Thursday, July 15, 2010

Pantasya(Day 4.1)- Jumping Jack!



Day 4 na sa isla ng mga castaways. Inaabangan ng bawat koponan kung makakabalik ang injured at sinugod sa ospital na si Onizuka.(Pantasya 3.5). Lumipas ang mga oras at biglang dumating si Onizuka na nakasakay sa isang boat. Nagawan naman ng paraan ang sakit ng itlog na pinisa ni queen seon dok. Konting tahi at rest lang daw ang kinailangan kaya back to the ball game si Onizuka.

Mga alas-diyes na ng umaga ng makareceive ng tree mail ang mga teams. Ang dalawang teams ay pumunta sa mapa na nakalagay sa liham.

Ang grupo ng pinoy ay nagulat sa nakita nila. Parang nakakita ng bugok na itlog na nabuo muli. Di nila lubos maisip na naka-survive sa egg crash si Onizuka.
Lumapit ang host sa dalawang koponan. Huminga ng malalim.na-tense ang lahat. Isang nakabibinging katahimikan. Tanging hampas ng alon sa dalampasigan ang naririnig. Tapos.... Pruuuuuuuuuuuuuuuuut. Nagpakawala ng masamang hangin ang matandang si Lola gets. Bago pa sumingaw ang sangsang ng amoy ay nagsalita na ang host.

Host: Walang challenge na magaganap!
Castaways: Hoooray!
Host: Wag muna kayong magbunyi! Walang challenge ngayong umaga! Sa gabi meron!
Cast:aways:Booooooo!
Host: Anyway-highway, ngayong umaga, bubusugin ko ang inyong mata!

Pinaliwanag ng host na magkakaroon lang ng ehersisyo. Unang mag-eexercise ang mga girls at next ang boys.

Umupo muna ang mga kalalakihan habang ang mga girls ay nagsuot ng pe*pek shorts at loose na tshirt.

Host: Okay girls, do the jumping jack!

Unang nagpakitang gilas sa pagtalon talon si Momay. 1, 2, 3, 4. Enjoy na enjoy ang musmos na multo subalit tila walang dating sa mga kalalakihang nanonood.

Sumunod na tumalon talon ang sa international na si Shan cai. jump! 1, 2, 3,4. Animo ay palitong hinahagis lang sa ere ang babaeng may mahabang  itim na buhok. Walang reaction ang mga lalaki. Napasigaw si Lizardo na "Naka-bandage ata dibdib, plat na plat!"

Next in line ay si Agua. Nag-pose pa at siniguradong seksi syang tingnan sa suot. Talon talon. 1.2.3.4. Nag-papout pa ng lips at kumikindat kindat. May konting reaksyon sa mga lalaki subalit bumanat si Onizuka. "Parang gelatin lang o kaya ay silicon na blue na hinahagis sa ere!"

Pumila na at nag-stretching si Kim Sam Soon. One, two, three, four. Napapatingin sa harapan ng dilag ang mga lalaki. Nag-enjoy si Sam Soon. May sumigaw, "Okay nadin ang lechong kawali, atlist, masarap tingnan."

"It shotaym!". Nag-ingles pa ang lola gets at pumuwesto na. Hindi paman nakakaumpisang tumalon ay napapikit nalang ang mga lalaki at ayaw tumingin sa nag-eexercise. Plak! Plak! Plak! Akala mo ay may mahabang bunny ears sa loob ng shirt ng matanda. Plak. Plak. Plak. Kung saan-saan humahampas ang dibdib ng matanda. Nagdadasal ang mga kalalakihan na matapos na ang time ng lola.

