Saturday, April 30, 2011

7 Reasons Why I Should Win an Ipad!


Today, i was shocked and surprised that there is an ongoing contest that is giving away an iPad gadget. Perhaps i got too busy with work and personal stuff that i was not informed of such contest. But there's still a chance to catch up. I still have almost 24 hours left to join the contest. So here i am and i gathered all my prowess to leave my comfort zone and blog using the english language. (hopefully, there's no major major error! lol).

Based from the criteria given, the mechanics of the contest is to give or provide 7 reasons why i should win an Ipad. Also, another criteria is to mention the sponsor of the contest; Sherweb

So without further ado, i will now state why I (as in a capital I) should with that iPad.

1. Okay, let's start with sympathy reason. 2 weeks ago, my digital camera was stolen. My digicam named 'jiji' was camnaped! My 1 month old camera dissappeared and left me weeping for a day. I do believe that the Ipad will be a suitable replacement for my lost gadget.

2. Second reason: Give chance to others. For those who already won with online contest, maybe its time to let others experience winning. It is better to give than to receive therefore, give way and let me win that iPad. hehehe.

3. My third reason is a bit cheesy. Well, my mom wants to have an iPad to experience how to use a touch screen gadget. My salaray is not enough to grant my moms wish so if in case, i can use this opportunity to make my mom happy. This will be an advance gift for Mother's day.


4. I want to try different applications on that new gadget. Well, iPad is popular with the capabily to use different apps. One possible apps that i can use and enjoy on that gadget is the fat booth. Here is a sample of that app. I want to take revenge and create funny pics of my friends and co-employees. (Hopefully, i won't be that big). Wahehehe.


5. I will use that iPad for social networking. I'm a facebook addict. I usually check my facebook account every 2 hours. I also read the tweets of fellow blogger so therefore, this gadget will be very useful for me to communicate and to broaden my circle of friends online. :D


6. The special device will help me overcome writers block. If i am carrying the iPad daily, i can immediately share what i experienced. This will also help me express what i feel or what i am thinking.

7. Kamen Rider agrees that i should win that iPad. :D



I am praying that the judges will select my entry and let me win. 

I would like to thank Sherweb the #1 hosted exchange provider and jehzlau-concepts.com for this great Ipad giveaway.

Happy Saturday to all! :D TC!

Friday, April 29, 2011

Kasal at Kanta Update

Lusaw pa din ang utak ko sa init ng panahon kaya walang namumuong kwento sa aking isip. Tambay lang sa twitter at nakikibasa sa twit ng iba. :p Ngayon, uupdate lang ako ng mga napupuna ko.

Kasal


Di matapos-tapos ang update sa buhay ng prinsipe at prinsesang naka-upo sa tasa. Ano ba, Ilang linggo na laging nasa news ang balita sa kaganapan ng pag-iisang dibdib (pagdidikitin ang boobey at chestsung ng dalawa; joke) nila Prince William at Kate (hindi Winslet ang apelyido). 

Ano ba. Nakakasawa na na kaliwat-kanan ay iyot-iyundin ang balita. The reception, the foods, the guests. Kulang na lang pati royal condom at royal undies ay i-feature sa tv. Pati siguro ang Royal Sex position baka ibalita sa TV. Maygawd! Blow by blow detail din ba pag nag-boomboompow ang royal couple? Insane!!!!

Kanta


Mamaya, huhusgahan na ng madlang kanuto at kanuta ang mga talentadong kano. Mamaya na ang elimination ng American Idol Season 10. From top 6, magiging top 5 na lang.

Sa anim na kumanta kagabi ng mga songs ni Carole King, tatlo ang manganganib subalit isa ang tyak na matsutsugi. Sa aking guess, naks, guess talaga ang term; baka si Diva Jacob , Husky Haley at Beardy Casey ang nasa bottom. Di ko lang sure kung magkakatotoo ang hula ko. 

Hanggang dito na lang muna. Hahahaha. Sweldo day kahapon tapos last day of work today kaya pedeng maglakwatsa at gumala. Baka manood ako ng movie na Thor with officemates.

TGIF sa inyong lahat! Enjoy the day! Weee :D

Wednesday, April 27, 2011

Saying Goodbye is Not Easy

Mahirap magpaalam. Malungkot ang malaman na kailangang bitawan ang mga bagay na naging parte na ng buhay mo. Masakit na mawawalay at mawawala na ang mga alala na umukit sa iyong puso.

Di ko alam kung final at di na pedeng mabago ang desisyon ng friendster admin na ang mga messages, bulletins, testimonials, photos, shoutouts at etc ay mawawala na o buburahin na.

Nakakalungkot ang pangyayaring ito. Syempre, kahit pesbuk na ang uso at kahit nagsisimula na akong maki-twit-twit, iba pa din ang unang social network na aking nagamit. Friendster is part of my high school at college life. 

Tila nagkaroon ng flashback sa aking isip sa pagbalik ko sa friendster at dinaanan ang mga alaala ng nakaraan. Eto nga at kumuha pa ako ng screenshot para may souvenir naman ako.

Di ko alam na ang bulletin feature ng friendster ay katumbas na ng blog. So way back 2006 ay may blog post na pala ako. Imagine?


Tapos, nagbalik tanaw ako sa mga testimonials ng mga friendships ko. Eto yung mga time na nagmamakaawa ang mga pipol na humingi ng testi sa mga friends nila. nakaka-touch ang mga nasulat nila. May screenshot at may copy and paste version kasi mahaba ang testi.



