Wednesday, May 9, 2012

Prince of Tennis

Yo! Wazzaps! Day 3 ko sa work at i feel so tired and sleypi. Pero keri lungs. Kakayanin. 2 months lungs namans this!

Well heniway. Tigil peliks and fiction story muna at balik anime muna ang post. 

Featured anime ngayon ay ang manga na binaback-read ko ulit. Ito ay ang Prince of Tennis.


Sa mundo ng anime, merong kung ano-anong shizzness ang pedeng maging tema. Meron dyan yung mga tungkol sa mga chinese zodiacs o kaya naman mga legends sa japan, china etc. Meron din naman tungkol sa mga bakbakan at labanan ng martial arts at kung anik-anik. At syemps meron ding sports. Dito na papasok ang featured anime.

Base nga sa name, dapat nagets nio na ang sports na relate sa anime ay Tennis at hindi badminton o kaya bowlings.

Ito ay tungkol sa isang batang lalaki na may name na Ryoma Echizen. Nag-apply sya sa Tennis club at doon na mag-uumpisa ang adventures nia sa paglalaro ng balls.... tennis balls.

Sa anime na ito, makikilala mo ang team na Seigaku.... Ito ang school ng mga bida sa balls. Dito ninyo makikilala ang mga sari-saring tennis player ng iskwelahan pati ang mga team ng mga rival schools.

Well, ano ang kakaiba sa anime na ito? Hindi to tulad ng slamdunk na medyo malapit sa katotohanan kasi this anime will give you out of this world tennis prowess. Oo, may kung anong sapi ang mga characters at may kakaibang kakayanan.

Dito niyo makikilala ang mga characters na sila:


1. Shuichiro Oishi
-Well nothing much special sa character na ito aside from sya ang vice-captain ng tennis club. Ang specialty attack nia lang ay ang tinatawag na Moon Volley.


2. Eiji Kikumaru
-Eto ang kasama ni Oishi sa doubles. Siya ang character na kung makapag-tambling at kung ano-anong acrobatics ay nagagawa. 


3. Takashi Kawamura
-Ang player na naging mala-hulk ang aura kapag nakakahawak ng tennis racket. Known sa special attack na Hadokyou na parang humahaduken na attack.


4. Takashi Momoshiro
-Eto naman ay parang basketball player turned tennis player ang peg. Ang attack niya ay ang dunk smash na as the name goes, parang dumadakdak sa pagpalo ng raketa.


5. Kaoru Kaidoh
-Ang player na may mala-ahas ang feature. Favorite skill nia ay ang snake. Tapos nag-evolve na parang ekans ang atake nia at naging boomerang snake!! 


6. Sadaharu Inui
-Eto naman ang geeky player ng team. Kung anong energy drink ang iniimbento. Sya din ang may tinatawag na Data tennis o inaanalyze nia ang mga probability ek-ek at nagcacalculate ng attacks.


7. Shusuke Fuji
-Siya naman ang genius at prodigy. Cool at kalmado pero mabangis ang kanyang triple counter attacks na di kalayuan ay nadagdagan pa ng kakaibang counter attacks.


8. Kunimitzu Tezuka
-Eto ang team captain ng team. Mysterious ang peg. At sya naman ang may kakaibang playing style called Tezuka Zone kung saan parang vacuum na napuunta ang balls sa kinatatayuan nia. 


9. Ryoma Echizen
-Syemps, sya ang bida. Halos lahat na ng galing nasa kanya na minsan ansarap patayin. lols. Aniway, merong syang mga attacks like Twist serve pati drive A and B... Di ko lam kung aabot sa drive Z ang atake nia.

nakakaaliw ang anime na to. May pagka-comedy din kaya naman okay syang panoorin na pampalipas oras. Okay din yung mga filler episodes nya na talagang nakakaaliw kasi naka-chibi form ang drawing tulad ng larawan sa ibaba.


Hanggang dito na langs muna. Saka na ang peliks at ang karugs ng fiction na The Soul Searcher. TC!

11 comments:

  1. may nakita din ako na live action nito

    ReplyDelete
  2. pinapanuod ko to dati :) ang favorite ko ay si Fuji :) (maka-genius lang)

    ReplyDelete
  3. naumpisahan ko to pero hindi ko na nasubaybayan..

    yung may ipo ipo pa pag pinapalo yung bola..

    astig..hahaha

    ReplyDelete
  4. meron yang japanese live action movie

    ReplyDelete
  5. kahit nakailang episode na ako nito.. di ko parin feel tapusin... ewan...

    ReplyDelete
  6. may tanong lang ako, pag sa ibang bansa other than japan, pwede pa rin bang tawaging anime? napaghahalata tuloy ang edad ko haha :p

    ReplyDelete
  7. akala ko kwento din ito ng kagaya sa mga naughty princesses mo dati, male version lang.. ahahha :P

    ReplyDelete
  8. pinalabas na ba toh sa pinas???

    ReplyDelete
  9. nice nice :))

    at least ikaw ay mapagli2bangan habang nagwo2rk, unlike others na puro trabaho ang iniisip, nawa2lan na ng time para sa sarili

    :))

    ReplyDelete
  10. lols sa review ng prince of tennis! hahaha! :)) Laughtrip lagi ee :))

    Kahit man din ako, di ko matapos-tapos ito...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???