VL for christmas. Pero papasukan ko ang pasko at bagong taon kasi pera-pera din yan. Hahahaha. saka solo lang naman ako sa bahay ng 24 at 25. So by Dec. 25, baka taong mall lang ako... tambay ganyans.
O cia, hanggang dito na lang muna, Take Care folks at adbans Merry Christmas!
sir khanto, glad you had a grand time on your christmas party! and nakakatuwa ung mga nakuha nyong gifts, lalo na ung Brick Game. Mabuti may nagbebenta pa ng ganyan ngayon.
ReplyDeleteVery nice and creative yung Parol ng Kilo group nyo :D
Happy Christmas!
nostalgic ang brick game :D
DeleteAng ganda ng issue ng FHM este nung mga regalo pala. Ang epic ng brick game, lol. Ilang laro meron dyan? Ang cute nga nun stuff na dog. Hindi ba nagwe-wave ang ulo? :D
ReplyDeleteHappy Holidays parekoy and Godbless!
hindi gumagalaw yung aso... trip ko pa naman yun. :D
DeleteSaya ng party party! Ang galing ng -love- na nakasulat sa pic :)
ReplyDeleteKatuwa ang gifts, lalo na ang brickgame, may ganun pa pala. Kung ako bingyan ng FHM malamang hinampas ko sa nagbigay haha :)
Winner ang parol, parol and belen in one saan ka pa! Christmas tree na lang kulang. Sipag mo Khants - work kahit holidays - pero bongga nga sweldo mo nyan. Ako first time ko mag Pasko sa bahay after so many years abroad (I mean, kumakausap ng nasa abroad) :)
hehehe, 2 days lang ginawa yans. a for effort ang parols
DeleteAng saya ng Christmas tipar nyo. Anong edition yung FHM? Ano yung cartoons sa brick game. lol siniyasat ko talagang maigi.
ReplyDeleteOk narin na mag work ka ng 25 at 1. Bukod sa pangkayaman yan. Makakatago kapa sa mga inaanak mo o sa mga namamasko. hehe
I believe, Ben 10 ata ung cartoons dun sa brick game :D
Deletetama, ben 10 yung design, inayon sa latest usong pambatang cartoon
Deleteang saya ng party ninyu. ;-) at ang dami mong geps.
ReplyDeleteuu, salamuch sa dalaw
Deletegaling ng pagkakagawa ng belen\parol! :D
ReplyDeletepabasa naman ako niyang EPECHEM mo :D
hehehe, padala ko sa iyo sir rah :D
Deleteumaapaw ng gift ha! haha ako wala pa ni isa
ReplyDeleteehem ehem,
nice FHM! something sexy indeed!
haha
well ayun kung saka sakaling may want mag regalo contakin nu lang ako haha
hahaha. magkakaroons ka dins
DeleteAng ganda ng FHM este ng Parol! Creative ang pagkakagawa!
ReplyDeleteButi at nag-enjoy ka sa Christmas Party niyo. Exciting talaga pag maraming regalo. XD
uu, human na human ang nadama ko. :D
DeleteSwerte sa mga nakuhang gifts, ayan kompleto na...matalino yung nagbigay sayo at swak lahat sa category.
ReplyDeleteMahusay ang pagkakagawa ng parol, nung una nagtaka ako bakit may parang orasan tapos yun pala ang ibig sabihin (sampung palakpak na may kasamang pagtayo sa upuan!)
Maligayang Pasko!
hehehe, muka ngang orasan sa unang tingins
DeleteGaling naman ng pagkakagawa sa Parol.
ReplyDelete^_^
salamuch :D
Deleteastig!!!! merry christmas Gelo :D
ReplyDeletemerry christmas Bino :D
DeleteGanda nung lantern, hehe mERRY Christmas Gelo!
ReplyDelete:))
salamat theo :D
DeleteKaaliw yun mga nareceive mong gifts! Gusto ko din ng brick game! At thumbs up sa parol na ginawa nyo, very unique at creative!
ReplyDelete