Eto yung first testimonial sa akin (medyo parang jejemonish pero di naman):

Eejhae
Feb 11 2004, 07:52 AM

hehe i am the first one who will make a
testimonial for you...Special ba
mashado???lam nyo b laki utang n loob
nya sa kin kc naman i helped him to be
in friendster and everything, kapal
b????well nu b kelangan ko sbhin s knya
actually i knew him since third year in
high school, isa cya s mga cloze fwends
ko kc nman poh d cya mhirap pkisamahan
az in you can be yourself kpg cya khrp
nyo hindi cya mpili at maarte s mga
bgay-bgay kc naman poh sobrang
trustworthy nyang tao at down-2-earth
p, nakz sobra n b ktang bnenta s mga
tao???Well sobrang communicated p dn
kme s isa't-isa khet d n kme mg-kasama
skul khet through text & fone lng kc
naman poh la lang mshado me love nito
eh. We became close nung third year kc
we became seatmates w/ Milcah az in 2
quarters kme magkk-seatmates tpos since
then we shared our ideas ang thoughts
sa isa't-isa kya un nging close n kme
eversince then. tpos khit nung fourth
year mgksbay kme kumain with my
barkada, takaw nito parang ako,
hehe...matipid din cya tpos fave
teacher nya c joebert (jowk!!)dati nga
pla mashado kme n-addict pg-punta haws
ni RJ kc ngvo2lleyball kme, ngpla2y
station at ngscooter din....kasama pla
cya s mga pumunta last bday ko s Laguna
grabe cute ng agift nya s kin ang sweet
kya.... nu p b galing pla nya mg-
volleyball, table tennis (tama b ko???)
at so far badminton b yung sport mo
now???Ewn ko b mejo nlilito n me!!!!
Gusto pla namin praho ung charmed at
smallville tpos ung survivors at
amazing race, bachelor at
bachellorette, dme p kme parehong gusto
nitong T.V. programs (mashado bang
halata n tv addict kme???), preho p pla
nming ina-update ung isa't-isa s mga
bgong episodes ng charmed at smallville
at ska dme p....nu b yan la na me
maisip....okei n cguro toh noH????basta
im so greatful n fwend ko cya at we are
cloze kc kulet kme pareho, mtakaw kme,
dmi namin pareho gusto bsta un n un,
bka maiyak p cya s mga nilgay koh....

At syempre, kailangan may souvenir ng picture ng character ko na si Khantotantra. Ang dahilan ng codename ko sa blog.


Di ko alam kung magbabackup pa ako pero marahil sapat na kumaha ako ng mga bits and pieces of my past together with frriendster. Marahil eto na ang huling pagbuklat ko ng account ko kaya naman kahit mabigat sa aking damdamin.... kailangan ng magpaalam sa aking friendster account.

For my friendster account:
You will always be a part of my life; a fragment of my college years. It's time to move on and its time to part ways. Sayonara. Adios. Goodbye. (tulo luha with singhot ng konti)

Bed Thing

Kamustasa kalabasa! Wala akong mawento ngayon kahit may mga nakapila pa akong kwento kaso ewan ko ba, mukang sa init ng panahon ay nalusaw ang utak ko at di ako gaanong inspired magkwento ng naging adventures ko.

For today, ang aking post ay tungkol sa mga bed sheets na talaga namang kakaiba ang disenyo. Napulot ko lang to sa net at di ko na matandaan ang site kaya naman sorry naman at walang link.



Sa mga matutulog pa lang, night-night, don't let the bed bugs bite. Wonderful Wednesday sa lahat!

Tuesday, April 26, 2011

First Blog EB

O ha! After 10 years, mukang ngayon ko pa lamang maiwewento ang kwentong naganap way back January. O ha. San ka pa? Masyadong natabunan kaya hindi na ikwento pero tiyak na hindi nakalimutan kasi ikukuwento ko.

For today, ang aking wento ay tungkol sa aking experience sa unang pakikipagmeet with fellow bloggers.

Based sa aking journal (kunwari lang, planner lang to), it was January 28, Friday. Nakareceive ako ng text message na imemeet si Poldo na kadarating lang nung week na iyon. So kahit medyo may hiya sa katawan ay nag-pasya akong alisin ang pagdadalawang isip at pumunta sa meet up place.

MOA- eto ang lugar ng meet-up. Dahil ang tanging alam na mall ko lang ay ang Robinsons Galleria at Megamall, naligaw ako ng slight bago ko napuntahan ang Timezone (tama ba ako? hahaha. Basta Amusement center na may ktv booth). 

So there, pagdating ko, nagkakantahan na ang mga madlang pips. Mga singer talaga sila. Gifted sa pag-awit. Anyway, kailangang imention ang namesung at linksys ng mga blogger na aking nakilala during that time. So below ang pics na dinekwat ko este dinownload sa album ni Unnie. Ei, makikiharbat muna. Senxa na.




From Left to Right: MD, Yanah, Axl, Khanto, Unnie, Poldo, Sendo

Kasama pala ni Unnie ang kanyang kapatid, sya yung kumuha ng pics kaya wala sa photo. Riot sa loob ng booth kasi it feels like we all know each other for decades. It's like having reunion with high school friends. Medyo maikli lang ang time na nakasama ko ang ilan sa kanila kasi may kailangan pa silang puntahan or kailangan ng umuwi.

May nahanap akong na-tag sa fb ko kaya eto yung isang pic na kumpleto ang mga pips.


Natira kami nila Poldo, Yanah at Axl at nagmerienda muna sa shakeys dun sa moa. Right after that, fly kami sa megamall para imeet ang 2 other bloggers na makakasama namin sa nomnom session.

