Di ko alam kung bakit naging ganito ang mood ko ngayon habang gumagawa ako ng blog. Maayos naman sana ang simula ng araw ko kaso ewan ko ba at anung masamang hangin ang aking nalanghap at tila nasira ang ayos na araw.
Maayos naman ang aking tulog. Okay na ang 6 hours of sleep. Nakapagbukas pa nga ako ng facebook sa bahay bago umalis. Di na nga ako nainis kahit wala akong maalmusal sa bahay kasi walang tirang ulam mula kagabi at San Marino tuna lang ang nasa kusina. Umalis nalang ako ng bahay na walang kinakain.
Pagsapit dito sa opisina ay oks pa ang lahat. Kahit pawisan dahil sa alinsangan ng panahon kasabay ng medyo basang buhok matapos makaligo. Di ko na inintindi kahit ang bagong labang panyo ay tila nalabhan sa pawis na dulot ng byahe.
May pagpupulong ang mga kasama sa trabaho. Konti lang ang idle. Oks lang. Kalma lang at chill ang lahat. Nag-log-in. Idle. Walang masyadong calls kahit madami ang wala dahil sa meeting. Cool lang.
Riiiiiiiing! Riiiiiiiing! Ayan na ang unang tawag. Free calls. Since nasa training ako para magsupport lamang ng mga client na nagbabayad ng Premium service para sa kanilang software, nagtaka ako pero sinagot ko ang tawag kasi trained naman ako. Forte ko naman noon ang Free kaya oks lang.
Maya-maya..... Riiiiing! Riiiing! Shet! Free nanaman. kainis ah! Andaming idle pero bakit nakatanggap kami ng ganito. Suspicious. Sige, sagot lang! Stress level tumataas.
Riiiiiiing! Riiiiiing! Tingin sa phone. Sa wakas! Premium call na! Madadagdagan na ang level ng kaalaman. Virus case. Okay. Okay naman ang lahat kahit na umabot ng dalawang oras at di ko naresolve ang kaso at na-escalate o napadpad sa mas mataas ang kaalaman. Stress level back to 0.
Riiiiiiing! Riiiiiiiiing! Riiiiiing! Shet! sunod-sunod ang free calls. Anu ba naman to. Nakakapurga na! Tumataas ang stress level ko. Animo ay papaakyat pataas ng 23rd floor ang stress na nadarama. Sige, smile. Sagot ng telepono at tulungan ang client.
Boooooom! Kablag! Shooooosh! Tila may dumakdak o kaya ay may nag-spike na galit na nagmumula sa akin. Nakakabadtrip! Ang pesteng client animo ay binge! Anlakas na nga ng boses ko sasabihin nia di nia ako madinig. Ang badtrip pa ay tatanga-tanga. Tapos ang problema nia nakakairita! Hays! Tumaas ata ang stress level ko at napuno na ang salop. Ang galit ko ay umakyat at biglang tumaas katulad ng singil ng meralco.
Kumakalma na ako habang papatapos ang blog na ito. Nakainom na ako ng hot choco at uminom ng tubig. Pasensya na kung tila galit/sama ng loob ko lang ang naisulat ko. Sana mawala ang stress maya-maya at bago umuwi. Ayokong matulog na badtrip.
ayun..hot choco lang pala katapat ng stress level mo
ReplyDeletegrabe..call center ba? gusto ko pa naman talaga masubukang mag call center haha....handa na ko sa mga kababuyan ng mga callers..haha..God bless sa iyo...i-hot choco na lang kung mauulit pa