Thursday, May 17, 2012

The Soul Searcher 3

Episode 1
Episode 2

Ilang oras ang nakalipas at nasa mahaba-habang byahe padin ako katabi ang isang magandang babae pero tinatamaan padin ng hiya upang simula ang pagpapakilala o upang magtanong ng kung anong bagay.

Pinili ko na lang manahimik at matulog na lang sa byahe habang dinadama ang lamig ng aircon na nakatutok sa akin.

 ♫Pakisabi na lang na mahal ko siya 'Di na baleng my mahal siyang iba ♪

 Isang kanta ang umistorbo sa maikling paghinbing ko sa byahe.

♪ ♪ Pakisabi huwag siyang mag-alala 'Di ako umaasa ♫ ♫

Patuloy ang pagtunog at ang kanta na mula sa mahina ay tila palakas ng palakas.

♫♫ ♫ Alam kong ito'y malabo 'Di ko na mababago Ganoon pa man pakisabi na lang ♪ ♪ ♪

Lumingon ako sa aking katabi at inalam ko kung nakatulog ba sya at di nya pa nadidinig ang tunog na unti-unting nakakabulabog ng ibang pasahero.

Tulala ang magandang dilag habang tila nag-iisip kung ano ang gagawin sa patuloy na pagtunog ng cellphone na nanggagaling sa loob ng kanyang handbag.

 "Excuse me... Ms. Uhhhm.... Yung cellphone mo, kanina pa tumutunog. Medyo nakaka-istorbo na sa ibang pasahero" Yaan ang mahinang nabigkas ko sa aking katabi.

Tila wala pa din sa tamang wisyo ang babae. Di ko alam sa aking utak kung iisipin kong may sa-bingi ang babae, sabog at naka-inom ng ipinagbabawal na drugs o may pinagdadaanan lang. 

♫  ♪ ♪Pakisabi na lang na mahal ko siya 'Di na baleng my mahal siyang iba ♫♫ ♪
 ♪ ♪ ♫♫ ♫Pakisabi huwag siyang mag-alala 'Di ako umaasa ♫ ♫♪ ♪ ♪
♫♫ ♫ ♪ ♪ ♪ Alam kong ito'y malabo 'Di ko na mababago Ganoon pa man pakisabi na lang ♪ ♪ ♪ ♫♫ ♫

Tumigil din sa wakas ang pagtunog ng kanyang telepono at ang ibang naalibadbaran sa lakas ng kanta ay nagbalik sa kani-kanilang paghimbing sa byahe.

"Miss... Are you okay?" Wow, napa-inglis ako ng wala sa oras para lang magtanong kung okay lang ba sya.

Walang imik pa din ang aking katabi at para naman akong kumakausap sa pader kaya sinubukan ko na lang na makigaya sa ibang tao na matutulog na lang sa byahe.

"Manhid ba kayong mga lalaki?" Mahinang nabigkas ng aking katabi na tila ako ang nais kausapin.

"uhmm..." Nabigla naman ako sa mga katagang ibinanggit ng dalaga. at tila nautal at nawalan ng ako ng boses upang tumugon sa kanyang katanungan.

"Alam mo yung feeling na ginawa mo na ang lahat, nagbigay ka na ng mga senyales na mahal mo sya, pero hindi pa din makuha ng taong mahal mo ang pinapahiwatig mo." Bigkas muli ng dalaga.

Mukang unti-unti na akong nagkakaroon ng kakayanan na makabuo ng mga salita sa aking lalamunan at nagkakaboses na ako mula sa pagkabigla sa mga salitang binibitawan ng dalaga. Pero bago pa man ako sumagot ay napagpasyahan ng driver ng bus na magpatugtog na lang ng radyo.

♫  ♪ ♪Akala mo hindi ko nakita
Maligaya ka 'pag ako ay masaya
Akala mo hindi ko naisip
Na kasama ako sa iyong panaginip 
Bawat sabihin ko
Alam ko nakikinig ka
Akala mo siguro hindi ko nakita♫♫ ♪

Natulala ang dalaga sa unang dalawang stanza ng kanta. Habang ako naman ay napatitig sa babaeng aking katabi na bakas sa kanyang mukha ang lungkot.

♫♫ ♫Akala mo hindi ko pansin
Akala mo hindi ko alam
Mahal mo nga ako kahit hindi mo man sabihin
Akala mo hindi ko napansin ♫  ♪ ♪

Pagdating sa chorus, nabigla ako dahil unti-unti na ang pagpatak ng mga butil ng luha mula sa mata ng dalaga. Di ko maiwasan na di maantig ang damdamin sa aking nakikita. Isang babaeng tila binibiyak ang puso sa bigat ng dinala at saloobin.

♫♫Akala mo gano'n lang yon
Alam ko 'yon kahit noon
Akala mo hindi ko napansin ♫♫

natapos ang kanta at ang mukha ng dalaga ay basa na ng mga luha at ano mang oras mula ngayon ay tila bubulahaw na sya sa pag-iyak.

Di ko alam kung ano ang tumakbo sa isip ko at bigla ko syang hinawakan sa balikat at niyakap at sinandal sa aking balikat.

Sa pagkakataong iyon ay para siyang nakahanap ng unan na maiiyakan at lalong bumuhos ang luha sa mata at simula ng pag-iyak niya.

Ang nagawa ko na lang ay hayaan ang paglabas ng mga mabibigat na pasanin ng dalaga at idaan ito sa kanyang mga mata sa pamamagitan ng pag-iyak at pagluha.

Itutuloy...

5 comments:

  1. "Miss... Are you okay?" Wow, napa-inglis ako ng wala sa oras para lang magtanong kung okay lang ba sya."

    Hehe.. kahit na serious na ang situation, meron parin siyang sense of humor :)kakatuwa.

    can't wait for the next episode.

    ReplyDelete
  2. naks pumi-fiction, dama ko parang hindi naman talaga fiction ito, parang base sa sariling experience :) i like that u used the Company song, Pakisabi na lang :)

    ReplyDelete
  3. bitin na naman! hehe.

    akala ko dito na malalaman ang pangalan nung babae :)

    ReplyDelete
  4. uma-aiza ang mga themesongs!

    tayong mga lalaki hindi manhid pero hindi rin tayo manghuhula

    ReplyDelete
  5. tama si kuya bino! haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???