Good Morning sa inyo. How's your day? May nais sana akong post kanina kaso bigla naman me na nawalan ng will and powers kaya naman imbak muna sa draft yun.
For today, rarandom eklaver muna me. Gusto ko lang maglabas ng mga nasa isip ko. Clearing up muna. Medyo nagiging makalat kasi lately.
1. Lately, ansakit ng paa ko. Yung tipong kapag naipahinga mo sya tapos bigla kang tatayo or maglalakad, para kang pipilay-pilay maglakad. Di ko alam kung eto ay dahil sa flat shoes/sneakers na sinusuot ko sa opis.
Sabi ng doctor nung nagpa-physical exam ako, baka daw dahil sa katabaan ko kaya ganoon. Baka daws di na kaya ng paa ko ang body weight so ang burden ay napupunta sa talampakan.
Yun daw ang probability, pero pag nagkataons, baka daws rayuma na to, or sobra na sa uric acid. Sana hindi. Ayoko ng arthritis.
2. Kahit na lagpas sa 6 hours ang tulog ko, ang katawang lupa ko ay parang pagod na pagod at antok na antok ang pakiramdam ko. Yung feeling na parang drained cellphone ka tapos di ka na-cha-charge.
Di ko alam kung dahil ba sa init ng panahon tuwing tanghali kaya kahit mahabs ang tulog ko ay parang walang epeks. Di kaya ng aircon ang init ng kapaligiran. :(
3. May bumabagabag sa akin. May napansin akong kabalastugan na ginagawa ng isa kong ka-team. Nagiging habit nia na, straight 6 days na niyang ginagawa. Di ko masumbong at ma-report kasi occasionaly, or paminsan-minsan, nagagawa ko din yung ganong pandurugs. :(
Nagdadalawang-isip me kung i-rereport ko yun kasi alam ko yung term na 'Walang Basagan ng Trip'. Saka guilty din ako sa mga kabalastugan sa opisina so di ako pedeng magmalinis dahil kahit ako naging kups noong mga nakaraang month.
Siguro ayaw ko lang na nalalamangan ako. Kumbaga, ang masama ay galit sa kapwa masama. Tapos it takes one to know one.
4. Natetempt akong bumili ng voucher para ma-experience ko naman ang Manila Ocean Park. Feeling ko ang ilan sa mga school sa manila, doon nagfifield trip at kahit mga bata-batuta e na-experience na yun. Gusto ko din ma-try.
Alam mo yung napapasilip ka sa metrodeal.com tapos nakikita mo yung different package para sa pagpunta sa Oceanpark at nais mong makapamasyal sa lugar na yun. Anhiraps.
5. Na-sad ako ng slight kasi nalaman ko na conflict pala ang bohol trip ko sa Toycon 2012 this June. Paano ba naman, nasa bohol ako ng 14-16 tapos ang Toycon ay 15-17. So 1 day lang ako makakapunta ng event. E ang problema, minsan, wala ka ng mabibiling good toys sa 3rd day ng toycon. Madalas, ubos na ang mga rare toys.
Alam ko na mas worth it ang bohol pero syemps, as a toy enthusiast, gusto ko din makahagilap ng pandagdag sa one piece collection ko. :D
O cia, hanggang dito na lang muna. TC!
bohol trip na talaga, marami pang toycon events :)
ReplyDeletemahilig din ako'ng bumili ng vouchers hehehe
gusto ko rin bumili ng voucher, hehe
ReplyDeletesana sipagin ako na pumunta sa toycon this year, two years ago pa ata ako huling umattend ng ganyan :p
ReplyDeletemag bohol ka na lang... im sure mas madami pang maganda sa next toycon!!
ReplyDeleteOne piece collection.. hahaha
ReplyDeletemataas ang uric mo!
ReplyDeleteget well soon sa paa mo :) (yung paa lang talaga eh, hindi yung kabuuang health hehe), ang hirap naman nung number 3, pero sabi nga, "if u cant beat them, join them!" :)
ReplyDeleteHay, sana ma try mo both with enough time kaso mukang malabo ah. Worth it nga to be a Bohol... pero ur heart also wants something. tsk..tsk..
ReplyDelete