Natapos ang karumaldumal na exercise ni gets. Nagpasiklaban ang dalawang seksi ng pinoy at international. Sabay na lumapit sa harapan ng mga kalalakihan at tiniyak na nasa magandang view ang mga audience. Unang tumalon talon si Rubi. Ang bidang kontrabida na may mala-labanos na kaputian ay hinagagis sa ere ang balakang. Titig na titig ang mga kalalakihan. Pak! Aw~! Tumalon talon ang isa pang dilag. Maputi at makinis. Nasasaksihan ng mga lalaki ang dalawang diyosa sa kanilang harapan. Boom! Boom! Boom! Pakwan at papaya ang nakikitang humahagis at bumabakat sa shirt ng mga dilag! Palakpakan ang mga lalaki. May sumipol! may napapadyak ang paa. Tulo laway ang mga men!

Lumapit na sa gitna ang huling babae. Kung tutuusin, okay nam,an ang katawan ni Rosalkang kuba kaya kahit paano ay tinyaga nalang ng mga lalaki. Nagready na ang babae at tumalon talon. Bwaaaarggg. uwaaah.  Isa-isang tila bumula ang mga bibig ng mga lalaki. Nasuka ang mga guys ng nakita nila na pangatlong dibdib sa likod  ng kuba. Shet, dibdib pala ang nasa likod ni Rosalka

Natapos na ang girls kaya turn na ng boys na mag-exercise. Pinagsuot sila ng maluwang na boxer shorts at walang tshirt.

Excited na ang mga kababaihan at makakasipat sila ng something. Protective mother goose si lola gets at piniringan si momay para walang makita.

Unang pumunta sa harap si Onizuka. Payat pero hindi naman skinny. jumping jack din ang ginawa nila. Up, down, up, down.
Tiliaan ang mga kababaihan sa nakitang joystick na bumabakat habang tumatalon. Woooohooooo. ang maririnig.
"Sarsi 8 ounce!" ang sigaw ni Lola gets

Sumunod si Asero. Aba, may muscles.  Okay lang din daw ang katawan base sa mga girls. Pwede na daw. Tumalon talon ang android/cyborg na si asero. Palakpakan ang mga babae! naluluha sa galak!
"Coke 12 ounce!!" sigaw naman ni Sam Soon.

Sumonod na si Lizardo. skinny ng konti pero okay naman kasi matangkad. Nagjumping jack na. 1.2.3.4. Natulala ang mga babae. Konting katahimikan pero lumakas ang hiyawan! Nagkatinginan ang mga girls. Napasayaw si Rubi at si Marimar! Hindi na blue kundi red si agua na nangangahulugang nagiging hot na ang pakiramdam nia.
"RC Litro!!!!" Hindi Coke litro!!!! tumili si Shan Cai.

Nasa last na kalahok na. Na-excite na ang mga girls. Parang kinikiliti sa mani ang mga dalaga kahit na ang matandang si lola gets ay akala mo nagmamaasim at nais humilera sa quality nila madam auring. Laway na laway na ang mga babae at hot na hot na sila para sa last guy. Excited na ang lahat. Lumakad sa harapan si Elias Paniki. Washboard abs at bumubukol ang nagpuputukan ang maskels sa katawan.
"Finale na! ganda katawan! winner na to!"Sabi ni rubi
"I'm freakingly Hot na Hot na!" Sabi ni Agua!

Nag-flex-flex pa ng mga muscles ang bidang si Elias. Hinubad ang paniking bandana sa noo. Humanda na sa pagtalon. 1.2.3.4.5.6.7.8. Katahimikan ang narinig. 1.2.3.4.5.6.7.8. Tahimik padin. Nilakasan ni Elias ang talon. 1.2.3.4.5.6.7.8






Bumilang ang mga babae. 1.2.3.................................


"Pak! YAKULT!!!!!!"

itutuloy....................

5 comments:

  1. hahahah. pamatay talaga si lola gets. peyborit ko na siya. sana eh magtagal siya sa isla.

    yakulero pala si elias! adik ka! \m/

    ReplyDelete
  2. hahaha natawa ako. haha. ^_^ galing galing

    ReplyDelete
  3. Salamat sa nagbasa ng story ng mga castaways. pasensya na kasi may amats pa q. :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???