So kinagabihan, nagkaroon kami ng bagong kasama sa katauhan ni Empi at ni Madz. From megamall, sumakay kami ng humaharurot na bus at bumaba kami para makapunta sa Madison square. From there nagsimula ang nomnoman session with puluts.

Khanto, Axl, Poldo, Empi, Yanah and Madz 
(grabbed from Axl's album sa Fb)

Kung nagtataka kayo kung bakit ganyan ang posing namin, eto ay dahil sa inuming may pangalang BADTRIP. hahahaha. sa umpisa akala mo ay napaka mild at walang amats na idudulot ang inuming yun pero taste can be deceiving. After ilang pitcher ay boom, eepekto ang lagim ni badtrip.


Masaya during the inuman sessions kahit medyo mainit dahil sa bintilador na gigantic pero di marunong umikot. Nagkaroon ng mga question and answer question for mature peops and others. Nagkaroon din ng sharing ng mga impressions sa isa't isa.

Di ko matandaan kung 2am na or 3am ako nakauwi pero talagang nag-enjoy ako sa meet up na yun. Buti at good experience ang first eb na napuntahan ko kaya sana may mga next batch pa. :D 

Hanggang dito na lang muna at patapos na ang 30 minutes break ko. :D TC! Enjoy your Tuesday everyone!

Monday, April 25, 2011

3 Asian Films


Halow! I'm back! Ilang araw din akong walang internet connection at nasa bahay lang ako sa probinsya namin kaya naman im so excited para magsulat ulit sa blogger na ito.

Anyways, since alam kong walang gaanong magagawa sa probinsya namin kaya last wednesday, nag-quiapo ako para makabili ng dvd (nasabi ko na ata to dun sa previous post). Akala ko puro thai movies ang nabili ko pero it turns out na 3 different movies from different bansa pala ang na-mini-mini-maynimu ko. So without further ado, heto ang aking ibibida for today.

1. Friendship (Thai movie)

Unahin ko ang unang pelikulang nipanood ko nung holiweek. To be exact, pinanood ko to ng Maundy Thursday ng gabi. Ang movie na ito ay tungkol sa sex. Joke. Natural, as the title says, friendship. Eto ay tungkol sa magkakaibigan na nasa 30's na ata tapos nag-reminis sila ng kanilang high school days. Doon magsisimula ang wento ng bida kung saan may new student transfers silang makikilala. IYung girl na kaklase nila ay binubully nia kasi di nagsasalita but eventually mukang nagka-ayos sila at turns to almost lover. But but but, nagkaroon ng sad ending pero di ko sasabihin para may suspense. 

nakaka-touch ang kwentong to. Hindi sya todo kilig factor tulad ng crazy little thing pero pasok to sa good movie ko.

2. Do Re Mi Fa So La Ti Do (Korean Movie)


Next stop, ang pelikulang napanood ko nung Good Friday. Eto ay tungkol naman sa isang girl na nag-part time sa amusement park at nagsuot ng mala-barney costume. Napagtripan siya ng grupo ng boys. Pagkauwi sa house, ang bagong kapit bahay nila ay yung kumag na nan-trip sa kanya. Eventually, nagkadebelopan sila at naging labers. But, here comes the factor kasi ang bespren nung lalaki ay ex-friendship nung girl. May past issue kasi at naging complict between the two. tapos nag evolve pa ang conflict. Syempre, Ang factor ng lovestory na nangyari ay ang pagpili sa taong mahal mo o ang taong magpapakamatays daw kung ala ka.

Pasok din to sa akin kasi naman nakaka-sads yung naging twist ng kwento lalo na sa side ng dalawang mag-juwa. 

3. Kimi Ni Todoke (Japanese Movie)


Last stop for today ay ang pelikulang hapon na pinanood ko nung Black Saturday. Heto naman ang medyo rom-con na kilig-kiligan ng konti. It starts sa isang girl na nagpahaba ng buhok at nagmukang sadako, ang name nia ay Sawako. Si sawako ay inakalang may sumpa tulad ni sadako kaya iniiwasan sa school. Then one day, may tinulungan siyang guy na naliligaw ata. Yun yung guy na naging crush niya then eventually, it turns out na nag-ka-crush din sa kanya yung guy. Ang haba ng hair ni Sadako este Sawako during the movie. eheheh.

Shoot sa listahan ito kasi light story at walang heavy oa kadramahan kaya naman nirerecommend ko to.

O ayan, may 3 choices kayo kung nais ninyong maghanap ng pelikula na di gawang kanuto o US or ayaw nio ng local film. mahahanap to sa Quiaps or pede din hanapin sa net.

Saka ko na iwewento ang mga pangyayari sa bakasyones ko sa probinsya. Hanggang dito na lang muna. Hope masaya ang monday ninyo.

Back to work na ako bukas. TC!

Thursday, April 21, 2011

Sex is Zero


Eows pohws. This post ay ginawa ngayong holy thursday pero di ko kayang tiisin na hindi ipublish. I'm bad. huhuhu.

Ang hanap ba ninyo ay isang pelikulang nakakatawa na medyo may konting kahalayan? Yung tipong giggly tapos greeny? Well, ang masusuggest ko ay itong pelikula mula sa bansa ng mga kim chi at jjampong. Mula sa lugar nila Sandara at ng mga Superjunior; itinatampok ang Sex is Zero.

Sa DVD na nabili ko sa quiaps, ang taytol ay Korean Lampoon pero dahil di ako makahanap ng poster sa net, nag-search ako ng maigi at nalaman ko ang original title. hhahaah.

So anyway, ang plot ng story ay tungkol sa isang guy na nainlababoo sa isang gerl na hot hot hot at shekshi. Kaso si guy, hari ng sablay. Laging nasa wrong place at the wrong time at the wrong scenario kapag nagkikita sila ng girl. Lagi niyang nasasabotahe ang sarili niya tuwing susubukan niyang magpapampam kay girl.

