No internet, less tv. Yan ang aking ginawa habang ako ay nagpapahinga mula sa pamumula at pananakit ng aking mata. Kailangan na makapagpahinga ang matang tila may sanib ng sharinggan. Heto at isa akong KATUJE- kain, tulog, jejemon. Bakit kamo? Kasi sa radyo puro topic lately ay jejemons.
Radyo..... Yan ang aking naging alternative habang di makapag internet at di makapagbabad sa telebisyon na paborito kong gawin. Dito ay makikinig ka ng samu't saring kanta mula sa oldies, hippies, groovies at ipis(tantaran... chuchurutchurut). Imbis na mata ang busog, ang aking tenga at ang utak ang nabubusog na mga iba-ibang music genre pati nadin ang mga magkakaibang Djs ng mga fm station.
DJ- ang mga taong nagpapasaya sa bawat radyo stations. Sila ang mga tao na may tila magagandang boses at masarap pakinggan. May mga inglisero at may mga taglish o kaya ay purong tagalog. Minsan may mga gay language din na kasama na marahil ay impluwensya din ng surroundings. Ang mga djs minsan ang main event sa bawat station dahil sa kanilang witty at sense of humor.
Ang mga DJ na tumatak sa akin ay sila...
Mr.Fu- Me ganun? Ang di mawari kung bi, gay o nagpapanggap lang. Siya ang host na laging may spiel na MAY GANOON? May tagline din sya na Tagabulabog ng Buong UNIVERSE! Nakakatawa sa slot nia kapag nagbabasa sya ng text at may mga texters na lalaki na biglang magsasabi na iiwan ang jowa at asawa para lang maka-chorva sya. O kaya mga babae na tila mistress tapos papayuhan nia na Nagmamaganda at naninira ng pamilya ang echoserang palaka. Laughtrip pero may sense ang tips nia about love life.
Papa Jack- Si papa jack ay maririnig madalas sa gabi. Sya ang DJ na nagtotopic about love and as well as romance o romansahan. Kilala siya sa segment na Wild confessions. Dito maririnig ang pagrereveal at pag-squeel ng mga tao about sa sex life nila(Mostly mga guwardiya sa gabi o kaya ay mga ma-eelyang babae). Maririnig din dito ang mga sumasideline na boses kiki na parang si mahal(Kuku ata ang pangalan). Famous words dito ay KINEMBYULAR at INESKABECHE.
Papa Bear- Hindi siya kamag-anak ni Papa Jack at di rin sya taga Love radio. Actually di ko alam kung talagang si papa bear ung naririnig ko o si papa kiko kasi puro mga papa names nila sa radio station na napapakinggan ko. Ang segment na napapakinggan ko sa radio station na ito ay ang wanted sweetheart. Korni nga pero ganun talaga e, may kanta pa ni donna cruz ata na mr. dreamboy. Dito mapapakinggan ang paghahanap ng isang babae ng kaniyang dreamboy with matching simulation pa o reenactment o tila makikinig ka ng play sa radyo pero komedy kasi minsan besaya o may punto ang mga callers.
Nicolehiyala- Ang babaeng dighay lang pahinga. Siya ang babaitang kakaiba kung humirit. Siya ang babaeng nagpauso ng NAKAKALURKEY! Siya ang nagka-album with the cheesy lines like... pustiso ka ba, kasi i can't smile without you. Madalas ay nakakaloka ang mga payo nia about anything. Mas nagiging kuwela ang umaga kapag makikinig ka kasama ang kanyang partner in crime na si Chris tsuper. Ang tandem nila na balahura at balasubas ay talagang di nakakasawa.
Lately ay napapaisip ako na tila masaya atang maging DJ sa radyo lalo na pagmaraming makikinig sa iyo. Parang napakasarap ng magsasasalita at nakikinig ang mga tao(Unlike some callers o clients na nakakausap sa phone sa trabaho).Tapos gagamitin ko padin na name ay Khanto. Tapos maghahanap ako ng ipapausong salita. pede na ba ang Huuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuu!(kapag nabigla o di kapanipaniwala). :D