Thursday, December 9, 2010

My Christmas Wish this Year: A NOKIA C7


Etong 2010, naka-ilang beses na akong sali sa mga pakontest at promo kung saan maaaring manalo ng cellphone. A for Ay-ffort ang aking ginawa para mapanalunan ang jackpot na cellphone pero di ako nagwagi. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Sabi nga nila, try and try until di ka sumablay. So heto ako at humihiling na sana ay dingin ang tinig ng anghel na malambing( wag kumontra!).

Sa tulong ng pixy na si tinklebell at kasama ang mga dwarfs na sila jolly at sneezy, sana ay pakinggan ang wish ko na mapanalunan at makamit ang isang Nokia C7.

Bakit nga ba ako humihiling sa mga alipores ni santa ng tulong upang magkaroon ng cellphone na Nokia C7? Marahil kasi gusto ko kasing madanasan ang magdududutdot sa isang full-touch glass display. Aba, nais naman ng daliri ko na-mag-touch-touch sa sceen at hindi di pindot sa mga buttons lamang.

Wait, there's more! (parang sa home shopping network lang ah). Kaya nais ng malinis kong puso (oo, malinis! Zinonrox ko at binabad ng 30 mins. gamit ang sabong may scrubbing powers) ang phone na ito ay dahil sa taglay na 8 Megapix na camera. Nais kong makuhaan ang mga magaganda at masasayang Christmas moments gamit ang ubod ng linaw na camera. Ultimong ang mga nagpaparty na langgam at nagsasayawang mga insecto ay makukuha ang larawan. 

Lastly, dahil sa mga iba pang features tulad ng craft design, integrated social networks, maps and apps at best in mobile entertainment; baka mahanap ko ang aking soulmate. O sya, kung ayaw nio ng soulmate, baka pede ang first girlfriend. Bakit ko nasabi to? Kase ganto:

Hypothetical situation:
Ako ay nasa bar, partey-partey! Then sa isang sulok ay may napaka-ganda at seksing babae na itatago na lamang natin sa pangalang Ellen Adarna (FHM december 2010 cover).

friend1 approaches Ellen: Hey! Have you met Khanto?!
Ellen: oh, Hi! How are you?!
Khanto: I'm great. you look familiar. Kamukha mo kasi yung magiging girlfriend ko eh. 
Ellen: Talaga?
Khanto: Yep. Actually i-aadd ko na nga siya sa aking facebook so can i get your email address?
Ellen: Sure. here, i'll type it in your cell.
Khanto: btw, pwedeng magpapicture sa future girl ko?
Ellen: Why not. 
Khanto: If in case you want to see me, just send me a message, i will use the map with gps navigation to be there for you.
Ellen: how sweet. kiss. hugs.

Sa December 24, sana ay matupad na ang aking hiling :D

8 comments:

  1. Naku, may maitim kang balak kay Ellen! Ang mga may maitim na balak ay hindi nagwawagi! Joke hehehe good luck sa pagkapanalo mo ng cellphone.

    ReplyDelete
  2. wah... gusto ko camera... hehehe

    ReplyDelete
  3. kuya KK.. Good luck sa contest po. Wag k po 2mgl maniwala at darting yung tamang panahon mananalo ka nyan. God bless po

    ReplyDelete
  4. ang gandang cell... jockpot yan pag nagrant ang wish mo.. hahaha...

    ReplyDelete
  5. Ikaw na, Khanto! Kaya mo iyan! Pero, wala munang frends-frends ngayon, gusto ko ring maranasan ang dutdut factor na dala nitong cp na ito! LOLOLOLOLOLOL.. Gudlak sa atin! :D:D:D:DD:D:

    ReplyDelete
  6. Ahahahhahahhaha naku buti na lang nadigs ko na nung may ellen adarna nang kasama...lol... hehehehhehe...sana matupad nga yang wish mo! hehehehhe

    ReplyDelete
  7. @halojin, thanks.

    @kikomaxx, sana may camera contest nga

    @glentot, hehehe, magwawagi ako :D

    ReplyDelete
  8. @istanbay, sana nga manalo

    @michael, gudlak sa atin

    @xprosiac, thanks

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???