I like the story kasi nakakatawa sya. Oo, may halong mga sexy at nudie part dahil R-18 to. Yep. Nabasa nio ng malinaw. Di ito pang bata-batuta. Mature ang kontent in a hilarious way. 

Pero aside sa maturity ng mga eksena, may part na nakaka-touch sa movie. Grabe lang. Ay, kung pede ko lang i-spoil ang buong wento ay gagawin ko pero gusto ko kayong makapanood mismo para kayo humusga.

Anyway, nag-search ako ng movie trailer nito para naman may brip background kayo. At may part 2 pala ito. hehehe. Magkasunod kong pinanood. :p

Ayaw ma embed ng youtube vid kaya link ko nalang dito:

Sex is Zero Trailer here

So anyway, that's it for now.Uuwi na akong probinsya after lunch.

Wednesday, April 20, 2011

Khanto Review: Source Code


Medyo Busy ako for today dahil ngayon ang day na naka-toka ako para maghandle ng sales call. Demn. Kung kelan nag-iidle saka ako ang laging magkaka-call. Wakekeke. Anyway highway, andito nananaman ang khanto review upang syempre mag-review ng movie. Kung nagsimula kayo sa title ng blog, natural, may clue na kayo kung anong movie ito. Pak Pak, My doctor Qwak! Joke. Syempre Source Code ang movie for today.

As other entries ko, pagdating sa movies, may option kayo kung gogogo or go-home na! Pag takot kayong makabasa ng review kasi may plan kayong manood nito sa sinehan mamaya or sa DVD this holy week, seympre ang advise ko ay click the red X button sa upper right and please come back again later. :p Pero kung feel niong magbasa, let's get it on!

Umpisahan ko muna kung bakit ako nanood nito. Last monday, niyaya kami ng ka-opis ko na manood kasi narinig nia na maganda daw. Since wala akong gagawin nun time na yon, at di ko pa alam na nanakawan na pala kami, agree ako sa movie time mode. So after shift ng mga makakasama ko ay go na sa sinehan ng megamol.

Eto na, ang buod ng wento (khanto kwento mode). Tumakbo ang story tungkol sa isang lalaking di nag-aahit ng balbas na bigla na lamang nagising sa isang choo-choo train. Tapos tapos windang si guy kasi di niya knows kung bakit andun sya at sino mga kasama nia. And then, poof. They became coco crunch. Nadeds sila kasi may bomba.

Tapos Pagmulat ng mata, diretcho sa kubeta, nagbabatibots. napunta sya sa isang chamber of secrets na parang time capsule na ewan. Nalaman ni bigotilyo na kailangan niyang magback to the past para mag-Da Who ang bomberman na nagpa-explosibong explosibong expose sa choo-choo train. Need nia ma-get get aw ang salarin para mailigtas ang lungsod ng townsville Chicago for a second bomb attack.

Ayun. Tumakbo ang kwento sa trial and error ni bigoteman para makuha ang phone number, tirahan, suking tindahan ng mambobomba (hindi yung naghuhubad ha!). Na-hilong talelong si guy na kailangan ng razor para mag-ahit kasi he is going back and port (parang umaayuda lang). And then sa huli, syempre, kailangan may ending, nalaman nia ang pes ng salarin at dun mapuputol ang kwento ko para may suspense sa pinaka ending.

Ang masasabi ko sa movie na to? Time spacewarp ngayon din! Lilipad-lilipad, Takure!!! Ayan. paulit-ulit. Paulit-ulit. Hahahah. E sa ganun ang wento, iyo-t iyun din. Sa maka-ilang try and try and always die ni koya, medyo may konting sawa factor during the airing time. De Javu!! 

Kung irarate ko sya, siguro bigyan ko ng otso-otso kasi nga medyo cyclical (oo, alam ko parang nirereword ko lang ang paulit-ulit). Pero imperness, maganda yung ending. Atchaka may pulot na lesson about living life to the fullest. Kung ako ang tatanungin, sulit ba ang pera na binayad? Sulit naman! 

So this is the end of the review-reviewhan mode.

Baka wala akong post sa mga susunod na days kasi uuwi me ng probinsya. Di pa inaabot ng technology much ang lugar namin kaya walang unli net ng sun cell at ng opis. So Pasensya na kung di ako makakapag bloghop or makakareply sa comments. BTW, bka may post padin na lumabas sa blog ko pero scheduled post yun.

Smile naman dyan and everything!!! hahaha. Wala akong pasok bukas. At mamaya DVD hopping ako sa Quiaps. :p

Tuesday, April 19, 2011

Wala na si Jiji!


Pasensya na kung hindi tungkol sa first EB ko ang aking isheshare. Medyo masama lang ang loob ko, mga slight lang sa nangyari. It's so sudden. Parang ambilis lang ng pangyayari. Pero Wala na si Jiji. Wala na ang aking jijicam. :( so sad.

Ansaya ko pa kahapon kasi medyo idle sa upis. Grabi. Akala ko ukidukiduk ang aking lunis dahil na din sa good things are happening. Walang nakaka-irate na calls. Masaya ang feelings. Walang kaaway. Walang tampo. Nakapanood pa ako ng the Source Code kahapon. But, kani-kanina lang bago ako pumasok ay na-shack ako s nalaman ko. Ang aking pinag-ipunang jijicam ay wala na. Kinuha na sya... hindi ni lord pero ng magnanakaw.

