Wednesday, December 19, 2012

Shirt Rage!

Pikachu + Mario!

Namasyal ako sa mall kanina para bumili ng regalo sa exchange gip (oo, di pa tapos ang palitan ng regalo sa opis). Tapos napagpasyahan ko na bumili ng new shirt for the christmas party (lam nio naman, mahilig ako sa t-shirt). Tumingin ako sa madalas kong bilan ng t-shirt sa department store at may naispatan akong design na trip ko! 

Nakita ko yung desenyong Super Mario na nakasuot ng Pikachu! Hongkyuts-kyuts! perfect 10 ang score para sa akins. So chinek ko ang size, ay pu......... Bakit walang 2XL? Sinong hinayupaks ang nakauna sa size na iyon?

So lipat me at nagbyahe sa another mall. Nagcheck ako kung merong 2XL. WAAAAAT! wala din. So nagtanung ako sa saleslady kung meron pang ganung size. Tapos na-shock ako sa binalita ni girlay. Ansabi, di na daw gumagawa ng size 2XL yung clothing brand. Like Fuck! Puchanggalata! Bakit ganun?!

Ano ba balak nilang gawin? Gumawa ng damit na pang ANOREXIC? Pang mga payatot at patpating lalaki lang ang shirts na gagawin nila? Target market nila ang mga maskulados na hapet na hapet kung manamet?

This is sooooo unfair! Wala na bang karapatang magsuot ng shirt ang mga plump na katawan? Bawal na bang mag-tee ang mga plus size folks like me? Di na ba pwede ang mga may built-in na salbabida sa tyan? AMPER, AMPER!

Hakchuwali almost kasya na dapat sa akin ang XL kaso talaga, yung taba ko sa tyan, ayaw mag-shrink. ayun... parang suman sa stomach area kapag XL lang. Kailangan na atang magpa-LIPO talaga. char. ahahaha.

O sya, hanggang dito na lang muna... Take Care folks!

30 comments:

  1. sisihin daw ba ang clothing company? hahaha. tama na chips habang nag TV marathon!

    ReplyDelete
  2. ahaha, ang cute nung t-shirt, si mario na naka pikachu costume. naku, diet at workout lng ang katapat ng matabang tummy :D

    ReplyDelete
  3. nyahaha. kelangan na talaga magdiet tol! XD

    ReplyDelete
  4. kyut!!!plump, plump, plump!!!

    sana binili mo para pang thinspiration..wehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. okay na din na di ko muna binili para di ako mafrustrate hehehe

      Delete
  5. i agree! pareho tayong nagshishirt rage! pero magandang motivation yan para magpapayat. hehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu, kailangan mag pursige para nek taym, XL na lang ako or L

      Delete
  6. ayun sir Super Mar! Ay si Pika pikachu pala. ang sakit naman nun sinabi na hindi na sila gumagawa ng 2xl, parang hindi na kabilang sa earth ay may size ng 2xl... :(

    ReplyDelete
  7. aun ganda naman kasi nung desind
    honestly di ko alam size ko naun haha
    hennyways bakit wala silang ganung size unfair nga un

    ReplyDelete
    Replies
    1. pinullback nila. hindi na daw tao kapag 2xl? hahaha

      Delete
  8. ang cute! sana binili mo pa din yung xl, tapos goal mo na mag kasya sya in the future. Pang inspire baga :)

    ReplyDelete
  9. Ahihihihi. Para matigil na ang rage, ibili mo na lang sa akin un. Baka hindi na magunaw mundo bukas kapag ginawa mo iyon. :D:D:D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  10. hahaha, ayos yang shirt na yan ah! Hindi na siguro fire ball ang nilalabas kung di kuryente na.

    ReplyDelete
  11. dapat siguro konting work out para sa tiyan para magkasya si shirt :D

    ReplyDelete
  12. ang cute nga bro...
    diet diet din. haha!

    merry christmasssss!!!!!!

    ReplyDelete
  13. Dapat binili na rin tapos isabit sa isang lugar na araw-araw makikita na may kasamang tag "balang araw masusuot kita!" tapos motivation na rin para mapaliit ang tyan.

    Maligayang Pasko!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???