APE, ito ay hindi ang super saiyan na nakakita ng bilog na buwan. Ang APE ay tinatawag na Annual Physical Exam kung saan hindi sinusukat ang lakas at pwersa ng enerhiya kundi tinitingnan kung fit ka sa trabaho at wala kang sakit.
Noong nakaraang buwan ginanap ang physical exam sa amin pero dahil nagkasakit ako ng panahon na iyon at di nakapasok sa opisina, i miss the opportunity na magpa-check up. Good thing at tila madaming taga opisina na di rin nakapag exam at ngayong buwan(hunyo) ay nagkaroon ng round 2.
Matapos ang shift, diretso na ako at swerte, unang una ako sa pila. Number 1, Number 1, number 1! Ako ang nakauna at perst na perst upang magfill-out ng form.
First part ay ang height and weight section. Dito sinukat ang "T" ko. "Tangkad!". Shocking na umabot na ako ng six feet. Wow! Daig ko na ang nagcheriper at growee. Sumunod na nangyari ay kinuha ang aking "T", "Timbang!". Omaygaligulay! 100 daw(di sinabi kung pounds o kilos. Hebigat na ako!
Next na kinuha ay aking blood sample. Ngiiiii. Kinakabatutan ako kasi ayoko makakita ng dugo!! joke. Ayoko lang nito kasi may karayom na parang isusundot sa daliri at maliit na tube na nangongolekta ng dugo.
After ng blood ay sa doc na ako. Wow! Bakit tila lahat ng doctor ay maputi ?(mapalalaki o babae). Basehan ba lagi sa docs ang good looking at pretty? Syempre, since lalaki ako, man doctor ang nagcheck sa akin. Tanung tanung about health tulad ng may history ba ng diabetes? cancer? sakit sa bato? Sakit sa tyan? sakit sa ulo? Okay na ang lahat pero napansin ni doc ang enlarged kong "T"- Tonsils. Inadvice ako na magpatingin sa EENT(Eyes, ears, nose, throat) upang ipasuri at idiscuss kung kelangan ko ng TONSILECTOMY(operasyon sa namamagang tonsils). Shet! Nikakabahan ako. Di ko alam kung ano magiging recommendation ng doc. Bahala na si Batboy(suko na si batman). Last na tanung ni doc e kung mapapacheck ako ng genitalia at rectal exam. Pass! Ayoko! Afraid ako sa mahabang daliri ni doc na ipapasak sa butas ng aking wetpaks. Next patient nalang!
Since di pa nakapagseset-up ang eye exam, daan muna ako sa urine sample at kumuha ng test tube. Go sa banyo at naghanda upang isalin ang wiwi sa maliit na lalagyanan. Kailangan marunong tumantya upang di lahat ng wiwers ay ilalagay at iwas mabasa ang daliri ng sariling body fluid. Success! Submit sample na at go na sa next.
Next step ay ang exam na titingnan ka ng tagusan. Xray ang next stop. Bumaba ako ng building at nagpunta sa basement kung saan naka-park ang mini-van na kinonvert sa xray room. Dito ay pinalapat ang aking dibdib at chest sa kwadradong bakal at sabi smile. Shoot! Tapos na, napicturan na daw ang baga o lungs ko.
last stop ko ang eye exam. Natagalan kasi walang battery ung remote ni doctora. Hinanapan pa nia ng Triple A na battery. Takpan ang kaliwang mata at pinagbasa ako " A B A Y G A" Lumiit ang mga letra. " G O P A L A". Mas lumiit pa. " A K O E H". Inulit ang proseso, kanan na mata naman ang takpan. " A N T A N G". Lumiit ang letra. "A T A N G A". Mas lumiit. "M O B A B Y". echos lang ung pinabasa sa akin, random lang.
Sa wakas, natapos din ang APE. Wala na akong ikakabahala kasi nakapag APE na ako which is required bago lumipat ng building ang aming opisina. Sana lang ay di humantong sa operasyon sa aking tonsils. Kahit possibleng icover ng medicard ko yon, may gastos padin akong kahaharapin. Hope madaan sa gamot lang!
pinakaayokong event ang APE! ang hirap maglagay ng sarili mong jerbaks sa specimen cup! kahit sa akin 'yun, ayoko siyang gawin!
ReplyDelete