Dumating ako kahapon sa house na parang normal lang after manood ng sine. Natulog at nagising ng alas dose para pumasok. Ang ate ko, nagtatanung kung nakita ko daw ba ang relos nia. Sabi ko, wa ako ker! Taray lang ng lolo nio. So keri on lang ako. Kumain ako ng chooks to go at nakikinig sa pag-uusap ng mudra at ng sister ko kung bakit waley sa housung ang gamit nia. And then, napaisip ako, wat if....... wat if..... and then poof.... it hits me. Waley na din ang aking camera. Ahuhuhu. (insert half-tear sa left este right eye).

Napaka-pontakels naman. Kaka-isang buwan pa lamang ng aking baby girl camera pero nakuha na sya. Wala man lang ransom notes. So sad. Kasama ng relos ng ate ko at relos ng dadi ko, my jiji is no longer with me. 

The salisi thieves strikes. Sunday alam kong nasa haus pa yun kasi nag-upload pa ako ng pektyurs ng pagpunta ko sa Bloggerfest. All of a sudden, parang bubbles lang. Wala na. It harts.

It hurts kasi binilan ko pa ng tripod last last week yung camera ko. Di man lang sya nadivirginize ng screw ng tripod. Ang dalawang pa ang memory card ng digicam. parehong 4 GB. Tapos tapos, binilan ko pa ng casing mula sa case logic para protektado yun. Nilagyan ko pa ng palawit na one piece strap yun. Demn. Sayang yung gift cert na napanalunan ko nung pasko para bilin ang digicam.

Ewan ko. Inaalat ata ako sa mga gadget gadgetan . First digicam ko lasted 4 months tapos poof. Nabaha at pinagswimming sa ondoy. Ngayon, di ko pa na-mamaximize ang mga features ng aking cam ay wala na din. Aheyret.

Hindi man lang makikita ni jiji ang Hundred islands. Di nya makikita ang phiyas or ang magalawa sa May. Di rin sya makaka-attend ng summer outing ng company. Di nya masasaksihan ang ganda ng Puerto Prinsesa sa July. Di din sya makakabyahe sa possible na Sagada ng November. huhuhu.

Buti na lang ang yun lang nakuha. Di nanakaw ang dslr ng ate ko. Ang ibang alahas ay di rin nakuha (baka mahirapan i-check kung alin ang tunay sa fancy). Ang laptop ay safe (mahihirapan siguro bitbitin). Ligtas din ang ref, ang tv, ang kama at ang aso namin. Thank God!!

Mukang modus operandi ang manalisi lalo na pag walang tao sa house kaya ang masasabi ko lang ay dapat alerto bente quatro. Di dapat natutulog ang tagapagbalita. Naglilingkod saan mang panig ng mundo at iba ang may alam. Pak. 

Alam ko medyo mahaba na. Pero kasi ang utak ko gumagana nanaman at tumatakbo. I can't cry over spilled milk pero i can blog about it. Now.... im wondering.... Palapit na ang house blessing ng house namin sa probinsya. Kailangan ko bang bumili ng pamalit kay jiji o wag na lang muna? 

Nanghihinayangs talaga ako sa pera este GC na ginamit ko. Anyway highway, ayoko naman todo masira ang tuesday morning ninyo kaya tigil rants na muna me. Happy Yipee Tuesday na muna. :D

Sunday, April 17, 2011

Ninoy Post!

I'm tired and sleepy pero alam kong di naman ako makakasingit sa net dahil kahit alam kong PC ko to at internet connection ko to, lechugas ng konti ang tao sa bahay. pagsunday di ako makasingit sa dambuhalang dragon sa bahay, ang echoserang ate ko. 

So anyway highway, kailangang goodvibes naman. So erase erase ang negativity at doon dapat sa good things. Special ang post na ito sapagkat ito ang ika-500th post ko dito sa blogspot. Oha! Congratumalations!!! Ako na ang kumakarir sa pag post kaya umabot na sa ninoy number.

For my 500th post, Nais ko lang pasalamatan ang mga walang sawang sumusubaybay ng aking blog kahit wala minsang kapupulutan ng aral ang aking post. Thank you sa nagtatyagang magclick sa link ko at napipilitang magbasa kahit tagalog at medyo mahaba minsan ang post. :p

Aside sa pagtetenkyu sa mga supporters ng blog na kwatro khanto o ang khantotantra.blogspot.com, heto ako at magsheshare ng hindi 25, hindi 100 at lalong hindi 500 things about sa akin. 10 things about me lang. Anghirap magtype dahil may nakapila nanaman sa net ko sa bahay; ang mukang cityville kong tita (erase negativity ulit).

1. Masyado akong mahiyain. I'm a shy person pero hindi lang halata at ayaw paniwalaan ng iba. wahahaha.

2. Nung bata-batuta ako, kinatakutan ko ang tuli sa pokpok pukpok. Ayoko ngang ngumata ng bayabas at baka malunok ko to. Di naman ako herbivore.

3. Ang mga naging kamukha ko daw based sa pang-kukutya ng ibang tao ay sina: Kokey (old version hindi yung sa naging tv series), Majin Boo at Ninja Turtles. :p

4. One of my malungkot moment sa life ay yung time na nalaman ko na paaalisin kami sa bahay namin dahil binayad sa utang sa bank yung house and lot. Tapos may naging guard/bantay sa bahay para di daw namin sirain/ babuyin yung bahay.

5. Ang high school graduation ang worst graduation ko. Worst kasi tipid mode daw kaya di kami pinag-Toga. It sucks. puchanggalata.

6. isang beses ko palang na-try mag-smoke. At ang first time ko ay way back childhood. Nacurious lang ako sa yosi at nagpuff-puff sa isang stick ng Hope sa bahay. E hinika ako at ayoko ng amoy. Ayun, hehehe.

7. Tahimik akong tao. alam kong di halata kung lagi kayong nagbabasa ng blog ko. Sa net lang ako maingay, sa personal medyo parang may sarili akong mundo, naks, yaman. ako na nakabili ng own world. :p

8. Nakuwento or nashare ko na to pero i-want a brother. nyahaha. E ikaw ba naman ang natsugihan ng kuya nung bata pa. Nananawa na ako sa presensya ng ate ko. Umay na umay na sa ugali nun. :D

9. Sa gulay, okra ang isa sa no-no's sa akin. mapapa-eeeeew at yucks ako kapag yan ang makikita ko sa harapan ko. Waheheheh. Slimy kasi nito pag kinain.

10. Memorable sa akin ang part na ma-meet ang mga tao behind sa mga blog na aking nasusundan/binabasa.
(di ko pa pala nakukwento yung first blog-eb ko, wahahah, sa 501th na lang :p)
With Sendo, MD, Poldo, Yanah, Axl, Unni and Unni's Sister

with Poldo, Axl, Yanah, Empi and Madz

With ms. chelle(tama b?), Yanah, Axl, Anton and Rj (mula sa fb ni Pusang Kalye)

With Robbie

wahehehehe. O sya, 3am na, may karibal nanaman me sa net. Wakokokokok. Tulog muna ulit. Next tym ko nalang wento ang utang kong stories katulad ng first blog eb at bloggerfest. TC for now. Nyt! :D

Thursday, April 14, 2011

9 ways to Pee

Napulot ko lang to sa pesbook. Umuulan ng calls kaya di ako makapagwento.


Ingats!

Wednesday, April 13, 2011

Nang ako ay inAPE!

Kahapon, right after shift ako ay inape. aheheheh. As in ako ay nag-annual physical exam. Wakokokok. Nag-iinarts lang sa paggawa ng title kaya ganun na lang ang pamagat ng aking post. It's the time of the year nanaman dito sa opisina upang kami ay sumailalim sa physical exam (Hindi sya related sa physical education). Kailangang masusing dumaan sa lab test para ma-chunky check kung kami ay BFAD approved at check na check at corrected by para makapagtrabaho. So no choice at sumunod sa steps. Heto ang kwento ng aking pinagdaanan.

11am ng kami ay natapos sa shift kaya around 11:15 ng kami ay nakababa sa floor kung saan ginaganap ang APE. Pagpasok namin, sinabihan kami na mag fill-up ng form. So kumuha kami at nagulantang. 5 pcs. ng papel ang kailangang pirmahan. Para lang sa APE ay kailangang mapagod ang kamay sa pag-sign. Di naman to autograph at slumbook pero andaming redundant field na kailangang lagyan ng sulat like name, address, cp number, suking tindahan, proof of purchase at signature. Nakakangalay! swear!


So after that pesky shit sheet, pasok na kami sa lab. So si Nurse Joy (hindi nya name), sinabi titimbangin daw ako. Shacks. moment op truth. Nabawasan ba ako o hindi. Aun. Di nia sinabi. puchanggala lang. ahaha. Di ko alam kung tinimbang ako ngunit kulangs. Next ay tinanung ako sa aking height. Dadangkalin daw ako. Wakokokok. Syempre joke yun. Alam ko ang height ko kaya sinabi ko. ahaha. Di ko alam kung accurate lang. wahihih. Next ay blood sample. Inihanda na ang aking pingeringer at pak. Ansakit ng pagkuha ng dugo. Parang ambigat ng kamay ni koyang nars. Grabe pa syang makapiga sa aking dariri. May small teardrop ang lumabas sa left eye ko. ahuhu. 


After ng pagkuha ng blood, im ready for the next one. Urine sample na daw. Ewan ko ba sa mga nars, parang ayaw mag-assist. Kung di pa kami gagamit kokowte, siguro may iihi sa tapat nila. Ayaw nilang magbigay ng instructions. Ang tamod-tamod tamad-tamad nila! So kumuha ako ng test tube at diretcho sa cr. Pagpasok sa cr, bumulaga ang isang lalaki. Parang nag-aabang. lols. Akala ko momolestyahin ang bubot kong katawan. Joke lang. Sya pala ang SuboSugo ng Pasig para sa Drug Test. Di ko pa man nalalagyan ang test tube ng wiwi ay may isa pang container akong lalagyan. Ayun. Iniabot na ang bote ng 1.5 coke at kailangan daw punuin ito. Shet!!! Gagong lalaking yun ah, uubusin ang fluids kow. pero syempre di naman ganun ang nangyari. Di naman talaga 1.5Liters. Di rin kasing laki ng coke in can. Mga bote lang ng vitamins. mga katumbas ng 3/4 cups. So After mapuno ang container, kailangan lagyan din ang test tube. Hassleness!!! Pagkaabot ko ng sample for the drug test, naglabas si koya ng parang sa pregnancy test. Biglang nagkaroon na ng guhit. Syet na malagkit! Akala ko buntis ako kasi andaming linya. Inisip ko, quadruplets and more ba ang isisilang ng bulky tyan ko? wakokokok. Syempre dapat pasado ako, im not drugs kaya. :p Ang wird lang, anlaki ng mga sample container pero mga gapatak lang ang nided. 



BTW, May ibang samples na ang nakuha mula sa ibang nagpapa-drug test. Iba-ibang kulay. At dahil sa sample na iyon, malalaman mo kung ano ang fave drinks ng mga tao sa opis o madalas inumin sa pantry.


Crystal clear color: tubig addict
Slightly yellow: Lemonade
Bright yellow: Pine-orange juice/ Royal
Light brownish- Ice tea
Brownish- Coffee addict (siguro amoy kape pa)
Blackish- Adik sa coke
Redish- Ang rare na Four Seasons drink

After ng weewee sessions, balik kami sa lab, at iniabot na ang samples na nasa test tube. Pumila naman kami sa eye exam. nothing much sa test kasi tatakpan lang naman ang lep en rayt eye mo tapos magbabasa ka lang  ng mga letrang nagdede-evolve o lumiliit. 

Pinapila naman kami para sa check-up sa doc. Closed door check-up. Nagtanung si doc. Like, may lahi ba kayong tomador at mahilig manigarilyo? Hikain ka ba at mga kung ano ano pa. Nagtanung din sya ng ibang bagay katulad ng wat is da esesns op a man. Napasagot na lang ako ng word pis. Then dumating sa point na tinanung kung may almond daw ako. Sabi ko ano po ulit? Almoranas daw. Kung gusto ko daw ba pacheck ang aking wetpaks. pak! No kent be. I repyus! Biglang lumikot ang utak ko. Pak. Baka kung ano-anong pose at pagtuwad ang gawin sa akin ng doktor na yun. Worst comes to worse ay pano kung ang daliri nia ay kasing laki ng daliri ni ET! NO! NO! erase! Buti di mapilits si doc at pinapirma ako na nag-refuse ako. nakahinga na ako ng maluwag.


Next stop, part 2 ng sa drug test. Parang sa NBI clearance daw dito. May picture taking at pingerringer-fingerprinting. Medyo pila balde tapos biglang nagpaskil ng lunch break ng 12. Buti na langs at sumakto pa sa quota at pasok ako bago mag-close ang tindahan. Nung time to shine na, nag-ayos muna ako ng damit ko at sinubukan kong ayusin ang hair ko. Naks. Kailangan presentable. Then sabi sa harap sa camera. Ayun, kailang pose kung pose. Nagbigay ako ng different poses. Pang model ang dating. Nagtry din ako ng jump shot ng nakaupo pero failed. Ayun. Ordinary pic lang ang nakuha nila. Then dinutdot-dutdot ang 10 pingers ko sa nagbliblinkblink na gadget at poof, may kopya na sila ng aking pingerprints. Sana lang wala silang gagawing clone ko. :p

Inabutan na kami ng lunch break kaya nag-antay pa kami ng 1 hour bago makapunta sa final round. 1pm ng kami ay bumaba sa grounds ng building kasi doon nakaparada yung caravan/trailer truck ng X-ray. Sa katirikan ng araw ay kailangan mong mag-antay sa labas upang ikaw ay makuhaan ng picture ng iyong nagbabagang-Baga. Impernes, super quickie ang X-ray, wala pa atang 3 mins.ay tapos na. Mas mahaba pa ang inantay namin na matapos ang lunch break nila.

At dyan nagtatapos ang kwentong ko. Wahahaha. pasesnya na at mahaba at baka napilitan kayong mag skip reads. wakokokokk. Happy Wednesday sa inyo. :D

Tuesday, April 12, 2011

Saan ang Lakad Mo?

Summer time is coming sabi sa balita. Nahuli lang daw kasi nag-overstaying yung La Nina. So by this week daw magsisimula na ang fun, fun, fun under the sun. Umpisa na ng tagaktakang pawis sa tindi ng sikat ni haring araw. So since maaraw, most likely ang pipol ay naghahanda na para maglakwatsa at lumaboy.


San ba kayo pupunta this summertime? Magtritrippings ba kayo sa ibang lupalop ng pinas? Magpupunta ba kayo sa famous boracay not 'BORA'? Magbibitch beach hunting ba kayo? Mag-iistroll sa mga malls? Lalabas at mamamasyal? Kung saan man ang lakad mo, mas maigi na comfy ang iyong paa sa galaan. Syempre, nanaisin mo bang maglibot at pumasyal na sumasakit ang iyong feet at you feel uneasy? No! You need comfort and you need to be relaxed to feel the summer get-away. kaya naman, maigi kung di ka laging naka-shoes. Mas comfy pag slippers. At pag usapang slippers, may i-rerecom akong slippers. ito ay ang......


O ha! Promote kung promote. wahehehe. Syempre. Nakatanggap ako ng isang pares ng slippers sa kanila kaya naman bibigay ko ang aking review and recommendation. Namention ko naman last time sa post na Dupe ang wento kung pano ako nagkaroon ng freebie. So after receiving it, syempre di naman pedeng basta lang ako magpost ng kung ano kahit di ko pa ulit narere-experience ang slippers na ito. For the past week, triny ko muna ito at eto ang aking masasabi.....

Triny ko eto habang nasa bahay at super relaxed ang aking paa. Triny ko ang slippers kapag lumalabas ako ng bahay para bumili sa kanto at oks naman. Nasubukan ko ding gamitin ito pang lakad ng around 1 km sa nearest mall sa haus at di nanakit ang paa sa galos. Swabeng swabe sa paglakad. May gel pad sa bandang dulo ng slippers kaya naman ansarap-sarap suotin ang slippers na to. Kahit mahilig lang akong mag-paa sa loob ng bahay ay napapasuot ako ng tsinelas.

Sa mga magbabalak gumala, i recommend this brand. Naks. nag-eendorse. hahaah.. Bakit nirerekomenda? Dahil ito ay hindi madaling masira at mapigtas. Matibay ito dahil gawa sa quality rubber na mula pa sa lugar ng mga Brazilians; Brazil. Super swak, kahit saang lakad. Btw, may mga designs sila for different pips. Ang larawan sa baba.

Ang larawan sa baba ay samples ng kanilang slippers (orders: male, female, kids and babies)


May pesbook page pala ang Dupe: www.facebook.com/dupePH

Kung nais makabili, mahahanap at makikita ang Dupe brand sa Megamall and Mall of Asia, Landmark Makati, Landmark TriNoma, Shopwise Araneta Center, and Shopwise Festival Mall. Ang presyo ay nasa 275-P495 lamang.

"Sige sama ako. Walang iwanan, walang susuko." -Dupe Slippers


Tc!!!

Monday, April 11, 2011

Success!!


Hello! Kung nagtataka kayo kung sino si khantotantra2 na nagpost sa blog ni khanto, wag magtaka. Ako lang din yun. Kailangan lang gumawa ng paraan para magkaroon ulit ng free 1 GB na storage ng pictures. At para magawa iyon, gumawa ako ng new blogger account at ginawa kong co-author at co-admin sa aking unang account. Para-paraan lang naman yan e. :p

At dahil mukang successful ang aking tangka, ang topic for today ay Tips for success. Naks. Ahahaha. Haktwali, di naman ako ang successful para mag bigay ng tipitipitips. Bubuhos ko lang naman yung nabasa ko sa isang libro na di ko matandaan ang name at author. Wakokokok. Nakapulutan ko lang ng aral at nais ko lang naman ishare ang 12 sa 100 na binigay na payo. Wahohohoh. Yung name lang ng tips ang ingles pero binigyan ko ng sariling flavah para sa ekplanasyones na maiintindihan nio.

1. Resist the Urge to be Average
Average Joe.  Yan na lang ba ang lagi mong gugustuhin sa buhay? Gusto mo bang laging nasa So-So state? Dapat daw, huwag laging nasa safe zone. Think big, dream big and win big. Wag mo daw isiping mga 5 or 6 kahaba, dapat daw mga 15 ang haba ng..... PANGARAP!!! :p

2. Take Small Victories
Hindi kailangan laging bonggang-bonggang bongbong ang iyong pagwagi at pagkakaroon ng success. Hoy! Minsan ang paunti-unti ay malaking tulong na. Kasi eventually, you're accumulating victories e.
3.Don't Keep Fighting your First Battle
 Mga ate, mga koya. Wag laging nakatuon ang sarili sa unang pagsubok. Anu ka ber!!! Hindi lang yan ang challenges mo. Baka sa pagbuhos mo ng 200 percent na tinalo mo pa si Taguro sa kanyang 100%, sa next battle ay deds ka. 

4. The Best Defense is to Listen
Syempre, dapats di ka lang umaatake with your words and all. Dapat may dipinsa ka. Matutong makinig at makiramdam. Dapat alam mo ang mga pagpuna at pansin ng ibang peops. Kumbaga sa kanta ni Dodong Charise...... Listen at hindi Pyramid!

5. Remember the Task, Forget the Rankings
 Sa tip na ito, ang sinasabi ay kailangang memorize mo na! Parang love radio, Bisyo na to!!! Dapat tanda mo ang iyong work ethics. As long as you are doing the steps and task, magfofollow na ang rankings.

6. The Past is Not the Future
Syempre, magkaiba ang Past at Future. P at F ang umpisa ng dalawa. Pero ang lesson dito ay hindi porke't successful ka sa past, successful ka din sa future. Dedepende padin yan sa kilos mo. Aba. e kung tinamads ka after mong magtagumpay sa past, shempre may future ka sa pagiging talunan.
 
7. Don't Want Everything
Wag sugaps! Wag gahaman. Hindi dapat angkinin at pangarapin mapasayo ang lahat. Tandaan, hindi lahat ay nakabubuti. Saka, isipin mo nalang, pag sinabi mong lahat, included na dyan pati some nega stuff. Another point din daw ay hindi naman lahat ay mapapakinabangan mo e.

8. It Might Get Worse Before It Gets Better
May kasabihan, when it rains, it fours!! ahaha. So ibig sabihin, minsan ang ambon ay magiging ulan tapos magiging bagyo bago mo makita ang araw. Ang mahalaga, aayos din ang gusot basta may handa ng init ng plants. karugs nito ay: You'll Get Knocked Down and Then Get Back Up.
9. If You Don't Believe, No One Else Will
 Aba. Ikaw dapat ay supporter ng sarili mo no. Kumbaga sa mga tokmols sa fb, dapat post mo may sarili mong like minsan. Dapat parang starstruck, dream, believe and survive.  Kung alam mo sa sarili mo na successful ka, sa paningin ng iba, successful ka.

10. You'll Work Harder If You Feel Wanted
Gaganahan kang magpursige sa life kapag ang mga nakapalibot sa iyo ay kasundo mo. Kapag alam mong may mga taong nakasuporta sa iyo at nag checheer for you, may energy ka to go for the gold.

11. Money Isn't Everything
Hindi naman laging pera-pera lang ang labanan. May mataas ka ngang sweldo pero hindi mo na na-eenjoy ang pagwowork at puro ka na lang stress. Or mataas nga ang kita mo pero di ka naman masaya kasi natatambakan ka na ng tonetoneladang trabaho at humaharap ka sa super duper challenge.

12. Always Think About What's Next
Plan ahead. Hindi lang dapat plan A, dapat meron kang baong plan B, C, D, iron, magnesium at Zinc. Dapat may kakayahan kang mag-foresee at mag prepare for the next battle para matiyak mo ang iyong success.

O hayan ang labindalawang items na maaaring makatulong sa atin para magtagumpay. Sana lang may napulot kayo kahit isa. :p

Happy Mondays.